Wednesday, November 19, 2014

ALINGAWNGAW NG BANGUNGOT !!!

May  panibagong  alingawngaw na naman na  winawasak ang dangal ng bayan, ang alingawngaw ng karuwagan ni Bise-Presidente Jejomar Binay, sa halip na harapin ang Senado ukol sa mga alegasyon ng pandarambong  ay lumipad siya patungong Cebu upang  mangampanya ng maaga  para sa pansariling ambisyong pulitikal, lantarang niloloko ang taong bayan, inu-uto ang mga mahihirap, pinagsasamantalahan  ang kashirapan ng mga Pilipinong nagugutom dahil sa matinding katiwalian. Ito ay isang  nakakatakot na banta sa ating bansa sa gitna ng panteritoryong girian laban sa Tsina. Paano ba mahaharap ang bantang ito kung ang mismomg Bise-Presidente ay duwag harapin ang sariling problemang kinukutya na maging ang kanyang buong pamilya? Ang karuwagan ay ang puspusang pagtanggal ng dignidad at dangal ng bayan.
Noong nakaraang linggo ay matapang niyang hinamon si Senador  Antonio Trillanes para sa isang pampublikong debate, tiwala sa kanyang desisyon dahil ang batang Senador ay dating sundalo na ibig sabihin ay walang karanasan sa pag-dedebate. Subalit ay buong  tapang na tinanggap ni Senador Trillanes ang hamon at bigla naman umatras ang Bise-Presidente, marahil ay totoo ang mga akusasyong katiwaliang ipinupukol sa kanya, para bang takot na maibunyag ang mga nakatagong sikreto. Ang pag-atras na ito ay niyanig ang kaluluwa ng bayan dahil sa kulturang Pilipino na kung sino ang naghamon at siya namang umatras ay isang kahiya-hiyang asal, nakapako na sa kaisipang Pilipino na higit na mas matamis ang lasa ng kamatayan kaysa mawalan ng dangal. Nagkaroon ng nakakabinging hiyaw sa telebisyon, radio at social media, binabatikos ang Karuwagan at kawalan ng palabra de honor ng bise Presidente.
Ang mas nakakabaliw na panloloko ay sa halip na mabigyan ng katarungan ng Bise-Preidente ang mga mamamayang marangal na nagbabayad ng buwis na kung ilang linggo ng nais malaman  ang katotohanan hinggil sa kurapsyon ay bigla siyang nag-tago sa karatig probinsya at  pataksil na binatikos ang administrasyon na siya ay bahagi rin ng cabinete. Ito ay lantarang pagtataksil, buong tao siyan hinrap at tinanggap ng administrayon ngunit ang kanyang kanang kamay ay may hawak na balisong, sinasaksak sa likod ang administrasyon.
Panawagan sa buong bayan, pukawin ang makabayang damdamin, idilat ang mga mata, huwag hayaang masadlak sa bangungot ang bansa, isigaw sa mga natutulog na isipan, mag-himagsik laban sa katiwalian ng Bise-Presidente!!! Hindi nararapat maaging pangulo ang isang tulad niyang ganid sa yaman, hunyango at walang palabra de honor. Pagtatawanan tayo ng international community kung sakaling mahalal na pangulo ang taong may dungis ng katiwalian, sinungaling at duwag. Masasadlak tayo sa matinding kahirapan !!

No comments:

Post a Comment