Ang mala-impiyernong init ng katiwaliang kinasasangkutan ng Bise-Presidente ay tila rumragasang apoy na lumalagablab, patuloy na sinusunog ang kaluluwa ng bayan sa sulpuradong mantika ng matinding kahirapan.
Biglang napaluhod at napa krus ang Paring si Edu Gariguez , Secretario Eksikyutibo ng Conperensya ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas, ng maka harap si Bise-Presidente Jejomar Binay na tila ay may dalang latigong kinakastigo ang moralidad ng lipunang Pilipino, pinaparusahan sa matinding kahihiyan dahil sa kasinungalingan at pangungulimbat ng bilyon-bilyong piso mula sa pawis ng mararangal na mamamayan.
Puna mismo ng pari na ang paliwanag ng Bise-Presidente ay di kapani-paniwala dahil kung talagang inosente siya sa katiwaliang na sa kanya ay inu-ugnay ay nararapat lamang na harapin niya ang Senado upang ipahayag ang kanyang panig, sa ganitong paraan ay mabubuhusan niya ng balde-baldeng clorox ang maitim…
No comments:
Post a Comment