Thursday, November 20, 2014

Mapakla ang lasa ng asukal sa bayan ni Juan.

Bagaman at sintamis ng halimuyak ng mga bulaklak ng ilang-ilang ang hamog na dala ng takip-silim, panay ang dampi sa pisngi at naghahatid ng ngiti. Subalit ang tamis ng mga ito ay biglang pumakla sa dilim, namutla sa nakabagbag damdaming balita, si Doktora Elenita Binay, ang maybahay ng ating Bise-Presidente ay nasasangkot sa karumal dumal na krimen ng pandarambong dahil sa nakakadiring anomalya sa pagbili ng mga kama ng isang ospital sa lungsod ng Makati. Siya ay ang magiging First Lady sa bayan ni Juan sa hinaharap sapagkat ay hindi maiwasan na magiging Presidente  si Bise- Presidente Jejomar Binay sa darating na halalan dahil karamihan sa mga mga Juan ay mangmang, madaling utuin, mabibili ang boto sa halagang isang kilo ng bigas, sardinas at kakarampot na salapi. Ito ay isang bangungot na pinupunit ang bawat hibla ng maka-pilipinong tradisyong naniniwala na ang ina ay siyang tanglaw ng tahanan ngunit sa yugtong ito ay taliwas, ang inang ito ay siyang mismong nagtuturo ng pandarambong sa kanyang mga supling.Ano ba ang maging kinabukasan ng bayan ni Juan kung ang kanyang magiging First Lady (Ina) ay isang mandarambong?  Isang malagim na kinabukasan kung kailan binubuwag  ang trdisyunal na paniniwala na ang pagnanakaw ay isang malaking pagsusuway sa batas ng dioyos. Tila bang tinuturuan ang makabagong henerasyon na ang pagnanakaw ay tama. Sa ganitong uri ng paniniwala na mismo ang ina ang nagnanakaw ay  hindi mabubura sa bayan ni Juan ang pintura ng kurapsyon.
Bilyones na ang kanyang nakulimbat mula sa kaban ng bayan subalit ang kasong inihabla sa kanya ay hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa sandigang bayan o hindi masasandigan ng mga yaong walang salapi.  Ang mga mata ng  hustisya sa bayan ni Juan ay madaling matakpan ng salapi na ang lalong maghihirap ay ang yaong mga maralitang ginagatasan ng mga pulitikong ganid sa yaman. Dito ay naagnas ang katarungan dahil sa isang bulok na sistemang madaling matakasan ng mga kriminal ang pagka-kulong  gamit ang limpak limpak na pera para mapalawig ang paglilitis. Ang katarungan ay sumisigaw sa bawat sulok ng korte suprema na ang Demokrasya rito ay para lamang sa mga mayayaman.



No comments:

Post a Comment