Wednesday, November 19, 2014

KADILIMAN

Portrait of poverty.
Portrait of poverty.
Nangingitim ang lipunan hindi dahil sa dala ng nag-aambong mga ulap kung hindi ay dahil sa nagbabadyang panganib ng bagyong higit na mas mabagsik kaysa kay Yolanda, ang panganib ng matinding pagsasamantala ng Bise-Presidente ng bilyon-bilyong piso mula sa kaban ng bayan. Bawat hagupit nito ay sinasalanta ang kinabukasan ng mga maralitang kabataan na nagtitiis pumasok sa paaralan ng walang tsinelas , naglalakad ng kung ilang kilometro, ulam na bagoong na nasa ibabaw ng kaning binalutan ng dahon ng saging at sa kalaunan pala ay nanakawin lamang ng pulitikong gahaman sa yaman ang kanilang pag-asang mai-ahon lamang sa kahirapan ang pamilya.
The Vice President's ill-gotten mansion while millions of children are dying in dire poverty.
The Vice President’s ill-gotten mansion while millions of children are dying in dire poverty.
Tila ay tinataga ng itak ng katiwalian ang buong katawan ng bayan, walang patid sa pagdurugo sa sukdulang pagtaksil ng Bise-Presidente, kaluluwa nito ay tinutusok ng karayom ng kahirapan at unti-unting inililibing sa ataul kasadlakan.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Bise-Presidente Binay , mismong iniluwal ng kanyan dila na siya ang may ari ng Hacienda Binay Sa Rosario, Batangas ngunit ng uminit ng husto ang alegasyong katiwalian, panay ang kanyang tanggi sa pag-aari nito, ito ay lantarang panloloko sa publiko, tinatanggalan ng dangal. Nilalaro ang kaisipan ng mga mamamayan ,sinasmantala ang kamangmangan ng mga mahihirap na mga magsasaka at mga mga manggagawa.
Ang katiwaliang kanyang kinasasangkutan ay isiniwalat ni Ginoong Erneso Mercado , matalik na kaibigan ng Bise-Presidente, may mga dokyumentong dala upang mapatunayan ang matinding pagnanakaw tulad ng mga Citi Bank at Hong-Kong Bank deposit slips na naglalaman ng milyon-milyong dolyares na deposito.
Cayetano just shown BATELCO payment for October 2014 of the farm. Agricfortuna
is paying the elctric bill through its Agrifortuna check.
As of 1998 sa pinapakita ni Mercado, umaabot na sa P350,000,000.00
total ang combined perso, usdollar, hongkong dollar at euro ang binay. Though
for validation on rollover placements yung iba. Pero nakakalula sa laki at year 1998, 10 years as Mayor of Makati.
Makati Building Park naman. Binay buking.
Hindi daw sila nagsinungaling nung sinabi nilang green at
world-class ang carpark building (kahit na walang maipakitang LEED
certification ang bulok na bldg. na ito).
Hindi daw sila nagsinungaling nung sinabi nilang 33,000+ sqm ang GFA nung bldg.
(pero 27,000+ lang naman talaga).
Hindi daw sila nagsinungaling nung sinabi nilang kaya mahal ang carpark bldg.
ay dahil malambot ang lupang kinatatayuan nito.
Hindi daw sila nagsinungaling nung sinabi nilang tama ang pinagdaanang bidding
process (kahit na lumalabas na iisa lang naman talaga ang bidder).
Hindi daw sila nagsinungaling nung sinisi nilang ang Beijing Games kaya mahal
ang pagkakabili nila sa bakal na ginamit sa construction nung bldg (kahit na
pinabulaanan na ito ng special audit).
Hindi daw nagsisinungaling ang 67,000 pesos na hand dryer at 20,000+ pesos na
mga lababo sa mga CR ng carpark bldg. at ang 970,000 pesos na signage nito.
Hindi daw sila nagsinungaling nung ipinagmalaki nilang “cleared” ng
COA ang project na yan (kahit na pinabulaanan na ito ng COA).
Hindi daw sila nagsinungaling na walang iregularidad sa procurement process ng
carpark bldg. despite plenty of documentary evidence that say otherwise–for
example, maraming kulang na information sa bldg. permit, tulad ng total project
cost, gross floor area, project specs, pero kumpleto ang mga lagda at aprubado
ito ng City Engineer, Bids and Awards at ng mayor mismo ng Makati.
Hindi daw sila nagsinungaling nung una at mariin nilang sinabing “Hindi
overpriced ang carpark bldg.”, pero kalaunan ay binawi ito’t sinabing
“Baka nga may overpricing.”
Hindi daw nagsisinungaling ang 1.5 million pesos na sterilizer (real price:
16,000 pesos) sa Ospital ng Makati.
Hindi daw nagsinungaling si Jojo Binay nung ikinaila niyang pinirmahan niya ang
ordinansa ng MMDA ukol sa mga sidewalk/street vendors (ito yung nasa
kontrobersyal na debate nila ni Bayani Fernando).

No comments:

Post a Comment