Panay ang sayaw ng mga talahib sa alinduyong ng ihip ng malamig na hanging nanunot sa buto, tila bang
may ipinapahiwatig na kung anong kababalaghang tumatagos sa sinag ng buwan. Napansin
ni Milagring ang biglang pagsulpot ng mga paniki mula sa yungib, balahibo niya
sa batok ay biglang nagsitindigan, takot ay dahan-dahang gumagapang sa kanyang
dibdib habang ulo niya ay nakasubsob sa braso ni Pedring , mga brasong handa
siyang ipaglaban hanggang kamatayan, kulay ng mga brasong halatang laging hinahagkan ng
langit. Nasa gitna sila ng talahiban na mismo ay saksi sa pag-alay niya ng
kanyang pagkababae sa pinakamamahal na
kasintahan , ngayon ay ang kanilang sagradong tagpuan tuwing lumiliwanag ang
buwan , muli at muli ay kanayng I alay ang buo niyang katawan sa dambana ng
kaligayahan hanggang sabay nilang marating ang rurok ng makamundong pagnanasa.
Lalong lumalamig ang ihip ng hangin na may kasamang munting
tinig ng halinghing, hindi alintana ng dalagita ang biglaang pagbilog at
paglaki ng mga mata ng kasintahan , pangitain ay tila hindi makapaniwala sa nakikita,
sandali ay kumurap siya, sa wari niya ay produkto lamang ng kanyang kathang
isip ito, marahil ay isang halusinasyon o isang guni-guni lamang. Muling idinilat ang mga mata ngunit ay mas lalo siyang
nasindak sa nakikita, tuloy takot ay kumaripas na todo sa kanyang mga kaugatan,
laman niya ay nanginginig sa takot. Isang hindi pangkaraniwang asuwang ang
lumulutang sa ibabaw ng talahiban, kulay nito ay nog-nog, sariwang dugo ay
tumutulo pa sa gilid ng kanyang labi,mga matang nanlilisik ay may lumalagablab
na matinding pagka-ganid, budhi ay nangingitim sa labis na kasamaan. Mga pangil
ay lalong tumutulis sa pagsisinungaling , panlilinlang at pagsasamantala sa
kahinaan ng sambayanan. Kanyang kanang kamay ay hawak pa ang dumudugong puso
mula sa dibdib ng isang paslit na nakahandusay sa plemas ng kahirapan dahil sa matinding pandarambong sa
kaban ng Makati noong siya ay Alkalde pa ng lungsod at pandsurugas sa kaban ng
bayan bilang pangalawang pangulo. Utak ng mga kabataan ay tinatanggalan ng dugo
hanggang sa matuyo at kinabukasan nila ay mabura ng tuluyan.
Hindi pa nasiyahan sa paglapa ng kanyang mga biktima sa bid-rigging at overpricing ng mga gusali sa Makati. Nagikot-ikot siya at
nasilyan ang isang lalakeng madaling
utuin, boto niya ay madaling bilhin, agad na nilapa, agaran ring lumipad na ang kaliwang kamay ay
may hawak pa ng bitukang gutay-gutay, namumutla dahil bawat patak ng dugo ay sinisipsip at bawat
butil ng bigas sa loob nito ay
sinunggaban pa hanggang wala ng matira para sa mga maralita.Opportunista at labis ang
kasakiman ng malignong ito, kahit si Satanas ay takot siyang harapin kung kaya
ang kanyang sungay ay bumabaluktot na sa kasamaan at ang kulay ng kanyang budhi
ay sukdulan ang pagkaitim, kahit paliguan man ng litro-litrong clorox ay
sadyang hindi kayang paputiin pa.
Mas lalong natakot si Pedring, nanlamig ang kanyang
mga palad ng sumagi sa isipan ang isang
malagim na trahedyang sinapit ng mga biktima sa ilalim ng diktador na maligno
noong 1972, isang napakasamang maligno na laging usap-usapan sa bawat tahanan.
Sariwa pa rin sa kanyang katinuan ang paglapa ng maligno sa kaban ng bayan,
binubutas muna ng karayom ang tagiliran ng bawat Juan at dahan-daha’y sisipsipin
ng mahabang dila ang bawat sentimo ng
kanilang buwis hanggang sa matuyo ng lubusan. Matagal ding naghasik ng lagim
ang malignong ito at kung ilang matatalinong tao rin ang napaslang bago
magkamulat ang buong bayan, napalayas ang maligno subalit ang sugat ng
pagdarambong ay sariwa pa at ang kirot nito ay damang-dama pa rin ng mga
pilipinong nakabulagta na sa matinding karukhaan
No comments:
Post a Comment