Datapuwa at may bagsik ang bawat hampas ng alon sa luntiang dalampasigan ng Boracay tulad ng bagsik ng tunggalian sa pagitan ni Bise-Presidente Jejomar Binay laban kay Ginoong Ernesto Mercado, matalik na kaibigan at may mga matitibay na ebidensyang magpapatunay na ang Bise-Presidente ay dawit sa mga katiwaliang nagsanhi ng pagyanig sa sitemang pulitikal ng bansa, dinurog ang tiwala sa pamahalaan.Buhat ng sumiklab ang bakbakan nila, ang pangunahing salarin ay ang taumbayan, kumukulo ang labanan na tila ay walang kahupaan, nagdudurugan ng pagkatao na parang mga loro sa telebisyon,radyo o social media. Sa wari ko ay nagkamli ang dakilang manunulat na si Charles Darwin na nagsaad na ang tao ay mula sa unggoy, ang dalawang ito ay panay ang salita, sigurado ako na ang tao ay nanggaling sa loro.
Ang tensyon ay lalong kumulo, hinamon ni Ginoong Ernesto Mercado ang ating Bise-Presidente sa isang pampublikong debate para malaman ng mamamyang pilipino kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kasinungalingan. Ngunit ay naduwag si Ginoong Jejomar Binay, ikinukubli ang mga totoong alegasyon ng pandurugas sa kaban ng bayan sa likod ng kasinungalingan at sa halip ay walang humpay ang pangangampanya , inuuto ang mga masang walang pinag-aralan dahil sa kakapusan, ito ay lantarang pagnanakaw ng mga boto, pinagsasamantalahan ang kamangmangan ng mga mahihirap, ang masaklap pa ay ang pangalawang pangulo ay siya mismong nanglalabag ng mga batas ng COMELEC dahil sa maagang pangangampanya.
Ang karuwagang harapin ang umuusig ay isang patunay na ang mga akusasyon ng pandurugas sa kaban ng bayan ay pawang mga katotohanan, ninanakaw ang mga pangarap ng mga mahihirap na nais guminhawa ang pamumuhay, dinudurog ang pag-asang maka-ahon sa kahirapan at ito ay isang napaka-pait na gamot na piliting lulunin ng bawat Juan sa Pilipinas.
A political article that condemns the despicable massive graft and corruption of Vice President Jejomar Binay
ReplyDelete