Monday, November 24, 2014

Halimaw sa talahiban


Panay ang sayaw ng mga talahib sa alinduyong ng ihip ng  malamig na hanging nanunot sa buto, tila bang may ipinapahiwatig na kung anong kababalaghang tumatagos sa sinag ng buwan. Napansin ni Milagring ang biglang pagsulpot ng mga paniki mula sa yungib, balahibo niya sa batok ay biglang nagsitindigan, takot ay dahan-dahang gumagapang sa kanyang dibdib habang ulo niya ay nakasubsob sa braso ni Pedring , mga brasong handa siyang ipaglaban hanggang kamatayan, kulay ng  mga brasong halatang laging hinahagkan ng langit. Nasa gitna sila ng talahiban na mismo ay saksi sa pag-alay niya ng kanyang pagkababae sa pinakamamahal  na kasintahan , ngayon ay ang kanilang sagradong tagpuan tuwing lumiliwanag ang buwan , muli at muli ay kanayng I alay ang buo niyang katawan sa dambana ng kaligayahan hanggang sabay nilang marating ang rurok ng makamundong pagnanasa.
Lalong lumalamig ang ihip ng hangin na may kasamang munting tinig ng halinghing, hindi alintana ng dalagita ang biglaang pagbilog at paglaki ng mga mata ng kasintahan , pangitain ay tila hindi makapaniwala sa nakikita, sandali ay kumurap siya, sa wari niya ay produkto lamang ng kanyang kathang isip ito, marahil ay isang halusinasyon o isang guni-guni lamang. Muling  idinilat ang mga mata ngunit ay mas lalo siyang nasindak sa nakikita, tuloy takot ay kumaripas na todo sa kanyang mga kaugatan, laman niya ay nanginginig sa takot. Isang hindi pangkaraniwang asuwang ang lumulutang sa ibabaw ng talahiban, kulay nito ay nog-nog, sariwang dugo ay tumutulo pa sa gilid ng kanyang labi,mga matang nanlilisik ay may lumalagablab na matinding pagka-ganid, budhi ay nangingitim sa labis na kasamaan. Mga pangil ay lalong tumutulis sa pagsisinungaling , panlilinlang at pagsasamantala sa kahinaan ng sambayanan. Kanyang kanang kamay ay hawak pa ang dumudugong puso mula sa dibdib ng isang paslit na nakahandusay sa  plemas ng  kahirapan dahil sa matinding pandarambong sa kaban ng Makati noong siya ay Alkalde pa ng lungsod at pandsurugas sa kaban ng bayan bilang pangalawang pangulo. Utak ng mga kabataan ay tinatanggalan ng dugo hanggang sa matuyo at kinabukasan nila ay mabura ng tuluyan.
Hindi pa nasiyahan sa paglapa ng kanyang mga biktima sa  bid-rigging at overpricing  ng mga gusali sa Makati. Nagikot-ikot siya at nasilyan ang isang  lalakeng madaling utuin, boto niya ay madaling bilhin, agad na nilapa,  agaran ring lumipad na ang kaliwang kamay ay may hawak  pa ng  bitukang gutay-gutay, namumutla dahil  bawat patak ng dugo ay sinisipsip at bawat butil ng bigas  sa loob nito ay sinunggaban pa hanggang wala ng matira  para sa mga maralita.Opportunista at labis ang kasakiman ng malignong ito, kahit si Satanas ay takot siyang harapin kung kaya ang kanyang sungay ay bumabaluktot na sa kasamaan at ang kulay ng kanyang budhi ay sukdulan ang pagkaitim, kahit paliguan man ng litro-litrong clorox ay sadyang hindi kayang paputiin pa.
Mas lalong natakot si Pedring, nanlamig ang kanyang mga palad ng sumagi sa isipan ang  isang malagim na trahedyang sinapit ng mga biktima sa ilalim ng diktador na maligno noong 1972, isang napakasamang maligno na laging usap-usapan sa bawat tahanan. Sariwa pa rin sa kanyang katinuan ang paglapa ng maligno sa kaban ng bayan, binubutas muna ng karayom ang tagiliran ng bawat Juan at dahan-daha’y sisipsipin ng mahabang dila ang bawat  sentimo ng kanilang buwis hanggang sa matuyo ng lubusan. Matagal ding naghasik ng lagim ang malignong ito at kung ilang matatalinong tao rin ang napaslang bago magkamulat ang buong bayan, napalayas ang maligno subalit ang sugat ng pagdarambong ay sariwa pa at ang kirot nito ay damang-dama pa rin ng mga pilipinong nakabulagta na sa matinding karukhaan

Sunday, November 23, 2014

Tayo na at maki-alam, mag-aklas laban sa kurapsyon


“Ito ay sa kapanahunan ng pagbubulag-bulagan sa panahon ng panghahagupit ng nakapanlulumong pandurugas sa kaban ng bayan.
Ito ay sa kapanahunan ng pagbibingi-bingihan sa panahon ng pananalanta ng kasumpa-sumpang pansariling kapakanang itinataguyod ng mga pulitikong ganid sa yaman at kapangyarihan gamit ang karahasan ng pangungulimbat sa salapi ng bayan.
Ito ay kapanahunan ng paghihimbing-himbingan sa panahon ng masaklap na bangungot na sinasara ang kamulatan ng buong bayan habang patuloy na sinasamantala ng Bise-Presidente ang kahinaan at kawalan ng pinag-aralan ng mga maralitang Pilipino, patuloy ring kinakastigo ang bansa habang naka handusay sa putik ng matinding gutom.”

Halos magda-dalawang buwan ng nakalugmok ang Pilipinas sa libingan ng kurapsyon, tila ay unti-unting naa-agnas sa mala-ebolang hampas ng nakakadiring mikrobyo ng mga kapani-paniwalang akusasyong ibinabato sa kay Bise-Presidente Jejomar Binay, mga alegasyong ibinunyag mismo ng pinaka-malapit na kaibigan at ka-alyado,Ginoong Ernesto Mercado, dating Bise-Alkalde ng lungsod ng Makati. Ang makatotohang pagbubunyag ay mistulang bomba atomika na niyanig ang buong sistemang pulitikal, bawat hibla ng moralidad ay nalusaw, nawawalan ng kahulugan sa Kristyanong lipunan na tinuturing ang pagnanakaw bilang isang kahindik-hindik na krimeng nilalabag ang batas ng Diyos maging ang batas ng tao. Sa kabila nito ay tila naging mailap ang Bise-Presidente na harapin sa Senado ang mga alegasyong dinudukot sa bulsa ng mga kabataan ang kanilang kinabukasan. Sa halip ay panay ang kanyang pamumulitika sa mga probinsya gamit ang pera ng bayan, nambobola at inu-uto ang mga mahihirap na madaling malinlang dahil sa kakulangan ng pag-uunawa sa mapait na riyalidad ng pulitika sa Pilipinas.
Sa bawat dapit-hapon ay hinahatak ng lumulubog na araw ang pag-asang mai-ahon sa kahirapan ang bayan dahil ang mamamayan ay nanana-tiling manhid sa sukdulang pagtataksil ng Bise-Presidente.Kahol ng Kahol subalit ay nanana-tiling tulog, takot maghimagsik upang patalsikin ang magnanakaw sa posisyong kanyang ginagamit upang magkam-kam ng limpak-limpak na salapi mula sa dugo,pagod at pawis ng buong bansa. Ang dapit hapon na sana ay magisilbing tanglaw upang pukawin ang natutulog na kamulatan ng mga Pilipinong halos araw-araw ay tinatanggalan ng dangal, bawat butil ng bigas sa bawat plato ay ninanakaw.
Ang panahon ng pag-aaklas laban sa nakakasukang pagnanakaw ng Bise-Presidente ay hinog na , huwag hayaan palampasin at mabubulok na lamang sa ating isipan. Panahon na upang mag-organisa ng pambansang protesta upang palayasin ang magnanakaw sa posisyong hindi nararapat para sa kanya.

Friday, November 21, 2014

TUNGGALIAN


Datapuwa at may bagsik ang bawat hampas ng alon sa luntiang dalampasigan ng Boracay tulad ng bagsik ng tunggalian sa pagitan ni Bise-Presidente Jejomar Binay laban kay Ginoong Ernesto Mercado, matalik na kaibigan at may mga matitibay na ebidensyang magpapatunay na ang Bise-Presidente ay dawit sa mga katiwaliang nagsanhi ng pagyanig sa sitemang pulitikal ng bansa, dinurog ang tiwala sa pamahalaan.Buhat ng sumiklab ang bakbakan nila, ang pangunahing salarin ay ang taumbayan, kumukulo ang labanan na tila ay walang kahupaan, nagdudurugan ng pagkatao na parang mga loro sa telebisyon,radyo o social media. Sa wari ko ay nagkamli  ang dakilang manunulat na si Charles Darwin na nagsaad na ang tao ay mula  sa  unggoy, ang dalawang ito ay panay ang salita, sigurado ako na ang tao ay nanggaling sa loro.
Ang tensyon ay lalong kumulo, hinamon ni Ginoong Ernesto Mercado ang ating Bise-Presidente sa isang pampublikong debate para malaman ng mamamyang pilipino kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kasinungalingan. Ngunit ay naduwag si Ginoong Jejomar Binay, ikinukubli ang mga totoong alegasyon ng pandurugas sa kaban ng bayan sa likod ng kasinungalingan at sa halip ay walang humpay ang pangangampanya , inuuto ang mga masang walang pinag-aralan dahil sa kakapusan, ito ay lantarang pagnanakaw ng mga boto, pinagsasamantalahan ang kamangmangan ng mga mahihirap, ang masaklap pa ay ang pangalawang pangulo  ay siya mismong nanglalabag ng mga batas ng COMELEC dahil sa maagang pangangampanya.
Ang karuwagang harapin ang umuusig ay isang patunay na ang mga akusasyon ng pandurugas sa kaban ng bayan ay pawang mga katotohanan, ninanakaw ang mga pangarap ng mga mahihirap na nais guminhawa ang pamumuhay, dinudurog ang pag-asang maka-ahon sa kahirapan at ito ay isang napaka-pait na gamot na piliting lulunin ng bawat Juan sa Pilipinas.

Thursday, November 20, 2014

Drifter's Nest: Kuwaderno Ng Tadhana

Drifter's Nest: Kuwaderno Ng Tadhana:                                                                          I                                                              ...

Kuwaderno Ng Tadhana


                                                                        I
                                                                  GUHIT
" Kung ang umibig ay  tulad ng isang tasang nakakalasong kape, handa ko itong lasapin at sa loob ng mahigpit mong yakap ay matitikman ko ang tamis ng aking kamatayan. Ang malagutan ng hininga na ang puso'y  lumalangoy sa dagat ng walang hangganang pag-ibig ay higit na mas makabuluhan kaysa mabubuhay na ang puso'y tinatadtad ng itak ng matinding galit."

Madamdaming bulong ni Alejandro de Maria sa pusong makamandag ni Catherina, pagmamahal na ginagapos sa bilangguang nagbabaga sa init ng ipinag-babawal nilang pag-iibigan, maingat nilang ikinukubli sa mga paningin ng mga koserbatibong mga paring Jesuita, matibay man ang pundasyon ng kanilang pag-mamahalan ngunit ang bukal ng kanilang puso'y may bahid ng matinding takot sapagkat kung ito'y  matutunugan, mapaparusahan sila ng  " compulsory expulsion" mula sa Universidad del Ateneo de Zamboanga, magiging wakas ng wagas nilang pagmamahalang nilalabag ang batas ng sagradong simbahang Katolika. Lingid sa kaalaman ng mga pari'y una niyang inalay ang birhen niyang  pagka-babae sa paring kanyang minamahal sa loob mismo ng kuwartong pangkumpisalan. sulok nito'y saksi sa kauna-unahan nilang karansan ng makamundong orgasmo.

Mahinahon ngunit ay mainit niyang hinagkan ang kulay brunette na buhok ng dalgitang may suot na kulay puti't azul na uniporme,  lalong pinatingkad ang kutis niyang espanyolang chavacana. Bagaman at kinse anyos pa lamang siya't dalagang-dalaga na ang anyo ng pangangatawan, para bagang inukit ng batikang eskultor, tulad ni Michaelangelo ng renascimiento ang kanyang  mala-diyosang alindog. Sa wari ng  isang anghel ng kadiliman ay matagumpay  nahikayat na magkasala ang isang sugo ng diyos upang talikuran ang banal na obligasyon sa simbahan. Para kay Father Alejandro ay natagpuan niya ang lupalop ng kapayapaan at look ng kamatayan sa piling ni Catherina.

Ang tanging tugon naman ni Catherina sa mapag-mahal na yakap ng pari ay isang mahaba't mapupusok na mga halik sa mga namumulang mga labi, mga puso nila'y patuloy sa pagdurugo sa tuhog ng palaso ni Kupido, ikot ng kanilang mundo'y binabaliktad at marahas na dinudukot ang katinuan sa pusod ng isipan.

Bahagyang umambon, tila mga butil ng agua benditang pumapatak sa nag-hihinagpis na langit, unti- unting hinuhugasan  ang makasalanan nilang pagmamahalan. Ang mga paa nila'y naka-apak sa paraiso ng mga munting dahong  ipil-ipil, dinuduyan ang kanilang mga katawan sa lubid ng bahag-hari, sa dulo nito ay matuling naglalakbay ang mundo nila at sa isang iglap lang ay biglang naglaho at naging  isang kabanata sa mala collage na panaginip ni Giovanni Santorino.
Tulog mantika siya at hindi alintana ang matulis na tagos ng liwanag ng buwan sa dilim ng madaling araw, talong oras bago magbukang-liwayway, sintamis ng pulang muscovado ang melodyang kumakapit sa ihip ng hanging nagmumula sa romantikong sayaw ng mga ilang-ilang, nakahilera sa ibabaw ng harding may aesthetikong disenyo at tinitibok ang diwang katalonya sa magkabilang gilid ng kalyang kolonyal patungo sa Fort Del Pilar. Ang mga higanteng puno ng mga balete, dire- diretso at pantay-pantay tulad ng mga organisadong pagkahilera ng mga punong oliva sa kaharian ng kastilya bago ang Reconquista, animo ay isang kurtinang ikinukubli ang madugong larawan ng kolonyalismo sa bawat sulok ng mga pader, sa lilim ng mga torre ay naroroon pa rin ang kaluluwa ng tagumpay laban sa mga piratang moro na laging dinudukot  ang bawat pulgada ng katahimikan, subalit ay binigo ng mga kastilang konkistador ang mga pakay nilang buwagin  ang kapayapaan sa loob ng Forte, ang kapangyarihan ng korona ng kolonyalistang Espanya sa lupain ng Mindanao. Ang mapuputing adobe, dati ay tulad ng mga matitibay na adobe ng Intramuros sa maynila ay nangingitim na sa mapanirang yakap gn mga halimaw na lumot, tila ay nadapuan ng nakakahawang sakit na Ebola, unti-unting nilalamon ang sibilisasyong katoliko na gantimpala ng mga dakilang konkistador.
Sa kabilang dako at salungat ng Fort Del Pilar ay naroroon ang mga akasyang sintanda na marahil ng kristiyanismong inukit ng mga klerikong Jesuita sa kamalayan ng mga katutubong Subanen ng Jambangan, sa kanlurang bahagi ay naroroon ang " mala-Roman Forum"  na plaza at may mga posteng "corinthian", nakatayo sa bawat nakahilerang mga mahahabang upuan.  ang makitid na daanan patungo sa banal na damabana ay nababanigan ng mga munting gravitang kulay ginto. Sa likod ng dambana ay naroroon ang higante at sagradong imahe ng "Nuestra Senyora Del Pilar", ang pusod ng katolikong pananampalataya sa " Ciudad de Zamboanga."
Sa silangang  bahagi ay naroroong ang hardin ng mga sampaguitang nag uumpukan sa tapat mismo ng kuwarto ni Giovanni, ang mapanuksong halimyak ng mga ito ay dumadapo sa hugis aquilino at mediteranyong ilong niya na lalong ibinabaon ang mahimbing niyang tulog, ipina-ubaya ang sarili na masakal ng dayuhang panaginip, sa mahiwagang mundo nito'y naninirahan ang mga repleksyon ng mga mapapait at matatamis na riyalidad ng buhay, mistulang mga mosaikong larawan na nasa kathedral ng buhay at kamatayan.
Mahina subalit ay walang pagod  gumagapang sa barikada ng panibagong kabanata ng kanyang panaginip hanggang sa dumadagundong  ang bawat atungal ng nakakabinging hilik, mistulang isang bulok na treng bumabiyahe sa ibabaw ng lumang riles patungong Bicol, sa kahabaan nito'y may mga aserong nawawala at napasakamay ng mga durugistang walang pinag- iba sa dating Pangulong  tila ay nagdurusa sa matinding sakit na kliptomanya. Ang mga natitirang mga riles ay mistulang nagkakaroon ng Leprosy, balat ay nagkabitak-bitak, natitigang sa ilalim ng nagliliyab na init ng araw, lalong kumakapal ang kalawang, ilang dekada na yatang napapa-bayaan ng pamahalaang nagiging pugad ng mga legalistang magnanakaw, kulang isang piso na lang ang pamasahe at tiyak na sa sementeryo ka dadamputin.
Sa kabilang silid tulugan kung saan nag-aagawan ng hininga ang dilim at ang liwanag ay naroroon si Antonio, ang bunsong kapatid ng ama ni Givanni, tila ay pinag -kaitan ng kalayaang magkaroon ng tulog, kung ilang beses na niyang ibinaliktad ang katawan sa kama at kay hirap mahagilap ang daliri ng antok, mistulang nakapag-langhap siya ng kung ilang gramo ng Methamphetamine, kaluluwa niya ay nag-dedeliriyo sa guni-guni, sa pinaka-maliit na alintana ay nag-aaklas ang kanyang kamalayan.
"Hindi naman yata akong lubos na makasalanan!"
Pabagot na bulong ng kanyang emosyong nadadapa sa lupalop ng schizophrenia, hinahagilap ng hininga ang simpleng katarungan laban sa parusang ipinataw, tila isang napakalupit na kalbaryong higit pang mas masaklap kaysa garote ng mga berdugong komyunista, isinubsub ang ulo sa malambot na unan, pilit ipinikit ang mga matang nais na ring magpahinga sa pakikibaka sa ibabaw ng mundo at sa bandang huli ang lahat ng pinag- hirapan ay nanakawin lang ng isang anghel ng kamatayan, subalit bukas ang mga tengang  nabibingi sa lulamalakas  at naka-iiritang hampas ng hilik ni Giovanni sa mala-harminkang musika ng hangin, para bagang isang napaka-lakas ng tugtog ng bandang "Megadeth." Lalong kumulo ang dugo ng sumagi sa kanyang isipang naglalaro sa matinik na mundo ng cynicismo , inihalintulad ang nakakabuwiset na hilik sa anti-rhythmikong kanta ni Yoyoy Villame, napaka gulo ng tono, tila ipinaghahagis ng kerubin ang bawat nota sa mainit na palayok, samantalang nawawala sa makapal na kogonan ang G-Clef na mistulang nagsasaya na rin sa kinaroroonan kaysa mailagay sa komposisyon ng musikero, doon ay magkaroon ito ng amnesia at malilitong malaman ang kaibahan ng Tenor sa Soprano, mas higit na pipiliin pa marahil ni Mozart ang magpaka-tiwakal kung saka- sakaling marinig ito, lulubha yata ang depresyon ni  Van Gogh kapag aksidenteng sasalpok ang nota sa tenga niya.
" Buhay nga naman! Kung kailan nais mong magpahinga ay saka namng guguluhin ang iyong katahimikan!"

Sumbat niya sa hanging wasak-wasak ang harmonya ng bawat melodya, sabay hampas ng kamay sa noo, pilit inilalakbay ang isipan sa ilalim ng imahinasyon, subalit ay biglang natisod ng ala-ala ang isang palabas sa telebisyon sa kasagsagan ng " Snap Election" noong 1986. Naging sarkastiko ang ngiwi ng kanyang labi ng maala-ala ang kanta ni Mrs. Imelda Marcos na "Dahil sa iyo", napakabakyang propagandang pampulitikal para sa mga nauutong mga botante. Boses niya ay tila nakaka-patay ng mga daga at magkaka-roon yata ng sorpresang cardiac arrest si Luciano Pavarotti.

Naibsan ang pagkainis ng biglang huminto na paghilik si Giovanni, inikot ang mga paningin at natisod ang isang sining pintura na pinamagatang "Gahasa" , likha ni Catherina Beatriz de Figueroa. Ngunit sa kasamaang palad ay biglang naglaho ang dalagita, ayon sa mga haka-haka ay dinukot umano ng mga bandidong Abu-Sayyaf at ipinag-bili sa mga mayayamang mga muslim sa Malaysia. Dahil sa kanyang misteryosong pagkawala  ng kanyan pinakamamahal na unica-hija ay nawalan ng ganang patakbuhin ni Don Miguel Gabrielle ang Hacienda Figueroa hanggang sa tuluyan bumagsak at ipinagbili ang lahat ng ari-arian kasama na ang  Mansion de la Familia Figueroa, mahiwagang banga at ang librong "Kuwaderno ng tadhana", milyon din ang halaga sapagkat makabuluhan ito sa kasaysayan ng Ciudad de Zamboanga at ng buong bansa.
                                                                           II
                                                                         Ukit



A: Kamandag
    Noviembre 18, 1630
    Sevilla, Espanya


Panaka-naka na lang ang gumagala sa makitid na kalsadang yari sa tisa at nasa tapat mismo ng aming terraza, sa bawat giwang ng mga tisa ay naroroon pa rin ang multo ng madugong pakikibaka ng mga kristiyanong kastila laban sa mga Muslim sa kasagsagan ng Reconquista, nasundan pa ng karumal-dumal na krimen ng Inquisition, halos araw- araw ay may mga sinusunog sa harap ng mga mapanuligsang madla at mga mapanghusgang pari. Karamihan sa mga nabibiktima ay yaong mga pinag-hinalaang heretiko, mga mangkukulam, mga bampira na kampon ng prinsipe ng kadiliman at higit sa lahat ay ang mga kalaban ng banal na Iglesia katolika; kritiko ma't mga repormista.

Madalang na rin ang dalaw ng aking masugid na manliligaw - Ginoong Juan Miguel de Figueroa- Dominante ang pigura ng hitsura at brutal ang tayog ng mga pangarap mula sa bilugang mga mata, tipikal para sa isang tubong Granada. Sa loob ng labing-apat na taong panliligaw, ang ikot ng kanyang mga paningin ay walang anino ng pagsusuko kahit pa man ay kung ilang beses ko siyang binigo, patunay lamang na siya ay isang kastilang may mataas na dignidad, sagisag ng kaluluwang Iberiano [ Ang kamatayan ay mas marangal kaysa pagsuko ]. Mahigit labing-apat na beses ko na ring isinara ang aking pintuan sa pinaka-matamis niyang paanyaya, sukdulang pangarap ng mga kababaihan sa balat ng Sevilla, ang pakasalan ako sa sagradong dambana ng Kathedral de Santa Maria de la Sede.


Haka- haka sa bawat sulok ng mga kalye at mga tahanan, maging sa mga prominenteng panauhin sa Alcazar de Sevilla, " Isang napakalaking kabaliwan ang biguin ang seryosong paanyaya ng isang Ginoong nagmula pa sa dakilang angkan ng mga konkistador." Sumbat ng isang matandang- binatang si Senyor Aniceto Barrameda, nagkakape sa kanyang berranda sa tabi ng aming tahanan, pinagmamasdan na naman ako, habang sinasampay ang mga nalabhang damit kanina, siya ay yaong tipo ng kapit-bahay na ni sa napakadilim na bahagi ng panaginip ay ayaw mong makita, bukod sa napakahaba ng ilong ay napaka-manyakis pa. Minsan na itong nagkasala sa akin at di ko malimot-limot: Hahuli ko siyang  binobosohan ako habang naliligo ng hubo at hubad, sinasabon ng aking mga kamay ang aking laman, pagkatapos kong maligo at magbihis, agad ko siyang pinuntahan, matapang na binalaan, " Sa susunod  na mahuli kitang  binobosohan ako, tiyak ay sa garote ka ng mga pari magkukumpisal!" Bigkas ko , damdamin ko ay nag-aapoy sa matinding galit habang hawak ko ang patalim na yari sa tanso. Kitang-kita kong nangangatog ang kanyang mga tuhod at ang mga mata ay nasisindak.


Aaminin ko, guwapong -guwapo si Juan Miguel de Figueroa, may pilak pa, bukambibig ng mga dalaga, maskulado niyang katawan ay laging laman ng mapupusok na mga imahinasyon, habam-buhay na bilanggo sa mga panaginip ng mga balong laging sabik sa mga maiinit na haplos. Mababaw raw ang sisid ng aking isipan, bigla kong isinara ang katok ng isang opportunidad na ang halaga ay higit pa sa isang baul na mga ginto. marahil ay dahil sa aking matibay na paniniwala at paninindigan, karangalan ko ay hindi nabibili ng ginto, puso ko ay hindi naa-akit ng mala adonis na pagmumukha, higit na mas mahalaga ay ang buong AKO; Kusa kong iginapos sa obligasyon at responsibilidad para sa aking lolang nag-aruga sa akin at ni ayaw kong mawalay sa kanya sapagkat ay mahal na mahal ko siya ng higit pa sa kahit sino man sa balat ng lupa.

Ang mas masaklap na biro ng buhay ay tuwing tinutukso ako ng aking pinakamatalik na kaibigan, " Ako raw ay isang babaeng umiibig sa babae rin!"  isang nakakapikong biro , bukod sa ito ay isang mortal na kasalanang nilalabag ang doktrinang katolika ay isa rin itong kapansanan mula sa dumi ni Lucifer. Sa aking kapanahunan, ang kaparusahan nito ay kamatayan sa naglalagablab na apoy ng Inquisition, bigla ay nagtindigan ang aking mga balahibo, ibig ko mang magalit ay pilit ko siayng nginitian. Siya na lang ang natitiran kong kaibigan, iisa lamang ang kalsada ng aming kapalarang gumagapang sa matinik na kalye . Siya rin ang nag-iisang nilalang sa aming bayan na ang turin ko ay higit pa sa isang kapatid - Elena Theresa Torrecillas - Pareho ang antas namin sa lipunang kastila, ang kaibahan nga lamang ay mas kapuri-puri ang kanyang angking kagandahan, buhok niya ay nagmimistulang ginto kapag lumulubog na ang araw ng Andalucia, mga mata niya ay kulay azul,  titig ng mga ito ay nakakatuhog ng mga kaluluwang natutulog sa kama ng pang-aakit. Tulad ko, hanggang ngayon ay wala rin siyang naging kasintahan dahil sobra itong metikulosa, sa wari ko ay nana-naginip ito ng napaka- impossible, ang magkaroon ng esposong nagmumula sa mga  angkang  may dugong bughaw.

Ang kabiguan ay hindi naging isang hadlang para kay Juan Miguel de Figueroa, bagkus ay naging isang uri ito ng pakikibaka, mas umigting pa at lalong uminit ang kanyang pakikitungo at nararamdaman sa akin, marahil ay dahil sa aking katibayan kaya siya ay lubusang naakit at nahulog sa bitag  ng pag-ibig na hindi niya matatakasan. Subalit ay batid ko ang kanyang tunay na hangarin - Ang magtagumpay na mabihag ang aking puso at igagapos niya sa kulungang walang hangganang pagmamahalan- Tulad rin siya ng mga ibang kastilang kabalyerong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, kilala ko ang bawat titik na nakaukit sa kanyang kaluluwa, walang ibang inaasam-asam kung hindi ay tagumpay at tagumpay lamang.

Animo ay isang titik gamma sa alpabetikong griyego ang hugis ng aming tahanan. Ang likurang bahagi ay ang paa ng titik, nakabalibag ngunit sa bandang dulo ay prominenteng nakatayo ang bilugang torre, walong metro ang taas at limang metro ang luwang, mula sa tuktok ay matatanaw ang mapayapang daloy ng tubig sa ilog ng Gudalquivir tungo sa mahiwagang karagatan ng atlantik,dire-diretso sa pintuang magbubukas ng masalimuot na landas ng makabagong kasaysayan ng Europa at ng buong mundo. Ang harapang bahagi naman ay ang katawan ng titik, mayroon itong makitid ngunit ay mahabang terraza, sa apat na sulok, salungat sa isa at isa ay may mga muebleng  hugis baso na pinagpapatungan ng mga kandilang yari mismo sa Sevilla dahil ang aming bayan ay tanyag sa mga kandilang matagal maupod at mababango. Sa kaliwang sulok nito ay eleganteng nakaposisyon ang isang lamesa at may dalawang upuan, may mga nakakamanghang  ukit - Pikit matang nagdadasal si San Pablo, lumuluhod sa harap ng hagdanan patungong langit- Ilang dipa lang ang layo mula sa lamesa ay ang pintuang pumapagitna sa dalawang malalaking bintanang hugis kuwadrado ngunit ang ibabawng mga ito ay nakahigis arko.

Ang dingding ay yari sa makapal na adobeng may kakaibang taglay, malabnaw na kulay azul ito tuing tanghaling tapat at nagiging kulay abo kapag papalubog na ang araw ng dapit-hapon, mas makinis ang balat nito sa loob ng aming tahanan kaysa balat nito sa labas, may kataasan ito mula sa shig hanggang sa bubungan para sa maginhawang bentilasyon at proteksyon din laban sa matinding init at sobrang lamig. Mala salamin sa kintab ang sahig na yari sa mga mubleng may iba at ibang hugis, hiyang sa klima ng katimugang Espanya.


Ang isa sa mga kuwarto kung saan ako isinilang ay ginawa ko itong imbakan ng mga regalo na aking masugid na manliligaw, paborito ko sa lahat ay ang mga makukulay na mga seda, iniligpit ko sa loob ng antigon aparador, isa sa mga istante ay naroroon pa rin ang aking pinatuyong pusod, mabisang gamot raw laban sa "BUBONIC PLAGUE" na halos ay burahin sa buong mundo ang lahing Europeyo. May mga gara-garapang rekados rin tulad ng mga bawang,luya at mga paminta na dala niya galing sa India at sa malayong Asya. " Bakit ang halaga ng mga ito ay tulad ng ginto?" Tanong ko sa aking isipan, bukod sa maanghang ay mapapanghi pa ang mga amoy ng mga rekados na ito. Dahil sa mga rekados na ito,ang mga anghel na mga kastila ay nagiging demonyo , nagiging mamamatay tao dahil sa pagiging ganid sa karangyaan ng silangang Asya, tila mga nalalason ng matinding kabaliwan, sa dulo ng kanilang mga espada - Sa ngalan ng Espanya at ng kristiyanismo - Ay maraming bansa  ang napaluha ng dugo, maraming buhay ang kinitil, ibinuwis at kikitilin at ibubuwis pa. Sa kabilang sulok ng aking muni-muni, dakila ang sino mang nagbuwis ng buhay para sa panginoon, bayani ang mga yaong nag-alay ng buhay para sa sibilisasyong kastila, ngunit ay tunay na hangal ang mga yaong nag-buwis ng buhay para sa kasakiman ng Korona ng mga hari ng Espanya.


Umaligawngaw  ang ihip ng hangin, muling kumalembang ang malaking kampana sa torre ng La Giralda, kulay krema at inukitan ng mga kataka-takang hugis ng mga bulaklak - Salamat sa sibilisasyong Saracen na malaki rin ang nai-ambag sa silbilisasyong Kastila - Nasundan pa ng nakakabinging " torotot " ng mga trumpeta sa hanay ng mga magigiting na kabalyerong nagma-martsa mula sa " Casa de contratacion" , mismong sa gusaling ito ay nagsisimula ang despotiko ngunit ay epektibong pamamahala ni Haring Philip III, mula Iberia hanggang sa pinakamalayong kolonya ng Espanya. Taong 1630 noong Noviembre 18, bandang dapit-hapon, nagkagulo ang buong bayan ng Sevilla, nagsilabasan ang mga tao sa kanilang mga kabahayan, nagsisigawan tila ay tumitili, sinabayan pa ng mga malalakas na mga pagsabog mula sa mga kanyon, biglang gumapang sa aking dibdib ang nakakatindig balahibong takot, isa lang a pumasok sa aking isipan : Sinugod na naman ng mga Muslim ang bayan ng Espanya, brutal na papatayin ang mga inosenteng mga mamamayan, walang habag na hahalayin ang mga mahihinang kababaihan, susunugin ang mga banal na mga Iglesia Katolika at nanakawing ang mga ginto sa kahit kanino man, ito na marahil ang hudyat na babagsak na a ng sibilisasyong Kastila. Bigla akong napaluhod at napadasal sa banal na imahe ni Birhen Maria, pagkatapos ng maimtim na pagdarasal ay lumikas ako sa ibabaw ng aming torre,. Laking gulat ko, salungat sa aking akala, ang buong Sevila ay nagsasaya at nagdiriwang upang salubungin  ang paparating na Galleon mula sa paglalakbay sa Silangang Indies, ibig sabihin ay dagdag na karangyaan para sa aming bansa at karangalan para sa aming sibilisasyon.

" Galleon!" 
 Mahina kong bigkas ngunit ako ay napaluha ng matanaw ang layag, mga dakilang konkistador, mga magigiting na mga amang lumikha ng emperyong Kastila na ang kapalit ay kanilang mga buhay.

Nag-aagaw dilim na at unti-unting hinahatak ng lumulubog na araw ang namumulang sinag, naghahalo sa kulimlim ng kalangitan. Nagingislap na rin ang mga bituin, minsan ay naging gabay rin ng mga konkistador tungo sa ibayong kontinente ng bagong mundo, ang Amerika na isang paraiso para sa mga mangangalakal, nakakasukang libingan ng mga mandirigmang Kastila para sa pagpapalaganap ng banal na katagang " PAG-IBIG"  at ng Kristiyanismo.

Pinalitan ko ang mga kandila at sinindihan ang mga lampara, ang liwanag ay dahan-dahang bumalot sa boung terraza. Sa labas ng aming bakuran ay biglang dumating si Juan Miguel de Figueroa, alam ko, muli at muli siyang papanhik ng pormal na panliligaw kahit na kung ilang beses ng mapukpok ng martilyo ng kabiguan, muli ay pinahintulutan, hindi dahil sa nagustuhan ko ang uri ng kanyang determinasyon kung hindi ay dahil na rin sa aming tradisyon, isang kabastusan ang itaboy ang isang Ginoong may busilak na hangarin at isa rin itong verguenza para sa Ginoong may katapatan sa salita at gawa.

Pinatuloy ko siya at naupo sa isa sa dalawang silya, ako ay naup at kaharap niya. Sa gitna ng mga matatamis na pangako, abot-kamay na mga pangarap ay may isa siyang kuwentong tila ay isang sakit na nakakahawa o isang lubid na kay hirap matakasan, " Doon sa bandang silangan ay ordinaryong damit lamang ng mga magsasaka ang mga seda, ang mga malalaking perlas ay kuwintas lamang ng mga musmos at ang mga ginto ay mga kasangkapan lamang sa kusina! Dito sa Espanay, ang mga ito ay sagisag ng karangyaan at kapangyarihan!"  Sa wari ko ang dulot ng sobrang kasakiman sa yaman ay ang " BUBONIC PLAGUE"  na ipinadala ng panginoon para ipa-alala sa mga nilalang na ang katumbas ng pagiging masiba ay kamatayan.


Bumabagsak na naman ang temperatura sa labas, bahagyang nanginig ang aking mga buto, mula sa aking bintana ay matatanaw ang inadobeng kalye, wala na ring dumadaan maliban sa mga Guwardiya Sibil, mga taga-pagtanggol ng kapayapaan at katahimikan sa aming bayan. Sa kaliwang bahagi ng aming hardin, sa gilid ng kalye at tabi mismo ng matandang punuan ng naranja ay may isang bakal na poste, kinakabitan ng lamparang patuloy na dinuduyan ng malamig na hangin. Papasok na nga pala ang kapanahunan ng tag-lamig na nagdadala ng nginig sa aking balat, naninigas na din ang mga buto sa aking balakang. Isang oras at kalahati bago mag alas-onse ng hating gabi, kahit pa man ay kaakit-akit ang mabango at makapal kong kumot, kaaya-aya ang lambot ng higaan, pilit ko pa ring nilalabanan ang mapanuksong antok, maisulat lamang ang silakbo ng aking damdamin, mga kuwento ng aking abuela at kasaysayan ng aming pamilya sa " Kuwaderno ng tadhana."  Sa bawat gabi ng aking buhay, simula noong tumuntong ako sa eda na 25, pagkatapos  hugasan ng maaligam-gam na tubig ang aking buong katawan, dideretso na ako sa aking kuwarto upang tangayin ng panibago kong adiksyon, ang pagsusulat.

Tapos na rin naman kaming humigop ng Caldo de puchero, ang paboritong tradisyunal na hapunan ng aking abuela - Senyora Feliziana Salamanca de Castellano- Mga mata niya ay walang bakas ng masangsang na landas ng pakikibaka tungo sa mas marangyang pamumuhay, kuntento at masaya na rin siya sa kinaroroonan ng aming anatas sa lipunan, ang aming lipunan na sa kapanahunang ito ay nababaliw tila nasasaniban ng kamandag ng karangyaan. Maligaya akong namuhay sa lilim ng maluwag niyang batas, hindi ginapos ang buo kong pagkatao sa mentalidad ng pagiging konserbatibo, sa panahong ito ay hindoi konbensyonal na ugali ang pagiging Liberal. Ang guhit sa kanyang pagmumukha ay tila may ikinukubling kaluluwa, nagtatago sa kadiliman ng mga panaginip, animo ay isang bampirang natatakot masilayan ng sinag ng inquisition, ang kalabang hindi kailan man ay magagapi ng diktadura, ang kalayaan.

Kulay puting andalusyana ang balbuning balat, may katamtaman ang tangos ng kanyang ilong na nababagay sa manipis at hugis pusong mga labi, kung adhikaing Griyego ang pagbabatayan, tugma ang magandang hubog ng kanyang pangangatawan, mga eternal niyang regalo sa akin na dadalhin ko at ng aking magiging mga angkan sa balat ng lupa, utang na loob ko sa kaniya ang aking pangalan - Maria Beatriz de castellano - Ibinigay niya at binasbasan ng banal na tubig sa loob ng sagradong Iglesia de Santa Ana. Inaruga niya ako ng mahaba at matamis na 29 na taon, maaga akong naulila ng aking ina, niligawan siya ng isang anghel ng dalamhating  mayroong gantimpalang nakabalot sa itim na seda ng " Small Pox", tatlong araw matapos na iluwal niya ako sa mundong naglalakbay sa pulbura ng digmaan.
" Hija, limang buwan bago ka isinilang , ang kaluluwa ng buong Espanya ay nakagapos sa bilangguan ng nakakalasong adhikain. Una ay naging  isang obligasyon ng bawat relihiyosong katoliko ang sumama sa isang makasaysayang ekspidisyon upang maitayo ang krus ng kristiyanismo sa lahat ng sulok ng buong daigdig, pangalawa ay isang dakilang misyon ang maitarak ang " Superyor" na sibilisasyong kastila sa kamulatan ng mga katutubo, ang pangatlo ay ang kahindik-hindik na sanhi ng pagka-agnas ng moralidad ng mga sakim sa purgatoryo, hanggang ngayon ay nakatusta pa rin ang kanilang mga kaluluwa sa sulpuradong baga ng impiyerno, ang magkamkam ng maraming ginto sa karumal-dumal na pang-aalipin sa mga inosenteng katutubo."

Mabagsik na mga kataga mula sa sarkastikong  bibig ng aking abuela, isang cynikal na pananaw, sa madaling salita ay tutol siya sa marahas na pangongolonya ng Espanya sa ngalan ng dakilang misyon, krus at sibilisasyon, sa dulo ng kanilang mga espada ay ipinatutupad ang nais ng kanilang kabaliwang sanhi ng pagdanak ng malalapot na dugo.

Bagaman at nakabukas ang aking isipan na tumanggap ng kritikal na pananaw, kahit pa man ay sinasalungat ng mga ito ang aking konserbatibong punto de vista, pinilit ko paring tumango, angkunwaring sumasang-ayon, hindi tama ang makipagbangayan ng ideya sa mga nakakatanda Tinikom ang aking bunganga at nanahimik sa lilim ng Torre del Oro.

Inilatag ko ang petate sa ibabaw ng makapal na damuhan, sa ibabaw ay inilapag ko ang dalang buslo, dinukot sa ibabaw ang dalawang pirasong tinapay na may palamang giniling na karneng baka at sibuyas. Sa mismong tabi ng ilog ng Guadalquivir kung saan ay naroroon ang upuang pumapagitna sa punuan ng Oliva at ng Palma, inabot ko sa aking abuela ang isang tinapay, sintayog ng  isipan ang matulis na  titig ng kanyang paningin, mukha ay may bakas ng matinding pag-dadalamhati. 29 taon na ang nagdaan, hanggang ngayong ay nagluluksa pa rin siya mula ng sumama sa isang ekspidisyon ang kanyang unico-hijo, ang aking ama, isa ring biktima ng gumagalang kaisipan sa bawat sulok ng mga kalsada sa buong bansa ng Espanya, ang ekspidisyon na tila ay isang berdugong may dalang latigo ng paghihinagpis, maraming ina sa aming bayan ang naging balo, mga anak na biglang naging ulila, hindi batid kung kailan babalik o kung makababalik pa ang lumisang asawa o ama at ang mga pagibig na iginapos sa mga pangakong walang katuparan, karamihan sa mga kaluluwa ay naa-agnas sa loob ng ataul na lumilitaw sa delubyo ng mga luha, dahil sa mga haka-haka - Doon sa kontinente ng Amerika, kapag naitarak ang krus ng kristiyanismo, iyong garantiya na magkakaroon ka ng puwang sa langit. Doon sa daigdig ng Amerika ay maari mong palitan ang ningning ng bituin ng iyong kapalaran, doon sa lupain ng bagong mundo ay posibleng maging Gobernador ang isang hamak na magsasaka- Marahil ang aking ama ay nais ring maging isang ganap na konkistador, pangalan niya mai-ukit sa kasaysayan, ang kahulugan ay imortalidad.

May halong kalungkutan ang bawat tibok ng kanyang puso, ramdam din sa balat na ang init nito ay dumadampi sa aking braso,malayo pa rin ang tagos ng kanyang paningin, katinuan ay naglalakbay sa pinakasulok ng tila ay walang katapusang karagatan ng Atlantik, isipan ay nagbubuklat hanggang matisod ang isang pahina ng ala-ala - Mainit siyang niyayakap ng aking ama, sorpresang may dalang rosas para sa ika-50 ng kanyang kaarawan, " Ma, ikaw ang pinaka-matamis na regalo ng langit sa akin, tuwing nawawalay ka sa aking tabi ay nangingisay sa lamig ang aking mga buto,buhay ko ay mistulang tuyong-tuyo, ang tanglaw sa aking paglalakbay sa madilim na pakikibaka sa ibabaw ng mundo, habang- buhay ko itong tatanawing isang dalisay na utang na loob."  Madamdaming bulong, ala-alang naging bangungot sa araw-araw na pagdadalamhati, nais mang ilibing sa limot ay kusa namang kakatok at gagambalain ang pintuan ng iyong kapayapaan.

" Tahan na lola, balang araw, marahil ay bukas, darating rin si ama, muli ay hahagilapin niya ang antok sa ibabaw ng iyong mga braso, matutulog sa alinduyong ng musika mula sa pintig ng iyong mga puso, sa kanyang panaginip ay mangangakong hindi na siya aalis pa, habam buhay nating pagsaluhan ang bawat pasko na may  tamis ng kaligayahan."  Wika ko at pilit na inu-unawa ang kanyang kalagayang tila ay tinutusok ng karayom ng pighati ang bawat ugat sa puso. Sa loob ng mahabang taon ay wala siyang natanggap na balita o liham man lamang kung ano na ang nangyayari sa kanyang kaisa-isang anak, maliban sa mga panaginip, dinadalaw siy at noo ay hinahalik-halikan.

Agad ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, may bakas ng pagmamalasakit ng napansin kong pumapatak na ang mapapait na mga luha, dumadaloy sa namumula niyang mga pisngi, pinipisil-pisil ko ang kanyang bewang, marahil sa ganitong paraan ay maibsan ang ang bigat na dala ng kalooban, Ulo ko ay inihimlay sa kanayng balikat, ikinubli ko ang namamasa at namumula kong mga mata, para sa akin, ang lumuha ay isang kahinaan ng loob at pag nalamang ako ay nagiging mahina ay pupunitin nito ang kanyang natitirang lakas ng loob at tuluyan ay mawawalan siya ng pag-asa, sa panahong ito, tanging pag-asa lamang ang natitira  sa aming buhay, ang mamuhay na walang pag-asa ay tulad ng isang balahibong inaanod ng daluyong ng walang katuturan, patutunguhan ay walang halaga at iyan ay masaklap.

Ngunit ay naa-amoy ko ang mabangong hininga ng kanyang damdamin, may pag-asang lagi niyang hinihintay, ang pagbabalik ni ama, isa sa mga dahilan kung bakit ay ayw niyang ipikit ang kanyang mga mata at lisanin na ang mundong naglalakbay sa madugong digmaan ng mga katolikong kristiyano at mga repormistang kristiyano, girian ng mga prayle laban sa mga konkistador at labanan ng sarili laban sa sarili.

" Ssssshhhhhhhh!" Tanging paala-ala niya, nararamdaman ng kanyang sentido na na para bagang kinaawaan ko siya at iyan ay hindi niya nagugustuhan. Taas-noong ipinapakita niya sa buong bayan ng Sevilla - Sa loob ng 80 taong pamumuhay sa lupa , namumuti man ang mga buhok, subalit ay kitang-kita  ang kagandahan ng kanyang katapangan - Ang totoong Senyora Feliziana Salamanca de Castellano, ang larawan ng katatagang naka-ukit na sa mga adobeng pader ng aqueduct.
ulo ko ay nakahimlay pa rin sa kanyang balikat,  na ang init sa aming mga ulirang damdamin ay uunawaan ang malulungkto na bulong ng matinding pangungulila, parang sinasakal ng isang diyablo ng pagpapasakit sa bawat pulgada n gaming katahimikan, patuloy ang pagdadalamhati sa nakakasukang bilangguan ng purgatoryo. Sa gitna ng sandaling ito, panandaliang ginhawa ay aking nadarama sa mga Ang mararahang pisil ng kanyang mga daliri sa aking batok, antok ay unti-unting bumabalot sa aking sentido. Dalubhasa si lola sa pag-uunawa ng kahulugan ng bawat nota sa puso at bawat hangarin ng aking galaw, kahit pa man ay nagkukunwari  na ako ay walang nararamdamang kalungkutan, ngunit ang kawalan sa aking emosyon ay kanyang nararamdaman.
“ Sana ay naririto ang iyong ama, sa kanyang mga tenga ay maibubulong ko man lamang kung gaano ako kaligaya mula ng dumating siya sa aking buhay!’
 Mangiyak-ngiyak ang mahinang boses, sa loob ng libo-libong mga araw ay inaasam-asam pa rin niya ang isang  “ sana’ na hanggang ngayon ay isa pa ring malaking  “sana”, nanatili akong  walang imik sa gitna ng kanyang  kalungkutan. Bagkus ay minamasdan ang namumulang ilog ng Guadalquivir sa ilalim ng dapit hapon kahit pa man ay naglalasang amargoso ang kagandahang iginuhit ng mga ulap sa telon ng langit. Katiwasayan ay ramdam sa batok, mula rito ay dumadaloy ang mainit na haplos patungo sa pisnging hinahagod ng kanyang pagmamahal, tila daang libong malalambot na hibla ng bulak, tinatahi ang sugat ng nakaraan sa aking puso. Nakakabaliw na katahimikan ang namamagitan sa amin, isipan ko ay naglalakbay, nahugot  ang isang ala-alang nagdulot ng aming pagdadalamhati sa tabi ng ilog na ang tubig ay nahahaluan ng aming mga luha. Ang kaluluwa sa bawat talata ng salaysay niya ay nagging makabuluhang bahagi ng  “ Kuwaderno ng tadhana.”
B: Salaysay ng aking abuela
     Taong 1601
      Sevilla, Espanya
Noong   1601, ang ginintuang yugto sa buhay ispiritwal ng banal na Iglesia Katolika, ang mga misyonaryo at ang mga prayle ay nagbuwis at magbubuwis pa ng buhay para sa kaharian ng Panginoon. Kahit pa man ay nawawalan ng halimuyak ang kaisipang Renascimiento, ngunit ang kontribusyon  nito ay mananatili sa sibilisasyon ng buong sangkatauhan. Ito rin ang malagim na yugto kung kalian ang bawat kaharian ng Europa sy pilit  itinatago ang nakakadiring pagmumukha  ng kolonyalismo sa likod ng nakakabighaning maskara ni San Pedro.  Puspusang pinagsamantalahan ang nangingibabaw na paniniwala sa kaisipan ng mga katutubo ( Superyor ang lahing mapuputi , mga diyos-diyosan at mga sugo ng tagapag-likha) ngunit, sila, hindi nalalaman na ang tunay na pakay ng mga kolonyalista ay kamkamin ang kanilang ginto, dudukutin ang masasaganang lupain at ang mga kaluluwa ay sapilitang aalipinin sa sariling bayan.  Ang mga adhikain, mga pangarap at ang kanilang mga kinabukasan ay igagapos sa kadena ng kaisipang kolonyal.
“ Sana ay mapapatawad sila ng kasaysayang hinubog at huhubugin pa ng kanilang kabaliwang itarak ang sibilisasyong Europeyo sa kamulatan ng bawat nilalang sa buong daigdig!”
Kanyang dalangin, kung susuriing maigi ay nagkakaroon na ng pagsusuko ang mahinang boses mula sa kanyang bibig, sanhi marahil ng mga kontradiksyong naglalaro at nahahati ang isipan, pandirihan man ang kolonyalismo, subalit ay sadyang kay hirap mapigilan, agresibo at pursigido, kaluluwa nito ay ang mismong gagabay sa kasaysayan ng Europa at ng buong mundo.
Namama-alam na noon ang kapanahunan ng tag-init sa harap ng mga pintuan, ang malamig na hangin ay  nagsimula ng umihip, tinatangay ang mga natutuyong dahon sa balat ng kalsada patungo sa daungan. Kalagitnaan na nga pala ng Oktubre, ang buwan ng paglalayag ni Kapitan Santiago Fuentes, tubong Cadiz. Lumabas siya sa maliit na kuwartong nasa pangalawang palapag. Marahil ay nasa kuwarenta o pataas ang edad, katamtaman ang laki ng katawan,  halata sa nasusunog na balat ang mahabang karanasan sa paglalayag, itinaas ang kaliwang kamay, sinuri ng palad ang direksyon at bilis ng ihip ng hangin.
“ Buksan ang mga bodega at ibaba na ang damyo!”
Makapangyarihang utos ng kapitan sa mga tripulante ng Galleon, dumating na nga ang  hindi malilimutang sandali na nagiging isa sa mga larawan sa kaluluwa  aking abuela.  Ang  kaluluwang naiipit  sa manipis na giwang ng komplikadong transisyon ng kaisipan, mula sa makatarungang kamatayan ng matamlay na kulturang Renascimiento patungo sa layag ng Galleon na dinuduyan sa bagong silang na kaisipang  Merkantilismo.
“Kukulangin ang karga nating mga pagkain!”
Dominanteng utos ni senyor Francisco Torquemada del  Sanvictores sa mga tauhan niyang  dagliang umalis patungo sa “Casa de Contratacion” , kumuha ng papeles para sa karagdagang pagkaing ikakarga kahit pa man ay halos mapupuno na ang talong bodega ng mga tinapang karne ng baka, mga tuyong isda, harina, gulay at mga prutas.  Madali silang nakakuha ng pahintulot, ang mga nanunungkulan sa “Casa de Contratacion” ay nangingilabot sa reputasyon ng Senyor na may mataas na katungkulan sa Hari ng Espanya at madali rin itong magpataw ng parusang kamatayan kapag ang utos niya ay nasuway. Siya nag pinaka-importanteng pasahero ng Galleon, bukod sa Duke ng  bayan ng Lerma ay may administratibo rin itong kapangyarihang nakadikit sa kanyang apelyido at selyado ni Haring Philip III.
Sa gitna ng korte ng kaharian ay itinanim ng Duke ang buto ng mga intrigang nagdulot ng matinding girian sa hanay ng mga opisyal, naging sanhi ng krisis pang-ekonomiya sa Espanya, sa halip na atupagin nila ang  suliranin ng bansa ay naubos ang oras nila sa pagkumpuni ng mga nasira nilang reputasyon dulot ng walang kabuluhang intriga. Sa gitna ng krisis, walang ibang mapagkatiwalaan ang hari kung hindi ay si Senyor Francisco, may sariling batas na yari sa bakal. Sa kanyang mga kamay ay nakasalalay ang nagdidilim na kinabukasan ng bayan, inatasang pigilan ang pagtawid ng mga liberal na pananaw ng mga Arbitrista – Reporma sa bawat hibla ng kaharian at ng korona para malampasan ang matinding krisis – sa kontinente ng Amerika upang maiwasang mag-alsa ang mga kolonya laban sa Hari. Ngunit ang mas mahirap ay ang pigilan ang daloy ng rumaragasang repormistang kaisipang ng mga Protestante – Ang kasalanan ng isang nilalang laban sa Panginoon ay hindi nabibili ng salapi ang kapatawaran, bagkus , ang kapatawaran ay isang gantimpala ng Diyos sa kanyang nilalang tungo sa buhay na walang hanggan – Kahit madugong supresyon ay walang kakayahang buwagin ito maliban na lamang sa mga nilalang na sadyang tapat sa Iglesia Katolika.
Habang nagdaraos ng sagradong misa ang mga ginang sa tapat ng Galleon para sa isang matiwasay na paglalakbay ay umakyat naman ang mga mamahaling kabayo sa damyo, ang  15 mga parin Jesuita ay sabay-sabay na pumanhik at may mga hawak-hawak na mga rosary, si likuran nila ay ang karwaheng may rebulto ni San Juan de Bautista.
“ Hijo kapag ang mga pangarap mo ay iyong matupad, huwag sanang kalimutan ng iyong mga paa ang landas pauwi sa ating tahanan kung saan ka isinilang at ang iyong kanlungan, sana sa aking katandaan, ikaw ang makapiling ko sa tabi ng higaan ng aking kamatayan, sana ay mahawakan ko man laman ang iyong mga pisngi bago malagutan ng hininga.”
Bulong  niya sa anak na nangakong  magbabalik, nag-iwan ng isang halik ng pamama-alam bago tumalikod ang aking ama, itinago ang mga lumuluhang mata, mabibigat  ang bawat hakbang ng kanyang mga binti, tulad ng kanyang nakatiklop na mga balikat, tila ay may ibinubulong sa langit, “ Ang lahat ng ito ay isang napakalaking  sugal ng buhay sa loob ng katakumba ni kamatayan, ang tanging magwawagi ay yaong mga ganid sa kayamanan at sasambahin sa dambana ng malagim na kasaysayan!” Sa sandaling iyon, ang tanging nakaka-alam sa nagdurugo niyang puso ay ang aking abuela. Nababasa niya batay sa bawat hakbang, masakit para sa isang anak ang iiwang mag-isa ang inang nagdurusa sa masaklap na sakal ng pag-iisa, subalit siya, aking pinakamamahal na unico-hijo, iyong ama, ang kanyang kaluluwa ay nalulunod sa karagatan ng lumalagablab na pook ng pangarap, marahil sa ibayong   luapin ay matagpuan niya ang katuparan ng kanyang kapalaran. Sa loob ng kanyang puso ay nakatira pa ang busilak na hangarin at sa pagbalik sa Espanya, magkaroon siya ng isang dakilang pangalan, habambuhay ay maididikit sa kanyang pagka-tao na isang magiting na konkistador para sa banal na Iglesia Katolika at sa buong sankatauhan, tulad rin ng ibang Hidalgo, makapag-impok ng ginto at pilak para sa maginhawang pamumuhay ng mga mahal sa buhay.
“ Hugutin ang ankla!”Malakas na sigaw ni Kapitan, nasa kanyang kaliwang kamay ang manipestong listahan ng mga kargamento at mga pasahero, hawak ng kanang kamay ang maliit na astrolabe, matapos matanaw ang direksyon ng araw sa maliit na butas nito ay agad iniluklok sa bulsa ng mahabang robang yari sa balat ng baka. “ Ihanda ang pisi at dalian niyong ipasok ang damyo sa loob ng Galleon!” Mas mataas ang boses, tila ay nag-aanyong bakal, nagmamadali sa biglang pagpalit ng ihip ng hanging magdadala sa kanila sa kontinenete ng Amerika ng kalayaan at ng bagong pag-asa. Ang bawat bigkas ng kataga ay sintigas ng muebleng puwersahang ipapatupad ang batas bilang isang Kapitan, ang emperador sa buong Galleon.Isa at isa ay hinubad ang mahahaba at malalaking lubid na itinali sa hugis ekis na yerong ibinaon sa mismong gilid ng daungan. Sabay-sabay ibinaba ang hugis rektangulong  mga layag sa harapan, mga telon ay nangingitim sa mababagsik na bugbog ng hanging hinampas ng langit mula sa timog-silangang Atlantik – Dulot ng kaisipang Renascimiento ay nabuwag ang kaisipang medyibal na isang tanggap na kaisipan, ang Atlantik ay pugad ng mga diwata at mg manlilinlang na mga sirena, ang sino mang tatawid ay hinid na muling makakabalik pa ng buhay ngunit ngayon ay malayang makapaglalayag  ang mga ahente ng sibilisasyon tungo sa kaunlaran ng isipan.- Mahinahong kumalas ang Galleon sa daungang may kaluluwa pa rin ng sibilisasyong Romano na nakaukit sa mga dorikong posteng nakahilera sa pusod nito. Pumagitna ang Galleon sa ilog ng Guadalquivir, nagpakawala ng nakabibinging atungal mula sa trumpetang nakapatong sa kamarote ni Kapitan Santiago, hudyat ng pamamaalam tungo sa isang matagumpay na paglalakbay.
Sa isang dako roon ay may bulong-bulungan, sanhi raw ng bendisyon mula sa mga lulang paring Jesuita ay biglang rumagasa ang tubig sa ilog ng Guadalquivir, lumakas ng husto ang ihip ng hangin, lalog napabilis ang dating ng Galleon sa bukana ng ilog hanggang sa tuluyan ng lamunin ng kadiliman ng karagatang Atlantik.
Sa pagitan ng mga tisang magkakadikit sa daungan ay lumutang ang matinding pagluluksa, bininyagan ang mga lumot sa mga giwang ng mga matang tumatangis sa pagkawalay, maliban sa akin ay buong loob kong tinanggap ang katotohanang sumabak sa ekspidisyon ang aking pinakamamahal na anak, ang tanging natitirang gantimpala ng panginoon, masakit mang isipin dahil ang lahat ng aking pakikibaka sa ibabaw ng lupa ay para sa kanya at bigla na lamang maglaho sa aking tabi, ngunit sa panahong ito ay ikinubli ko ang pagluluha sa  aparador kahit isipin man nilang ako ay manhid, batid ko, ang pagluha ay isang kahinaan, sa panahon ng aking pag-iisa ay nararapat na ako ay maging matatag, mabisang depensa laban sa mga mapang-abusong nilalang.
Dumapo ang mahigpit na yakap ng gabi sa aking dib-dib, sa gitna ng aking kalungkutan ay lulunurin akong tulala at ang darating pang mga araw ay magiging napakadilim na gabi ng aking buhay. Mag-isa kong nilakad ang makitid na kalsada palabas ng daungan, sa panahong iyon, ang pakiramdam ko ay lumulubog ang aking emosyon sa pinakamalalim na pook ng mga kerubing walang tigil sa pag-luluksa kung saan ang nararamdaman ay hinubog ng naghalong poot at bigat ng kalooban. Maliwanag ang kalsadang binabaktas, alinsunod sa kaugaliang kastila, lahat ng poste sa kalsada ay kakabitan ng dalwang lampara tuwing may papa-alis na Galleon, pero sa halip na maliwanagan ang aking isipan ay mas lalo pang nagdidilim ang aking damdamin sa putik ng matinding pighati  Hindi alintana, ang bestida ko ay sumasayad na sa lupa, nais kong maiyak, sana ang aking mga luha ay mahagilap man lamang ang makatarungang paliwanag sa mga trahedyang dumating sa akin.
Una kong naranasan ang matinding hapdi ng pangungulila  noong Hulyo 12, 1575, sampung buwan, matapos kong mailuwal si – Gabrielle Paulito de Castellano -  Ang kaisa- isa kong anghel, ang mga pakpak ay yari sa gatas na dumadaloy sa aking dib-dib  at pagmamahal .
Minsan ay nagkulay dugo ang bukang liwayway, marahil ay isa itong hudyat ng panibagong digmaan sa lupain ng Europa, kontinente nito ay naka-patong sa mga kalansay ng mga bayani at ang kanyang mga ilog ay dinadaluayn ng litor-litrong dugo ng mga magigiting na mandirigma, marahil ay isa itong hudyat sa panibagong kabanata tuwing sasapit na ang kapanahunan ng tag-init. Sa dalawang maikling lubid ay ikinabit ko ang duyang yari sa malabnaw na kulay berdeng seda, sa ibabaw nito ay inilagay ko ang aking unico-hijo, sa maikling sandali ay agad na nadakma ang mahimbing na tulog, mura niyang  isipan ay nababalutan ng sariwanng hanging may bango ng mga naranja,. “ Isipan niya ay isang blankong papel, ako ang magiging makata at susulatan ko ang bawat pahina ng moralidd, pag-ibig at riyalidad, magiging tanglaw ng kanyang walang katiyakang landas, dahil alam ko na sa ibabaw ng mundong ito, ang lahat ay walang katiyakan, maliban sa kamatayan.” Bulong ko sa aking sarili, nagdidikta ng aking alintuntuning gagampanan bilang isang ina, umupo ako sa tabi ng duyan, isa-isang tinahi ang mga butas sa uniporme ng aking mahal na esposo – Kapitan Juan  Gabrielle de Castellano –ang pinakamatapat na kawal sa Armada ni haring Philip II, handang ipaglaban ang dignidad ng bansang Espanya hanggang sa hukay. Sa likod ng matatagumpay  na digmaan laban sa mga piratang pranses at mga ingleses  ay ang superyoridad ng kanyang  taktikang kinatatakutan ng mga kaaway at mga kakampi, sa usaping istratehiyang pang militar, dunong niya ay mataguriang henyo.
Tag-init na noon at kumakapal na rin ang mga naipong alikabok sa iabw ng tisang kalsada, nag beberde na ang dating kulay gintong mga halaman sa hardin, naninigas ang putik sa lilim ng punuang naranja. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog sa duyan, bahagyang ngumiti, marahil ay dumalaw ang kanyang kerubin, pinaglalaruan siguro ng isang anghel ng kamusmusan, habang pinagmamasdan ko siya ay saka naman dumating ang isang kartero ng liham sa harap ng aking bakod, inilagay ang sobre sa loob ng kahong pang-liham na nasa tabi ng pintuan bago umalis ng walang paalam, halatang abala sa paghuhulog ng daan-daang liham mula sa mga kawal na ipinadala sa Alemanya sa ilalim ni Haring Philip II upang pigilan ang pag – aaklas ng mga Protestante laban sa banal na Iglesia Katolika. Pansamantala ay huminto ako sa pagtatahi, may halong tuwa, agad ay tumayo sa inuupuan, tinungo ang kahong panliham, siguro ay dahil sa pananabik ko sa aking mahal na Esposo, nararamdaman ang init, bumabalot sa aking sentido at buong katawan, tulad ng mga dati niyang liham, marahil ay magsusulat na naman siya ng mga kuwentong maghahalo ang mga luha at ngiti sa aking labi, tungkol sa matinding kalungkutang nadarama tuwing hindi ako kapiling. Ganoon din naman ako , buhay ko ay nababaliw,  tila ay nagdurusa ng daang taon sa loob ng bilangguan sa tuwina ay wala siya sa aking tabi, laging nanabik sa init ng kanyang mga labi sa libo-libong pahina ng aking ala-ala. Marahil ay buod ng kanyang liham ang mainit naming karanasan sa ibabaw ng kama at minsan ay sa ilalim mahabang mesa, animo ay mga kunehong nawawalan ng bait na tila ay nasasaniban ng masamang ispiritu, lahat na yata ng makamundong posisyon ay sinubukan para sa kasiyahan ng  aming kaluluwang nakabaon sa nakakabaliw na orgasm. Kung batid lamang ng aking Esposo, lagi kong hanap-hanap ang init ng mga mahihigpit na yakap, mga nakakakiliting haplos ng kanyang mahabang dila sa aking dib-dib, gumagapang patungo sa look ng aking pagkababae hanggang sa tuluyang sumambulat sa kanyang mukha ang kapusukan ng pagraraos na tila ay walang hangganan, ina-amin ko, minsan sa aking pag-iisa, nagamit ko ang huwad na aring yari sa makinis at malambot na isponghang kanyang nabili sa siyudad ng Venizia ngunit ang kaligayahang dulot nito ay tuyong-tuyo, ang mamuhay ng tigang ay para na ring kapiling mo sa higaan ang anghel ng kamatayan. Siguro ang nilalaman ng kanyang liham ay ang matatamis niyang tagumpay sa digmaan para sa karangalan ng Espanya at para sa makapangyarihang batas ng banal na Iglesia Katolika. Kanyang pananaw, kaunlaran ay makakamtan lamang kapag ang buong kontinente ng Europa ay mapayapang nagkakaisa sa ilalim ng isang paniniwala, ang sagradong Iglesia Katolika, dahil sa matatag na prinsipyo ay akin siyang ikinararangal sa buong daigdig, adhikaing ipinaglalaban ng kamatayan para sa kapakanan ng Espanya at lahing kastila, isa sa pinakamatapat na kawal, lalong pinagtitibay ang pundasyon ng sibilisasyong Iberyano.
Ako ay biglang nagulat ng marating ko ang kahong panliham, sa halip na kulay puti ay kulay azul ang sobre, tulala at may halong pagtataka, “ Nagkamali yata ang kabalyero sa paghulog! “ Sa isip-isip ko, hindi ito isang karaniwang liham, bagkus ay isa itong napakaimportanteng liham mula sa pinaka- makapanyarihang departamento ng kaharian, ang pinagsanib na ministro ng dpensa at ng digmaan, nagkaroon ako tuloy ng mga katanungan at mga haka-haka,” Ito ba ay isang imbitasyon ng hari para ipag-diwang ang tagumpay ng kaharian laban sa kaharian ng Inglatera ni Reyna Elizabeth I ?” Sa wari ng intwisyong kritikal, “ Marahil ay isa itong imbitasyon para bigyang pugay ang muling pag-taas ng ranggo ng aking Esposo.”Wika ng aking isipan, pagkatapos na damputin ang liham ay agad na bumalik sa dating inuupuan, ang musmos ay mahimbing pa rin ang tulog, kuhang-kuha ang makakapal na kilay ng kanyang ama, animo ay iginuhit ng isang pintor, sa bawat balahibo ay naroroon ang kulay ng matatag na prinsipyo. Binuksan ko ang sobre, ang aking paningin ay biglang nagdilim, nangitim ang mga ulap sa aking isipan, ang tibok ng aking puso ay nagdadabog ng mabasa ang liham.
                      
                                   Banal na kaharian ng Espanya
                                   Sagradong Bansang Katoliko
                                   Ministro ng Digmaan
                                                                                                                                      Hulyo 12, 1575 A.D.
Mainit na pagbati!
Senyora Feliziana Salamanca De Castellano,
                           Isang malaking karangalan para sa kaharian ng Espanya ang kagitingan ni Kapitan Juan Gabrielle de Castellano. Hinggil sa epektibo niyang istratehiyang pang-militar, napasa-ilalim ang maraming bansa sa Europa sa kapangyarihan ng banal na Iglesia Katolika. Kanyang katapatan ay magiging immortal na bahagi ng dakilang kasaysayan ng bansang Espanya. Subalit ay ikinalulungkot ni Haring Philip II at ng buong Armada ang pagpanaw ni Kapitan. Napaslang siya ng mga heretikong Protestante habang nangungumpisal sa loob mismo ng Kathedral sa siyudad ng Cologne. Ang kamatayan niya ay isang malaking kawalan para sa ginintuang adhikain na ang buong sangkatauhan ay payapang mamuhay sa ilalim ng sagradong relihiyong Katoliko.
                                                                                                                          Lubos na nagdadalamhati,
                                                                                                                           Korona ng Espanya
“ Punyetang digmaan ! “ Mura ng nagmamanhid kong isipan at ako ay biglang napaluhod sa sahig, kumikirot ang bawat ugat sa aking ulo, napahagulhol, sentido ko ay hindi mailarawan ang matinding sakit, mistulang naglalakbay sa madilim na hangin at walang patutunguhan, utak ay tinatangay sa gahiblang buhok na namamagitan sa gitna ng kabaliwan at ng katinuan. Kaluluwa ay walang tigil sa pagmamaldisyon sa walang kabuluhang digmaan, sa bandang huli ay mauuwi lamang ang lahat sa usaping pang-kapayapaan kapag ang dumanak na dugo ay lumalapot sa haligi ng mga gotikong kathedral at nangingitim sa harap ng krus.
“ Higit bang mas banal ang Kristo ng mga katoliko kaysa Kristo ng mga protestante? “ Katanungan ng katinuang pilit hinahagilap ang tugmang paliwanag sa madugong tunggalian ng dalawang denominasyon sa ilalim ng isang relhiyong Kristiyano. Subalit ang pangil ng digmaan ay mas lalong bumabangis sa bawat dugong pumapatak sa mga nahihiwang katawan ng mga mandirigma, sa mga natataga nilang mga bitukang nagkagutay-gutay at ang mga espada ng mga kabalyero ay nagdiriwang sa nakakalasing na tagumpay. “ Marahil ang Kristong nakapako sa Vatican ay mas makapangyarihan kaysa Kristong nasa puso ng mga protestante! “ Konklusyon ng isipang nakahandusay sa nakakabaliw kong kalagayan. “ Sa purgatoryo ng nakakadiring kahihiyan ay magdurusa ang multo ng walang katuturang digmaan, ang dulot nito ay ang pagka-durog ng hibla ng moralidad sa kaluluwa ng mga biktimang nasawi.” Unawa ng katinuang tila ay nawawalan ng ulirat.
Dahil marahil sa matinding lungkot, isipan ay naba-blanko sa mga samo’t saring suliranin, hindi alintana ang layo ng aking binaktas mula sa daungan ng Cadiz, namalayang bigla na ang bestida ay nakasayad , halos naupod, mundo ko ay biglang nagunaw sa pangalawang pagkataon , muling nasugatan ang puso, mas malalim ang hiwa, mas mahapdi, masakit maiwang mag-isa ng kaisa-isa kong anak, “ Ano pa nga ba ang kabuluhan ng paghihirap para mabigyan siya ng maginhawang buhay at sa bandang huli ay aalis din ? “ Tanong ko sa aking sarili ng marating ko ang tahanang nagluluksa rin sa pinaka-madilim na gabi, hindi na rin sinubukang ilawan ang mga lampara sa terraza, agad na pumasok sa pintuan ng mabuksan, sa harap ko ay naroroon ang mahabang mesa, sa hapag nito ay nanunumbalik ang mga nakaraang walang kasing tamis, mga ngiti ng aking Esposo at Unico Hijo ay tila nakaukit sa bawat table ng mesa, animo ay mga lintang kakapit ng habambuhay sa aking ala-ala. Nakaligtaang maghapunan, ramdam ko, napupuno ng hanging paglulumbay ang nangangasim na sikmura, dumiretso na lamang sa silid tulugan, sa ibabaw ng kama at sa mga mahihigpit na mga yakap ng unan ay pilit kong inubos ang lahat na mapapaklang luha hanggang sa tuluyang tangayin ng mga pak-pak ng bumubulusok na tulog.
Ang tatlong buwan ay tila bagang daan-daang taong ako ay naka-bilanggo  sa piitan ng pag-iisa. Upang ako ay makalaya sa kadena ng pagdadalamhati ay pilit kong nilunok ang mapait na riyalidad na ang aking pinakamamahal na anak ay lumisan na, nanumbalik ang sariling mundo sa katinuan, tanging dalangin sa maykapal, sana ay magtagumpay sa kanyang hangaring maging konkistador, maibahagi ang kristiyanismo at sibilisasyong kastila sa buong mundo.
Kalagitnaan ng Enero, ang pinaka-malamig na buwan, dahil sa dalawang pogong walang tigil sa pagbuga ng mainit na hininga ay mas mainit ang temperatura sa loob ng silid-painitan kaysa sementeryo ng Triana kung saan ibinurol ang labi ng aking Esposo. Sa loob ng isa at kalahating lingo, halos matapos basahin ang librong “ Il Principe “ ni Niccolo Machiavelli, isinulat para kay Prinsipe Lorenzo di Medici. Kahit malalim ang buod ng pilosopiyang pampulitikal, pilit na inunawa ng talata sa talata, moderno ngunit ay isang kathang dogmatista, kumakalas sa empirisistang aplikasyon ng ideya sa tunay pulitikang panlipunan. Hindi ako sang-ayon sa mungkahi, ang matibay na pundasyon ng isang estado ay ang despotikong panguluhan, hindi rin yata maganda, ang katakutan kaysa gagalangin ng mga mamamayan.
Bigla akong nagulantang, napatayo ng marinig ko ang mga  munting yelong ibinato ng ulan sa aming bubungan, malakas din ang mga kalabog sa bakod na yari sa kahoy, kinabahan ako, baka gagambalain na naman ang aking katahimikan ng paring manyakis, dating nagtanong kung ano ang kulay ng aking tumatandang utong noong ako ay nangumpisal. Tiniyak ko ang pinaglagyan ng espada, ayon sa aking ama, sa dulo nito ay napabagsak ang kahuli-hulihang kaharian ng mga muslim sa loob mismo ng palasyo ng Alhambra sa Granada noong 1492. Sa pagkakataong ito, kung ako ay maiipit man ng makasalanang paring kumakalabog sa bakod, isinusumpa ko sa langit, itatarak ang dulo nito sa dibdib ng isang kristiyano, kahit susunugin man nila ako sa lumalagablab na apoy ng Inquisition, tulad ng pagsunog sa mga huwad na mga albularyo. Ng matiyak ang pinaglalagyan ay pumunta agad sa bintana at itinaas ang kalahating kurtina. Laking gulat ko ng madungaw ang isang babaeng nakatinding sa harap ng bakod, suot niyang bestidang kulay krema ay basang-basa sa ulan, nanginginig, ang mas nakapag-tataka ay buntis ito. Agad akong lumabas dahil sa awa, tinungo ang babae, medyo mas matangkad siya kaysa akin, tipikal ang andalusyanang hugis ng hitsura, maliban sa napakatangos na ilong, halatang may dugong Saracen, inabot sa kanya ang tuyong tuwalya, naghahalo ang patak ng mga ulan at mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
“ Buenas Tardes Senyora Feliziana ! “
Kanyang bati, tono ng boses ay nanginginig sa lamig, ngunit ang nakapagtataka ay kilala ako ng estrangherang babaeng ito, sa tabi niya ayy may malaking maletang lalo kong ikinagulat, yakap niya ay isang Bangang kulay puti at nakaukit ang kulay azul na mga larawang hango sa kasaysayan ng pamilyang Israelita, sa leeg ng Banga ay may nakaukit na salitang Hebreyo pero ay hindo ko maintindihan. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit niya ako kilalla.
“ Tuloy ka hija! “
Hindi ko nakuha pang batiin siya, bagkus ay inalalayan ko na lamang  papasok sa aming tahanan ng mapansing nangangatog ang mga tuhod sa sobrang lamig. Ako na rin ang nagdala ng kanyang maleta, sa wari ko ay hindi ito mumurahing maleta, yari ito sa balat mula sa gitnang silangan, inihanda ko an gang mesa at dalawang upuan habang siya ay nagpupunas at nagbibihis sa loob ng banyo na nasa tabi lang ng silid painitan, dinagdagan pa ng limang pirasong kahoy ang pogon para mas lalong uminit para maiwasang bumagsak ang temperatura ng katawan ng aking panauhin, sa ganitong paraan ay maiwasan niayng magkasakit o kamatayan.
Pagkatapos na magpunas at magsuot ng makapal na damit, inanyahang saluhan ako sa mesang mayroong dalawang platito ng Hamon Ayberiko. Kahit malayo ang mesa sa pogon ay ramdam pa rin namin ang init na ibinubuga nito, naupo siya sa silyang nasa ilalim ng sining-pintura, may temang gothiko na may halong riyalismo, likha ito ng aking Esposo sa kasagsagan ng kanilang kampanya laban sa mga Huguenot, kaya ang nasa kanbas ay isang kabalyerong galit na galit habang sinusunog ang heretiko sa ilalim ng buwan.
Mahinhin ang kanyang mga galaw sa harap ng mesa habang pinagsasaluhan namin ang Hamon Ayberiko, maigi kong pinagmamasdan ng hindi niya batid, kahit hugis Saracen ang ilong ay makinis nag namumulang balat sa mukha, maganda ang hugis ng manipis na mga labing tugma sa hanggang balikat na haba ng kulay brunette na buhok.
“ Pilit naming ikinukubli ni Gabrielle Paulito ang aming wagas na pagmamahalan sa mga paningin ng mga tao dahil sa magkaiba ang aming relihiyon, ako ay isang Hudya at siya ay isang Kristiyano, kaisa-isang anak ng tagapag-ligtas ng banal na Iglesia Katolika, nakipagdigma, nagpakamatay para sa kadakilaan ng Kristiyanismo, marahil ay isa itong balakid kung kaya ay natakot siyang iharap ako sa iyo Senyora Feliziana, ang higit na kinatatakutan niya ay baka kung sakaling hindi mo ako matanggap, kung ito ay mangyari man, pipiliin niyang magpapa-kamatay na lamang, tila ay isang kasumpa-sumpang suliranin ang kinalalagyan ng aming pag-iibigan, halos oras-oras ng aking buhay ay hindi ako nilulubayan ng mga luhang walang kasing pait. Ang mas masaklap pa, sa gitna n gaming pagmamahalan ay napag-usapan nap ala ng aking mga magulang ang tungkol sa aking pagpapakasal sa isang Hudyo rin na nagmula sa isang pamilyang may kaugnayan sa kalakalan ni ama. Pero ay mas gugustuhin ko pang mamuhay sa piling ni Gabrielle Paulito, siya ang tunay na tinitibok ng aking puso, sinadya rin naming ako ay mabuntis, tutol man ang simbahang Katolika at ang Synagogue, sa ganitong paraan ay magiging immortal an gaming pagmamahalan, ako at ikaw, ang dahilan ng kanyang pagsabak sa Ekspidisyon para sa katuparan ng kanyang minimithi, sa pagbabalik niya ay magiging isa tayong pamilyang mayroong maginhawang antas sa lipunan.” 
Madamdamin at mahabang salaysay ni Sarah Beatriz Montefiore del Cohen, ang babaeng dumukot sa puso ng aking pinaka-mamahal na anak, patuloly  humihikbi, may lungkot ang bawat luhang pumapatak, nakaka-durog ng puso ang kalagayang  napalayas at itinakwil na parang basahang bulok, hindi natanggap ng sariling ama, lalo na sa tradisyong Hudyo na siya ay disgrasyada sa isang Kristiyano. Ang wagas na pag-ibig ay susuwayin ang lahat, kamatayan man ang kaparusahan. Walang tigil ang kanyang pag-iiyak, hiniwa ng mga bildong nawasak mula sa kanyang pag-katao ang aking puso, ako ay nakaramdam ng matinding awa. Tumayo ako mula sa kinauupuan matapos mabasa ang liham na nilagdaan mismo ni Gabrielle Paulito na kanyang inabot  bago ako sinaluhan kanina, tumabi sa kanya at niyakap ng mahigpit,siguro ay maibsan ko ang bigat ng kanyang kalooban. Sa ganitong paraan ay ay matupad ko ang hiling sa liham, tanggapin ng buong puso sa aming tahanan ang babaeng tanging minamahal, ang kaluluwa ng kanyang buhay at ang Pandora ng kanyang pagkatao.
“ Tahan na anak! Kung ang karanasang masaklap ay binabagabag ang iyong katinuan, magtiwala ka, ang nawasak mong mundo ay muling bubuuin ng aking labis na pagmamahal na iyong madarama! “
Bulong ko sa kanya, nakagapos pa rin sa mainit kong yakap, unti-unti ay nawawala ang pait na nararamdaman, isinubsob ang ulo sa aking dibdib, dito ay mapayapa siyang mananahanan. Subalit ay pilit kong ina-alam ang bawat hibla ng kanyang pagka-tao, “ Montefiore”, bigkas ng aking isipan,mahinang tumango-tango, sa pagkaka-alam ko, hindi ito isang karaniwang apelyido sa lipunang Kastila, ginagalang sa komyunidad ng mga Hudyo, tanyag sa larangan ng pangangalakal, malaki ang nai-ambag sa agham pang-medika sa Universidad de Salamanca at padrino ng dalubhasang pintor na si El Greco. Dahil sa maraming pilak ang naibahagi nila sa banal na Iglesia Katolika at malaking halaga ang nailuklok sa kaban ng kaharian ay hindi sila napalayas sa Espanya.
C: Hatikvah
     Ang Pag-Asa
     Sevilla, Espanya
Katiwasayan ay kanyang nahagilap sa loob ng aking yakap, ng mapansing tumahan sa paghihikbi ay niluwagan ang dating mahigpit na yakap, tuluyan na ring tumiwalag sa kanya, dahan-dahan ay tinungo ang dating upuan, muling naupo, nagdampot ang mga daliri ng isang hiwang hamon, pira-piraso ay pinupunit ito ng mga ngipin, nginunguya at nilalasap ang alat ng aking dila, pero ay minamatyagan ang kanyang pakiramdam, ng kanyang mapansin, gumanti rin ng titig, sa wakas ay dumapo ang matamis na ngiti sa kanyang namumulang labi.
“ Nagustuhan mo ba hija ang bago niyang kinalalagyan? “
Simpleng tanong ko, binasag ang katahimikang namamagitan sa amin maliban sa mga yelong panaka-naka ay bumabagsak sa bubungan, nginuso ko ang Bangang bitbit niya kanina, nakaka-agaw pansin ang mga antigong larawang sadyang inukit ng dalubhasa, ang angking kagandahan ay mistulang may buhay, nanghahatak ng damdamin at paghahaluin sa loob ng kaluluwa ang pagkakagusto at pagkatakot, mga kontradiksyong sadyang kay hirap maiwasan, kung sabagay, ang buhay ay nagiging paraiso lamang gawa ng mga kontradiksyon, kung wala ang mga ito, marahil ang kamatayan ay laging mimithiin.
Kumintab sa punas ng tuyong basahan, ipinatong ko sa mababa at maliit na mesa para masigurong ligtas sa kabasagan kung sakali mang mahulog.
Tumango siya ng pagsang-ayon, “ Kagandahan ang nabuo, bagkus ay lumitaw ng lantaran ang pagtatagpo ng magkasalungat na sining ni El Greco na mayroong madilim na kulay at ang metikulusong sining na inukit sa bangang mayroong maaliwalas na kulay.” Nag-isip muna at nanghagilap ng mga intelihenteng kataga bago nagbitaw ng salita.
Nasiyahan at naintindihan ang liberal na ideya sa likod ng sinadya kong kumbinasyon ayon sa paglagay ng isang sining na salamin ng antigong sibilisasyon ng mga Hudyo at ang sining ni El Greco sa itaas nito, ang larawan ng tagumpay ng kaisipang Kastila. Ang nais kong imungkahi, sa halip na tatadyakan palabas ng bansa ang mga Hudyong pundasyon ng kalakalan at karunungan ay mas maigi pang tanggapin sila sa lipunang Kastila, kug tutuusin ay makabuluhan din ang naiambag nila sa sibilisasyong Kastila tulad ng Kristiyanismo at ang mataas na karunungan ni Moses ben maimon sa pilosopiya, iniugnay ang adhikain ng mga Hudyo sa pilosopiya ni Aristotle.
Batid kong matalino siya, nakikita ko sa ekspresyong ng bilugan niyang mga mata. ”Hija, paumanhin lang sana, nais kong malaman ang kahulugan ng isang larawang iyan na tila ay intrikado ang pagka-ukit.” Mahinahong wika ko sabay turo sa isang malagim na larawang nakaukit sa pusod ng banga.
Pumikit at nagbuntong-hininga tila ay may sinusuri ang isipan, pilit binubuksan ang mga pahina ng kanyang ala-ala. “ Dahil ikaw ay bahagi na rin ng aking buhay, siguro naman ay hindi ko sinusuway ang tradisyon ng aming angkan na dapat lang ibahagi ang kahulugan ng bawat ukit sa kapwa hudya at hudyo lamang.” Bigkas niya pagkatapos magbukas ng mga mata dahil na rin marahil na nalalaman niya na ako ay produkto ng kaisipang Renascimiento at mayroong liberal na pananaw kaya ay hindi atubiling ibahagi ang nalalaman , dahil rin sa siya at ako ay inugnay ng nag-iisang pag-ibig para kay Gabrielle Paulito de Castellano, ang aking Unico-hijo, ang kanyang ini-ibig ng wagas. “ Mahiwaga ang bangang ito, lahat ng nakaukit sa balat ay tunay na naganap, naging bahagi ng aming malagim na kasaysayan,  nahuhulaan din nito ang magaganap sa hinaharap, ngunit ay minsanan lang lang iyan sa loob ng limang-daang taon o isang libong taon. Minsan ay pumunta ako sa tiyuhin kong Rabbi, ibinahagi ang napanaginipan kong ipinakita ng Banga sa kanyang balat, detalyado at malinaw na aparisyon – Ganap na babagsak ang Emperyong  Espanya, magagapi sa isang madugong digmaan na magaganap sa Maynila sa taong 1898 laban sa dambuhalang bansang maitatag pa sa kontinente ng Amerika – ayon sa tradisyon ang sino mang mapapakitaan ng aparisyon ng Banga ay siya ang magiging tagapagmana nito.” Huminto sa pagku-kuwento, hinigop ang mainit na minatamis na pinakuluang balat ng naranjita. Samantala ay nananatili akong tahimik, interesado sa muli niyang pagsasalaysay. “ Ang kalsadang iyan sa gilid ng Banga ay saksi sa paghihirap ng Mesaya, nilalatigo ng mga kawal ng Emperyong Romano ang kanyang duguang likod, tinatadyakan ng mga kapwa Hudyo habang nakahandusay, karga ang krus ng kaligtasan patungo sa Golgotha. Ang Pantheon sa gilid ng kalsada ay nagsisilbing kasa, parausan ng mga Guwardiyang Praetorium, lantarang nagbebenta ng laman sa pusod mismo ng banal na siyudad ng Herusalem, tila isang karayom sa paningin ng mga rebolusyonaryong Essenes ng Judea, ang kalapastangang ito ay naging ugat ng madugong pag-aaklas ng mga Hudyo laban sa Emperyong Romano, subalit ay nabigo ang rebolusyong Bar Kohkba, tuluyabg winasak ng mga Romano ang Templo ni Haring Solomon. Ang Bangang ito ang tanging natira sa gilid ng Templo, saksi sa mga gutay-gutay na mga bitukang nagkalat, pinagtataga ng mga kawal ng subukang pigilan ng mga Hudyo ang pag-giba ng banal na Templo. Ang kabiguan ng rebolusyon ay ang hudyat ng aming panibagong Diaspora, pinalayas kaming mga Hudyo sa sarili naming bayan, ang Bangang ito ay ginapang ng abuela ng aming mga ninuno, bago umalis ng Israel ay inukitan ito ng  “ Hatikvah”, ibig sabihin ay “ Pag-Asa”, baling  araw ay makakabalik din kami sa lupain ng Judea, ang lupang ipinangako sa amin ng panginoon.”  Bahagya siyang yumuko, dinampot ng kanyang tinidor ang isang hiwa ng Hamon Ayberiko. “ Pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng paulit-ulit na pangaginip mula sa butas ng Banga, nakikita ko ang milyon-milyong kaluluwa ng mga lumuluhang Hudyo, sinusunog sa loob ng tila ay napakahabang Pantheon, ang kaganapang ito ay ang hudyat n gaming pagbabalik sa lupain ng  Judea ngunit ay hindi isinaad kung kalian ito mangyayari, sa aming pagbabalik ay kamumuhian kami n gaming kapit-bansa, ang digmaan ay laging magiging bahagi n gaming almusal.”  Muling  pagsasalaysay, ngayon ay nauunawaan ko kung bakit sa lahat ng sulok ng Europa ay may mga komyunidad ng  mga Hudyo, laging biktima ng pang-aabuso, tadhana nila ay kay pait lunukin.
Kasagsagan ng tag-lamig, katapusan ng Pebrero, mabilis kong narrating ang pintuan, kasabay si Senyora Constantina Villarica, tanyag na paltera sa Sevilla, hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon, nilapita naming ang ume-ereng si Sarah Beatriz, biglang bumuhos ang malakas na ulan at may kasamang mabagsik na ihip ng hangin, kaagapay nito ay ang mabilis na pagluwal ng isang sanggol, kanyang mga luha ay biglang pumatak ng kaligayahan ng Makita ang malisog na anak, biyaya ng panginoon, agad kong pinunasan ng malinis na basang tela ang duguan pang sanggol, ako ay napaluha rin, ang mukha ng munting kerubin ay hawig na hawig ang hitsura ng aking Unico-Hijo, at ang sanggol na iyon ay ikaw, aking apo, ang karugtong ng aking buhay.
Muli ay bumalik ako sa aking katinuan, niyakap ko ng mas mahigpit ang aking abuela,patuloy niyang pinipisil-pisil ang aking pisngi, nararamdaman kong humihina ang mga tibok ng kanyang puso, pero ay andoon pa rin ang katatagan, lugmukin man ng ilang pagsubok, inalis ko ang aking ulo sa kanyang balikat, kanyang naunawaan na oras na upang kami ay uuwi na, ang namumulang sinag ay hinahatak ng araw sa pusod ng karagatan, halos araw-araw n gaming buhay ay inuubos ang buong dapit hapon sa lugar na ito, kahit bigo man ay hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa, baling araw ay darating din si ama.



                                                                           III
                                                                        Anino
Maliban sa paspas ng mga dahong patuloy hinahampas ng sariwang hanging nagmumula sa dalamapasigan at huni ng mga munting maya, nakakatanggal ng katinuan ang katahimikang umaalingawngaw sa buong kuwarto ni Catherina Beatriz de Figueroa, ipinapatugtog ang komposisyon ng “ Vangelis”, soundtrack sa napanood na makasaysayang pelikula, “1492: The conquest of paradise”, dinuduyan ng matamis na alinduyong tuwing dumadapo ang bawat nota  sa kanyang mga tenga, tugma rin sa binabasang libro ng mga dakilang konkistador, umupo sa tabi ng nakabukas na malaking bintana, tanaw ang “ Fort Nuestra Senyora del Pilar”, hinayaang dumampi ang samyo ng mga bulaklak sa matangos na ilong, sinimulan ang pagbabasa sa pang-unang kabanata “ Guhit” ng librong  “ Kuwaderno ng tadhana.” Dahil sa luma na ang hitsura ay walang nais mag-aksaya ng panahong basahin ito maliban na lamang sa kanya, naakit marahil sa antigong kulay  at ang kanyang ipinagtataka ay kung bakit laging katabi nito ang misteryosong Bangang inukitan ng mga intrikadong larawan, sa bandang leeg ay nakaukit ang salitang Hebreyo na pumukaw sa kanyang interes, may angking hiwagang tila ay nanghahalina ng damdamin.
Ang kumakapit na alikabok sa bawat titik ng pamagat ay kiniliti ang manhid niyang isipan, napilitang dukutin ito mula sa isang lumang kabinet sa tabing sulok ng bibliyotika ni – Don Miguel Gabrielle de Figueroa – kanyang ama, ang tanging apeksyonado ng libro sa Ciudad de Zamboanga. Animo ay inaanod siya ng malambot na alon ng musika, agad ay nangalahati sa pangalawang kabanata, kataga sa kataga ay madaling naunawwan ang buod ng mga talata kahit pa man ay kulay ginto na ang mga pahina at lulang-luma ang mga numero, ngunit ay tugma pa rin sa kasalukuyang riyalidad. May bangayan pa rin sa loob ng relihiyong Kristiyano na nahahati sa kay daming denominasyon, tila ay kay dami ng mukha ng nag-iisang Kristo, ang sistema ng pulitika ay tadtad ng itak ng mga intriga, ang nakapanglulumo ay mayroon pa ring mga piratang moro, nagmamartsa sa likod ng maskara ng Abu-Sayyaf, mga banal na bandidong magnanakaw ng puri, mga relihiyosong terorista, sa madaling sabi ay mga debotong berdugo, laging banta sa seguridad,mga balakid sa kaunlaran. Isa itong trahedya, hindi tuluyang nadurog ng kolonyalismo ang nakakalason nilang ideolohiya, hindi napaslang ang nakakabulag nilang paniniwala, bigo ang adhikaing Reconquista na maitarak ang makabuluhang Pag-ibig sa kapuwa, iyan ay masaklap.
Maliban sa inadobeng simbahan, mga rebultong nakabalsama sa dungeon ng mga kumbento at ang wikang Chavacano, unti-unti ay nalulusaw ang ispiritu ng kolonyalismong kastila, kumekendeng sa tugtugin ng mga imperiyalistang kano, sa kasamaang palad ay masusunog lamang ang lahat sa mapanlinlang na apoy ng dragon ng mga tsino.
Biglang napahinto sa pagbabasa, pumikit, mga pisngi ay namumula sa galit ng mabulahaw ng mga kalabog sa pintuan ng kuwarto, mabilis ding gumapang sa dibdib ang takot dahil alam niyang muling sinuway ang utos ng dominanteng ama na ipinagbabawal ang pagbabasa ng librong “ Kuwaderno ng tadhana.”  Tumayo sa kinauupuan, tangkad ay limang talampakan at anim na pulgada, maikli at iniluwal ang pusod ng suot na sanding kulay itim, kahit pinaibabawan ng itim na blazer ay hindi maiwasang lumitaw ang alindog sa pagitan ng malusog na dibdib, kita ang mga balahibong sin pino ng bulak sa girna ng cleavage, ang higit makapanuksong makamundong paningin ay ang pantalong kulay itim na yari sa seda, hapit na hapit, tila ay iginuhit ang kakatambok pa lang na  laman, masangsang man ang amoy pero ay handang suwayin ng makamundong pagnanasa ang banal na batas o batas man ng tao.
Naglakad, bitbit ang libro, naghanap ng sulok kung saan itong  ligtas na mailuklok, walang ibang mapaglagyan kung hindi ay sa ilalim ng kama, agad tinungo ang pintuan, sa maliit na butas ay sinilip muna kung sino ang nanggambala. Para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan, ginhawa ay dumapo sa damdamin ng malamang si Senyora  Natividad Darmang ang kumatok sa pinto, dati ay isang Badjao pero ay nagpabinyag sa relihiyong Kristiyano ng manilbihan sa Mansion de la familia Figueroa, mas relihiyosa pa yata kumpara sa ibang debotong katoliko, ang kaibahan nga lamang, lahat ng kumpisal ay tungkol sa kanyang karanasan sa pagtatalik – pang-una, pangalawa, pangatlo at marami pa – pabalik-balik, kahit ang pari ay naguguluhan kung papatawarin ba o hayaan na lamang masunog sa apoy ng orgasmo. May mga panahong napilitang takpan ng pari ang mga tenga, biglang napa-rosaryo ng marinig ang detalyadong salaysay sa panglimang karanasan sa lilim ng mga punuan ng saging, ikinuwento, tila ay nang-aakit kung paano siya niromansa, mula sa labi, butas ng ilong, leeg, butas ng tenga,dibdib, hita, butas ng laman at ng mabigkas ang butas ng puwet ay biglang napaluhod ang pari, ibinuhos ang isang basong agua-bendita sa ulo.
Mahabaging langit! Por Diyos y por Santo!”
Bulalas ni Senyora Natividad, lumaki ang namimilog na mga mata, hindi makapaniniwala sa nakikita, tumambad si Catherina, kitang-kita ang mga utong sa dibdib, nagmamarka sa manipis na pantalon ang giwang ng bubot na laman. Biglang napakrus ang mayordoma, natulala ng ilang sandali.
Laging kulay itim ang suot ng dalagita, lantarang inihahayag ang estilong radikal na burges-gotiko, produkto marahil ng ganoong uring pananaw , kung may tumutuligsa sa kanyang estilo ay tila walang naririnig, sa madaling salita ay walang pakialam.
Dati ay sinubukang dalhin sa isang eksibisyon ang ginugulan ng matinding pananaliksik at ng panahon ang nilikhang sining-pintura,pinamagatang “Gahasa”, ang karakter sa telon ng kanbas ay dinukot ng isipan sa malalim na antas ng kamalayan, halata ang ginamit na teknikang Chiarroscuro ng kaisipang Renascimiento sa bawat kulay, ngunit ang bawat hataw ng brutsa ay may impluwensya ng suriyalistang si Salvador Dali, ang mga pigura ay nalulusaw, gumagapang na para bang dumadaloy patungo sa malagim na kabanata ng panahong nahubog ng madugong karahasan ng medyokridad, kabakyaan ang tugmang salita, lantad ang estilong radikal na burges-gotiko, nais isaad ang tunay na sanhi ng nakaka-adik na usok ng kahirapang nilalamon ang kaluluwa ng lipunan.
Sa eksibisyon “ 2001: Milenyum ng kamalayan” biglang lumikha ng mararahas na panunuligsa laban sa kanyang sining-pintura at naging pusod kaagad ng nakakabinging pagsabog ng kontrobersya . Iginuhit sa kanbas ang natutunaw na si Santa Clara, nakalawit ang mahabang dila na tila ay may pagnanasa sa harap ng rosaryo, ang magandang hubog ng binti ay pinupuluputan ng maso at karit, nag-aanyong dambuhalang dragon ng kapitalismong nagtatago sa itim na belo ng komyunismo, ang kalahating katawan ay pilit hinahatak patungo sa mabahong kanal ng medyokridad ng mga tsino, samantala ang kalahati ay ginagahasa sa ibabaw ng nagbabagang impiyerno ng kahirapan. Subalit ang kanyang mga kamao ay nakatikom, tila ay nagdudusa sa makamundong kaluwalhatiang dinulot ng mga mapanlinlang na pangako ng mga pulitikong ganid sa kapangyarihan at kayamanan. Ang multo ng santa ay humihiwalay sa katawang tao, humihingi ng saklolo sa espada ng mga konkistador, ipinagdadasal ang kaligtasan sa limpak-limpak na salaping pinapautang ng mga amerikano.
Sa labas ng auditorium kung saan idinadaos ang eksibisyon ay nagkakagulo, nagkandabuhol-buhol ang trapiko,nakakawala ng ulirat ang ingay ng mga megafono, nanawagan ng malawakang protesta ang hanay ng mga nasyonalista laban sa kirot na dulot ng sining-pintura ni Catherina. Nabansagang posas ng kolonyalismo, iminumungkahing muling ikulong ang kaluluwa ng lipunang Pilipino sa banyagang pamamahala ng mga Kastila, sinasaad ang pagkawatak-watak ng mga pilipinong hindi handa sa matuwid na pamamahala ng bansa. Isa itong pagtatakwil sa simulain ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan mula sa espada ng mga konkistador, lalong nagliyab ang galit sa kanilang hanay sa lantarang paglalarawan sa isang bayani bilang isang makabayang huwad, nakikipagdigma para sa pansariling kapakanan, ng makamit ang minimithing kalayaan ay ibinenta ang buong kapuluan ng Pilipinas sa halagang 20 milyong dolyares sa mga amerikano, ang bawat sentimo ay inilustay sa Hong-Kong habang ang mga sikmura ng mga pobreng pilipino ay kumakalam sa matinding gutom, ang mas nakakatawag pansin ay ang bulgarang pag-guhit sa mukha ng korapsyong laging kakambal ng pulitikang Pilipino, sinasabing hindi gagalaw ang makinarya ng gobyerno kapag walang langis ng pandarambong. Sa gitna ng umiinit na kilos protesta ay sumabay ang relihiyosang mga madre, bawat kamay nila ay may nakataling banal na rosaryo, tinawag nilang “ Malditang Demonyita” si Catherina, ang likha ay isang magaspang na alikabok, pinupuling ang kanilang mga paningin. Malaking kalapastangan sa imahe ng mahal na Santa Clara, buong pusong sinalubong ang kamatayan na birhen at hindi nagahasa, nilisan ang mundo ng mga mortal ng hindi natikman ang mapanuksong orgasmo.
Mistulang isang napakalakas na lindol, dinudurog ang bawat hibla ng moralidad, ang yanig ay nararamdaman sa sulok ng mga burges-intelektwal, nakisawsaw na rin sa dumadahas na kilos protesta ang mga kawal ng Partido Komyunista ng Pilipinas, ang kuko ng dragon ay mistulang isang  “razor blade” hinihiwa ang papel de hapong ikinukubli ang kamalayang naa-agnas sa pagbabalat-kayo, maliwanag pa sa sinag ng buwan, nagkukunwaring sosyalista ang bansang Tsina, kumakapit ng mahigpit sa palda ng kapitalismo.
Hindi bingi ang mga paring Jesuita, agad dumapo sa hagdanan ng kanilang hukuman ang nagbabagang kontrobersyang halos humantong sa madugong kilos protesta, muntik ng malintikan si Catherina ng “ expulsion” sa Universidad del Ateneo de Zamboanga, iniligtas ng kanyang matibay at matalinong katuwiran, “ Malayang pagpapahayag ng damdamin sa sining-pintura para sa kaunlaran ng isipang natutulog sa bangungot ng represyon.” Salamat sa mga rebolusyonaryong nakibaka noong 1986 para bawiin ang ihip ng demokrasya at nabuwag ang bakal na kulungan ng batas militar, ang taong kanyang kapanakan, kung sakaling noong 1602 siya isinilang, tiyak sa lumalagablab na apoy ng Inquisition siya magiging abo.
Isipan ay balisa, bigo sa hangaring mahatak ang mga kritiko na pumanig sa kanyang adhikain maliban kay padre Alejandro de Maria, puso ay nalilito kung ang nararamdaman sa dalagita ay isang wagas na pag-ibig o isang pagnanasa.
Hindi inasahan ni Catherina na magkaroon ng matinding reaksyon mula sa iba at ibang sektor ng lipunan laban sa kanyang sining-pintura, napilitang tanggalin sa eksibisyon, inuwi, ikinabit sa sulok ng salang laging naliliwanagan ng ilaw ng chandelier mula sa bansang Italia, sa ding-ding ay nahanap ang mapayapang sanktuwaryo.
Laging napapa-krus si Don Migue de Figueroa sa tuwing masilayan ang sakrilihiyosong sining-pinturang ikinabit mismo sa tapat ng kanyang kuwarto, kung ilang daang beses napaluhod sa buong isang araw, mga tuhod ay nauupod, napilitang mangumpisal sa pinaka-sagradong simbahan ng  “ Fort Nuestra Senyora Del Pilar”, hiningi ang kapatawaran ng kaisa-isang anak na tila yata ay nasaniban ng kung anong uri ng masamang ispiritu.
“Magbihis po kayo ng mas maayos senyorita! May naplantsa akong  mahabang damit,     andiyan sa loob ng iyong aparador! “
Suhestiyon ni Senyora Natividad, tila ay nang-uutos, dati ay isang hamak na hardinera sa Mansion de la familia Figueroa. Noong nagdedeliriyo sa mataas na lagnat si Don Miguel de Figueroa, bumaba ng husto ang bilang ng blood platelets dulot ng Dengue Fever, milagrosong nagamot niya ito, nahikayat uminom ng pinakuluang mga dahon ng katutubong halamang dawa-dawa. Kaagad ay biglang kumalat ang usap-usapan sa mga programa sa telebisyon, nabubuhay sa mga patalastas at kumikita sa katas ng mga intriga at mga tsismis, lalong binabaon ang nakalubog na mentalidad sa kabakyaan. Sumabog na parang whistle bomb ang haka-haka sa bawat sangay ng pamahalaang sinasamba si Santo Korapsyon na may mahabang sungay. Hindi makapaniwala ang dalubhasang mga doktor, nagtaka ang mga mangkukulam na nagtatago sakuweban madilim, niyanig ang balwarte ng mga albularyong tila ay  mama-matay sa naka-kulturang inggit ng marinig ang mala mahikang gamot. Pagkatapos ng isang linggo ay gumanda ang kalusugan ng amo, tinaasan ang kanyang sahod at itinaas ang antas bilang isang Mayordoma, ang pinaka-makapangyarihang posisyon sa Mansion de la familia Figueroa sa lilim ng diktadura ni Don Miguel de Figueroa.
“ Naghihintay na po sa baba si Charlie Esquivel, ang bago mong guro sa contemporary painting, ang ipinalit kay Padre Alejandro.”
Paalala sa alagang dalagita, pumasok si Catherina sa loob ng kuwarto, tinungo ang antigong aparador na yari sa lumang kahoy na cedar mula sa bansang Lebanon, habang tinitingnan ang loob ng aparador ay biglang gumuho ang kanyang mga balikat, pakiramdam niya ay kumukundena ang duguang multo sa biglaang pagtanggal Padre Alejandro sa pagtuturo ng contemporary painting na higit pa riyan ang kanyang natutunan mula sa pari, hindi alintanang dumaloy ang naguguluhang mga luha, iniiyakan ang oras na ipinagdamot para makapiling ang minamahal na pari at ang takot na namumuo sa kanyang puso, marahil ang pagpapa-alis sa pari ay isang hudyat na nalalaman ng konserbatibong ama ang lihim nilang pag-iibigan. Pumasok sa ala-ala ang mababangis na kataga ng kanyang amang tradisyunal ang pananaw “ Ang mantsa ng kasalanang pinuputikan ang karangalan ay nahuhugasan lang ng dugo!” Bahgya ay nanginig ang kanyang mga palad, nagmumuni-muni at ang mga luha ay natutuyo, “  Pagdurusa man ang katumbas, tatanggapin ko ito sa ngalan ng pag-ibig, ang suwayin ang tibok ng puso ay katumbas na rin ng kamatayan!” Bulong ng kanyang puso, alam niyang hindi siya suwail, biktima lamang siya ng rumaragasang pag-ibig na kay hirap mapigilan kahit pa man ay bakal na pader ang babalakid.
“ Tahan na senyorita, ramdam ko rin ang pait na iyong nadarama, ang kanyang pagkawala sa oras na ito ay tila isang napakalupit na kalamidad, hinahagupit ang iyong kaluluwa hanggang sa madurog, ngunit pagkatapos ng bagyo ay laging may katiwasayan!”
Kanyang payo ng mapansing namumugto sa luksa ang mga mata ng dalgitang kakalabas lang sa pintuan kung saan ay hinintay hanggang matapos sa pagbibihis.
“ Hindi pa naman wakas ng inyong wagas na pagmamahalan, ang magkalayo kayo ng kung ilang sandali ay isang pagsubok lamang sa katatagan ng inyong pag-iibigan, heto ang liham, inabot niya sa akin pagka-tapos kong abisuhan tungkol sa agarang pagsisante sa kanya ni Don Miguel Gabrielle.”
Banggit niya, agad inabot sa malambot na palad ni Catherina ang liham, sabay kimindat at nagpukol ng mala-demonyang ngiti.
“ Maraming salamat! Akala ko ay tuluyan niya akong iwan at ang buhay ko ay lulutang sa nakakabaliw na pag-iisa, siya ay mahal na mahal ko, pangalan niya ay malalim ang pagkaukit sa aking puso, raragasa man ang tubig sa ilog, hindi nito matatangay ang aking pag-ibig, siya lamang ang aking mamahalin ng habang-buhay.”
Ganti ng dalagita, bahagyang ngumiti, halata sa ma-among mukha ang panunumbalik ng dating kaligayahan, hinalikan sa pisngi ang mayordoma na may halong kilig na tila ay nakakatindig balahibo, iniluklok sa bulsa ang liham ng nobyo.Inakbayan sa balikat ang matandang dalaga, magkasabay tinungo ang kinaroroonan ng bagong maestro, naghihintay sa sala kung saan naroroon ang malaking larawan ni – Donya Maria Beatriz de Castellano – iginuhit ng dalubhasang pintor, tanyag sa pag-gamit ng teknikang Chiaroscurro – Diego Rodriguez de Silva y Velasquez- ang naitalagang pintor sa korte ni Haring Philip IV, ang umiyak na pintor matapos inabot ang ipinintang larawan ng pinsang si Donya Maria Beatriz de Castellano na nagpasyang lisanin ang lupain ng Espanya patungo sa Nueva Espanya ng Amerika noong 1633 pagkatapos maiburol ang pinakamamahal na abuelang si Senyora Feliziana Salamanca de Castellano sa tabi ng Esposo at ni Sarah Beatriz Castellano Y Montefiore Del Cohen sa mawsoleyum ng Familia Castellano sa sementeryo ng Triana sa Sevilla, Espanya.
Mahinahon silang naglakad sa koridor, ang mahabang damit ni Catherina ay sumasayad sa mosaikong muebleng sahig. Ang dingding ay yari sa mahusay na pagkatagpi-tagpi ng mga kahoy na narra na may iba’t ibang hugis, ikinukubli ang mga lumang adobe. Nakakamangha ang magkakasalungat na mga poste, hugis kuwadrado mula sa sahig, patulis ang hugis pataas, hanggang sa magtatagpo sa taas at maghuhugis arko, ang sulok na naabot ng sinag ng lampara ay lumilitaw ang impluwensya ng gotikong arkitektura, lalo na sa mga palapag ng hagdanang bahagya ay lumiliko na para bang pa-ikot.
Mula sa pangatlong palapag ng hagdanan, kinalikot ang kanilang mga tenga ng malambot na boses ng bagong guro, kinakanta ang musikang iginuhit ng damdamin ang bawat kataga sa tula:
Cuando anochezca,
Te esperare,
quierro volverte loco esta noche,
 con la luna llena,
 te esperare,
 hoy moriras entre mis brazos,
nunca sonaste algo igual.
Let me dive in,
To pools of sin,
Wet black leather on my skin,
Show me the floor,
Lay down the law,
I need to taste you more.
Napansing dumadapo sa kanyang mga tenga ang mga mararahang mga hakbang sa likuran niya, agad napahinto sa pag-kanta na sinasabayan ng pag-pindot ng kanyang mga daliri sa lumang “keyboard” ng  antigong Piano na “ Stein.”
Natuhog ang puso, napawi ang lungkot ni Catherina ng marinig ang ikinanatang musika ni Sarah Brightman – Soprano na taga Inglatera – Punong-puno ng kaluluwa, ginising ang damadaming sentimental ng dalagita, sentimental na natutulog sa banig ng bangungot na patuloy pinapaypayan ng disgrasyadong pag-ibig. Ang masakunang pag-ibig na kailanman ay hindi ginusto, ngunit ay kusang dumating na parang magnanakaw, dudukutin, lilimasin ang lahat pati multo niya, Wala siyang kakayahang iwasan ang hatid nitong mapanuksong ligaya, inilagay mismo ang kalayaan sa loob ng sako ng magnanakaw, hinayaang tangayin ang puso patungo sa mahiwagang mundo ng pagmamahalan.
Pero ang buhay ay sadyang kay lupit, duwag niyang katahimikan nagpupumiglas tumakas, ngayon ang puso niya ay inuuga-uga ng matamis na sindak ng pagmamahal, inaalog-alog ng matinding pananabik, hinahagupit ng nakakalokong paninibugho, madalas minumulto ng pagnanasa, sa loob ng seldang mandaraya ay kusang ikinulong ang katinuan, hinayaang latiguhin ng nakababaliw na pag-ibig.
Ngunit siya ay tao lamang, sadyang nilikha para alipinin ng angking damdamin, ang tanging mayroon siya na pinag-iba niya sa antas ng mga hayop, kung kumalas man sa kadena ng pag-ibig ay parang isang panaginip na naglalaro ng tago-taguan sa ibabaw ng kamalayan ng hindi nasisilayan ng paningin, mistulang “ mirage” sa kalsada ng paliparan, kapag nilapitan at yayakapin ay saka namang maglaho. Pag-ibig sadyang kay tamis pakinggan ngunit ay may pangil ng kabangisan, ang sino mang nais lumaya sa bilangguan nito ay isang dakilang baliw dahil isang baliw lamang ang puwedeng tumakas sa riyalidad na habang-buhay ay alipin ng pag-ibig.
Malinaw ay nalalaman ni Catherina ang nararamdaman ay isang matrahedyang pag-ibig, idinikta ng damdamin sa bawat titik na isinulat sa bawat ugat ng puso, hindi kayang suwayin ito dahil ang pagsuway sa dikta ng damdamin ay pandaraya sa kaisipan, tila pagmamalupit o pangga-gahasa sa silakbo ng pagmamahal.
Marahang tinanggal ng bagong guro ang mga daliri sa ibabaw ng nagkukulay putik na “keyboard”, tumayo ng marining ang mga pinong kalampag ng mga hakbang. Nasa likuran na ang dalawa ng malingon, humakbang ang mayordoma papalapit, tinaggal ang belong nagtatakip sa mala-demonyang kaisipan, lumitaw rin ang makinis na kayumangging  balat ng mukha. Samantala ay nanatili ang dalagita sa kinatatayuan, hinayaang isayaw ng tug-tog ng hangin ang mahabang damit, bahagyang inilantad ang mahaba at magandang hugis ng mga paa.
“ Buenas tardes senyora!” “ Magandang hapon!” Sa wikang tagalog,
Bati ng ginoong guro, may kislap sa bawat titig ng mga mata habang ang buhok ay sumasabay sa alinduyong ng hangin, bahagyang nguminigt habang kinakamayan si Senyora Natividad.
“ Buenas tardes tambien! Maganda ang iyong boses hijo.”
Ganti niya sa binata, gamit ang mga salitang natununan sa wikang Chavacano, halata na ang mga mapuputing hibla ng mga buhok sa ulo, pero ay mas bata ang hitsura ng mayordoma kaysa kanyang edad, marahil ay isinumpa ng maramot na pag-ibig kaya hanggang ngayon ay nananatiling matandang dalaga o baka naman ay siya mismo ang nagtakwil sa kabuluhan ng pag-ibig dahil ay nandidiring ibigin ang tunay na iniibig, takot harapin ang masakunang araw kung kalian ang ini-ingatang katinuan ay sadyang dudurugin ng kataksilan. Isang sakrilihiyosong ritwal na hindi maiwasang mangyayari sa gitna ng wagas na pag-iibigan. Ayon sa kanya na ang puri ay naliligo sa dugo ng pagnanasa, ang nalalasap na pag-ibig ay matatawag na isang masarap na pag-ibig kapag ito ay niluto sa resipeng kinatha ng emosyon, ang mga sangkap na isinulat ng damdamin ay nabibili sa tindahan ng mga kontradiksyong nalulusaw sa sabaw ng lambing at galit, lungkot at ligaya, paglilimot at pananabik, mas lalong naging katakam-takam sa kondimiyento ng kataksilan.
“ bakit hindi ka na lang mag-asawa sa harap ng banal na dambana ng simbahan at may sagradong basbas ng Iglesia katolika?”
Minsan ay natanong siya ng paring nasa loob ng silid-kumpisalan, tono ng boses ay kinukundena ang makasalanang pakipag-relasyong ng Senyora na mismo ay ang buod ng kanyang pangungumpisal . Nakayuko, nakaluhod at taimtim na nagdarasal sa labas ng silid-kumpisalan bago sinagot ang tanong.
“ Kasi po mahal na padre, ang kasal na nagaganap sa kapilya, kathedral o simbahan ay isang lantarang pagkukunwari, ikinukubli ng mga mababangong bulaklak ng ilang-ilang na inihagis sa daanan ng mga ikakasal ang huwad nilang hangarin, sa harap ng mga nauutong madla  ay nangako silang magmamahalan ng wagas at tapat, magsasama ng habang-huhay sa hirap man o ginhawa sa ngalan ng inaabusong pag-ibig, pero ang tunay nilang hangarin ay maangkin ang isa’t isa sa bawat sandali at sa buong magdamag, magpapakasarap sa ibabaw ng kama na binabalutan ng pinagtagpi-tagping kumot, punit-punit na kulambo at saka maunawaan na ang pag-ibig ay kathang-isip lamang, agad ay buburahin ng orgasmo ng matinding pagnanasa at panunukso. Totoo lahat ang sinasabi ko, si Senyora Amanda ay biglang iniwan ang asawang naparalisa , hindi kayang tugunan ang kanyang pangangailang makapag-bigay ng ligaya sa ibabaw ng kama, hindi siya tapat sa sinumpaang pangakong magsasama sa hirap man o ginhawa sapagkat ang nais niya ay hindi pag-ibig kung hindi ay sekswal at rumaragasang pagsasambulat ng kaligayan sa mukha!”
Muntik mahimatay ang pari ng marinig ang tila ay mga salitang hinipuan ng masamang ispiritu mula sa bibig ni Senyora Natividad, agad lumabas ang pari, naglakad ng nakaluhod patungo sa banal na dambana, kinukundena ng kaluluwa ang mga narinig, isinusumpa at dinadalangin na sana ay hindi na muling babalik at pangumpisal ang matandang dalagang nabubulag sa matinding sekswal na pagnanasa, kahit litro-litrong bleaching soap ang ipaligo ay hindi kayang paputiin ang kanyang maitim na kaluluwa.
Nilingon, bahagyang tinanguan, “ Halika” malumanay ang pagka-bigkas, malambing na inakbayan , inilambitin ang kamay sa beywang ng dalagita habang patungo sa kinaroroonan ng guro. “ Heto nga pala si Catherina Beatriz de Figueroa, magiging estudyante mo sa kontemporaryong sining ng pag-pinta.” Ngumingiti habang pinapakilala ang dalagita sa gurong may limang talampakan at pitong pulgada ang tangkad,hindi masyadong payat, hindi tulad ng ibang mga pintor,nag-aakala na ang mamatay sa gutom ay isa pa ring uri ng sining, namumulang tsokolate ang kulay ng buhok na hanggang balikat, makinins ang maputing mukhang tinutubuan ng manipis na balbas at bigote, ang suot na puting t-shirt ay may naka-imprintang nagbibirong karikatyur ng Kentucky Fried Chicken, sa ibaba ng logo ay may nakasulat  “ Huwag sanang gawing sabaw ang gravy.”
Nginitian muna ang dalagita, “ Que tal?  Charlie Esquivel, mi nombre.” “Kimusta! Charlie Esquivel ang aking pangalan.” Sa wikang tagalong.
Hindi atubiling nagpakilala, binanggit ang apeliyido kahit may lahing kastila ay hindi marangya ang sinimulan ng pamilya ngunit ay tanyag sa larangan ng sining ng pag-likha, inilagay ang kamay sa ere, nagbaka-sakaling kakamayan ng dalagita bilang tugon sa maganda niyang hangarin
“Muy bien tambien! Maestro!” Ganti ni Catherina, sarkastika ang tinig ng boses. “Mas mabuti! Maestro!” Sa wikang tagalong, nanunulis ang nagtatagpong mga kilay, animo ay mga manok na madugong nagsasabong, mga dugo nila ay walang tigil sa pagtatagas mula sa mga gutad-gutad nilang katawang nahiwa ng lanahang napaka-talim. Ang mga dugo ay namimilog, mga putol na paa pati ang mga duguang bituka ay nagkalat sa entablado. Sadyang kay saklap ng riyalidad sa lipunang ito, bago magbukang-liwayway ay si tandang na ang hinihimas, hindi baling walang makain si bunso basta ang manok ay may tutukain, hindi baling manigas ang sakahan basta si tandang ay may maiinom lang, nangutang pa sa gilingan ng bigas, kahit ang tubo ay hanggang ulap an gang lutang, isinugal sa sabungan, doon ay natagpuan ni tandang ang kanyang kamatayan, umuwi ng talunan, tadhana ng pamilya ay tatahakin ang mapait na kapalaran.
Nagsusungit ang kanyang pagmumukha, hindi dahil sa katauhan ng guro kung hindi ay dahil sa pakay nitong bayolenteng pagtatagain ng kampilan ng kontemporaryong sining ng pag-pinta ang tinta ng radikal na burges-gotiko na iginuhit ng kutsilyo sa loob ng kanyang katinuan.
Ito marahil ang mabisang paraang naisip ni Don Miguel upang masugpo ang nangingibabaw na estilo ng sining sa kaluluwa ng kaisa-isang anak, kungsabagay ang isang ideya ay nadudurog lamang ng isa pang ideya na higit pang nakakamatay kaysa bala. Siguro ay magtatagumpay sila ni Charlie, mahikayat ang dalgitang burahin ang kadena ng radikal na burges-gotiko at hindi na muling makapag-likha ng isa pang maeskandalong sining-pintura, tulad ng “ Gahasa.”
“ maiwan ko muna kayong dalawa at ako ay magluluto pa ng lasagna.”
Pamama-alam ng mayordoma, napapansing napahiya ang guro ng pagsusungit ng dalagita, tumangging kamayan ang binata, umupo ang dalawa saisang mahabang sopa sa gitna ng malawak na sala.
Samantala ay nagmamadali si Senyora Natividad patungo sa kusinang hiwalay sa Mansion de la familia Figueroa, may kaliitan ang kusinang may dalawang matutulis na tambucho, subalit ay kumpleto sa sari-saring kagamitang pang-kusina, maayos ang pagka-balangkas. Sa magkabilang gilid ng munting kalye patungo sa kusina ay ang hardin ni Don Miguel Gabrielle, ipinagtaniman ng mga rekados tulad ng basil para sa salsa pomodoro, oregano na pampa-tanggal ng lansa ng mga isda, rosemarina para sa estofado at saffron para sa paella.
Sa ilang saglit lang ay agad narrating ang loob ng kusina, kinuha ang giniling na karneng baka, iginisa muna sa bawang at sibuyas, inihalo ang hiniwang chorizo at carrots, naglagay ng kaunting celery, kalahating basong redwine, kaunting asukal,asin, paminta at inihalo ang ginawang salsa de tomates hanggang sa lumapot at tila ay natutuyo, inilagay sa baking dish na may pasta lasagne sa ibaba, at nilagyan ng kesong mozzarella sa taas na may halong dahon ng basil para mas maging mabango. Inilagay sa loob ng oven na may init na 300 degrees, sa pagdating ng Don, tiyak na puwede na itong hugutin mula sa loob.
Ito ang paboritong pagkain ni Don Miguel de Figueroa, ang may pinaka-malawak na Hacienda ng niyogan, ang padrinong nilalapitan ng mga pulitiko, oposisyon man  administrasyon pero ay iisa ang kulay ng kanilang kurbatang ibinurda ng korapsyon, nangungutang ng malaking halaga ng salapi kapalit ng proteksyon. Malaking salapi rin ang nai-ambag ng Don para pigilan ang tuluyang pagka-agnas ng wikang Chavacano na unti-unti ay namamatay sa dayariya ng imperyalismo. Ang sampung por siyento ng ganansya ng Hacienda ay napupunta sa pundasyong itinatag ng kanyang may-bahay – Donya Maria Michaella de Figueroa – tinutulungan ang mga maralitang nilalang upang makapag-aral, tanging sandatang makapag-sugpo sa kriminal na kahirapan. Ang pangulo ng pundasyon, Charlie Esquivel, nagtuturo ng sining ng pagpinta sa mga kabataan, ditto siya nakilala ni don Miguel Gabrielle.
“ ang nararamdamang pag-ibig noong 10,000 B.C. ay ganoong pag-ibig pa rin na mararamdaman sa 10,000 A.D. sapagkat ang kaluluwa nito ay hindi napapalitan o mapapalitan. Tulad ng sining ng pag-pinta, ang hangarin ng pintor noon, ngayon at bukas ay iisa, ang maipinta ang tunay na saloobin sa mga bato, sa telon ng kanbas at kahit sa salawal, sapagkat ang kaluluwa ng sining ay walang kamatayan.”
Bigkas ni Charlie, tinitingnan ang mga daliring may nakadikit pang pinturan langis,isinandal ang likuran sa sofa, dinukot ang lapis sa bulsa.
Bahagyang ngumiti, nagustuhan ang talino ng guro, intelihente ang uri ng biro, napansing mas matanda ang isipan kaysa edad, 25 o pataas pero ay hindi hihigit sa 30,  kanyang tantiya.
“ Dahil nabanggit mo na rin ang tungkol sa sining. Ano nga ba ang kahulugan mo ng contemporary painting?”
Direktang tanong sa guro, parang sinusukat ang lawak ng nalalaman, abala sa pagbura ng pintura sa daliri.
“ Ang lahat ng sining na ipininta sa kasalukuyan ay matatawag na contemporary painting, ang “ Spolarium” ni Juan Luna ay kontemporaryo sa kanyang kapanahunan, ganoon din sa “Guernica” ni Pablo Picasso at siyempre ang iyong “ Gahasa”  na may malalim na adhikain.” Paliwanag niya sa dalagitang ngumiti ng mabanggit ng guro ang nilikhang sining-pintura. “ Ang isang pintor ay sadyang nilikhang may kakaibang adhikain sa ibang pintor, makabuluhan para ang mundo ay maging isang ganap na paraiso, umiikot sa harmony ng magkakasalungat na kulay, damdamin at paniniwala, ang bawat larawang ipininta ay ang pinaka-matayog na ekspresyon ng kanyang kaluluwa, ang bawat karakter ay ang piraso ng kanyang pagkatao na sa kanbas ay iginuhit at inihahayag dahil sa totoong buhay ay takot siyang mahusgahan, ang tao ay sadyang nilikhang mapang-husga na ang mga mata ay nakapiring.”
Muling nagpukol ng mga kataga, nagbuntong-hininga,panatag inihimlay ang batok sa sandigan-ulo ng malambot na sofa,inikot ang paningin sa sala, mistula ay nang-hahagilap ng mga kataga sa sariwang hanging panay ang ihip na may dalang notang kay sarap yakapin.
Tumango-tango lang si Catherina, nakagaanan na ng loob ang bagong guro, sa wari niya ay isa ring rebeldeng intelektwal, hangarin ay gagapiin ang nangingibabaw na mentalidad sa lipunan na tila ay kay hirap burahin dahil sa matinding komersiyalismo, kahit bakya basta mapagkakitaan ay isinusulong ng mga negosyante, at iyan ay nakakalungkot.  “ excuse me! “ Paumanhin ni Catherina bago tumayo, “ Mas maigi yata ang ating makabuluhang talakyan kapag may musika na ang bawat melodya ay nilikha ng musikerong nais tumakas sa riyalidad at sa ibabaw ng bawat nota ay mahimbing na matutulog, sa ganitong paraan ay hindi niya makikita ang pait na ipininta ng karukhaan sa buto ng  mga nagugutom.” Kanyang suhestyon sa guro.
“Go on, kung ikabubuti  ng ating konbersayon.” Matipid niyang sabi, nagkibit balikat ng pagsang-ayon, ngumingiti ang mga mata. “ Gregoroan Chant!” muling suhestyon ng dalagita, tinatantiya ang ekspresyon sa mga guhit na nasa gilid ng mga mata ni Charlie. “ Enigma: return to innocence, maganda ang pagkalikha ng musikang iyan, ini-ugnay ng melody ang tenga ng imahinasyong nakikinig sa hinga ng kalikasan.” Banggit niya, pero hindi ito nangangahulugang ayaw niya sa musikang binanggit ng dalagita, bagkus ay gusto niya ring margining ito, hindi nga lang ngayon dahil ang tinig nito ay tila klasikal, nag suhestyon na lang ng isang musikang nahuhulog din sa ilalim ng ganoong “ musical genre” na may hiningang gotiko at tugma sa kontemporaryong kapanahunan. “Ok!” maikling bigkas na walang pagtu-tutol, pero nagbubulong ng mahinang kanta habang naglalakad patungo sa “CD player”, nasa tabi ng lumang Piano. “ Batay na rin sa iyong sinabi kanina, nangangahulugang isang kalapastangan ang ihulog sa isang “ art genre” ang nilikha ng isang pintor sa kanyang kanbas at pagkatapos ay babansagang Classical Realism, Dadaism, Expressionism o Surrealism.” Bigkas ng dalagita, konklusyon batay sa naunawaang mungkahi ng guro habang hinahagilap ng mga daliri ang disc ng enigma, gumagapang sa libo-libong koleksyon ng mga “CD”, organisado ang pagka-ayos ayon sa “ musical genre”, mula sa klasikal na Wolfgang  Mozart  hanggang sa heavy metal na bandang Megadeth, kasama pati na rin ang pilipinong bandang Wolfgang. Samantala ay hini-hele ang kanyang buhok at mahabang damit ng malambot na musika ng mga pipit na nakahilera sa sanga ng punuang santol. Ang matutulis nilang huni ay tinutusok ang lobong intelektwal sa pagitan ng dalawa. “ Tugma ka diyan! Ang mga “ism” na ikinakabit sa bawat sining pintura ay imbensyon lamang ng mga kritiko, mga nagpapanggap na may malalim na pagkaka-unawa sa likha ng pintor, mismong pintor ay hindi lubos mauunawaan ang kanyang nililikha dahil siya mismo ay dayuhan sa kanyang pagkatao, kaya ang “ism” ay lalong umaasim tuwing nag-aaklas na ang bawat hataw ng brutsa.” Sarkastikong pagkabigkas ng guro, nag-aalsa ang damdaming nagagalit sa mga “ism” ng mga dekadenteng kritiko, mga huwad na taksonomista ng sining, brutal na kinakabitan ang likhang idinidikta ng emosyon sa mga hibla ng brutsa ng isang pintor.
Abala pa rin si Catherina sa paghahanap ng “CD” ng Enigma sa “CD rack”, katabi mismo ng “CD”  player. Ang tela ng kanyang damit ay idinidikit ng ihip ng hangin sa kanyang balat, hindi maiwasang ilantad ang magandang hubog ng katawan, mahahaba ang hugis kandilang mga daliri sa kamay at paa, kina-iinggitan ng mga malalanding binabae sa kanilang Universidad, tila ay mga nakapag-LSD, binabangungot ng masamang alusinasyong nais ring humaba ang mga daliri. Para makamit ang nais nila ay bumili ng “ Growth Balls” sa walang puring parmasya ng tsino, subalit ang naging resulta ay karumal-dumal pagkatapos mainom ng kung ilang linggo ang “ Growth Balls.” Si Pancho Revilla, nagwaging “Miss Gay Zamboanga 2001” ay mangiyak-ngiyak, tila ay isinumpa ni Maria Magdalena, ang mga mata ay lumaki ng husto, parang nais lumundag mula sa mga eye socket, lumubo rin pati ang mga tuhod, parang dinapuan ng rayuma. Si Edwin Dominguez, laging laman ng “ Gay bar”, una ay natuwa sa akalang nabuntis ng nobyong “call boy” ng lumubo ang tiyan na naging sanhi ng pagtatakwil sa kanya ng sariling  ama, kaagad ay napahinto sa pag-aaral hindi lang dahil sa lumubo ang tiyan na parang pinipugaran ng libo-libong parasitikong bulate ay lumobo rin pati ang pagmumukha.
Matapos maidaing ni Panco Revilla sa mga taga “ Media” ang lapastangang paglabag ng “ Growth Balls” sa kanyang karapatan bilang mamimili, sumiklab na parang bomba atomika ang nagliliyab na eskandalo, ang “ radiation” ay agad kumalat sa mga magasin at mga diyaryo, lantad isinulat sa harapang pahina ang kahindik-hindik na resulta, “ Growth Balls : Grow your Balls.”
Sa isang pahayagan ng mga anarkista at mga marksista ay isinulat sa pangalawang pahina ang puspusang panunuligsa sa kanser ng kapitalismo – Pancho Revilla, “ Miss Gay Zamboanga 2001” Diyosa ng mga Venus, kawawang biktima ng komersiyalismo- ang balita ay agad nakarating sa buong organisasyon ng mga anarkista, tinututulan ang ano mang uri ng pamahalaan. Agad nagpatawag ng malaking pagpupulong-pulong, mainit ang naging talakayan, nagbabaga ang mga emosyong binulag ng balita, mga mata nila ay nagdidilim sa galit, sobra-sobrang galit, umaapaw ang init ng galit, hanggang nauwi ang lahat sa malawakang protesta, sabay-sabay nagsi-tayuan, ang manipis na hilera sa gitna ng kinalbong ulo ay nagsitayuan din sa libo-libong boltaheng kidlat ng kanilang galit, sinugod ang parmasya, ang bawat kalyeng nadaanan ay mistulang kalsada sa kapanahunan ng “ Bolshevik Revolution” noong 1917 sa bansang Rusya, lalong umiinit ang namuong tension at humantong sa madugong “ riot’, nakipag- batuhan ng mga matutulis na mga bato ang mga Molotov cocktails laban sa mga kriminal na pulis, nakipag-suntukan sa mga humaharang na mga dati ay may ari ng mga malalaking tindahan at ngayon ay naging mga side-walk vendors, nabangkarote ang mga negosyo dulot ng “ Baclaran Chinese Smuggling.
Ang dala nilang malaking karatula ay may radikal na slogang nakasulat, “ DEATH TO WTO!”, tila ay nabubulag at napi-pipi sa tunay na sanhi ng agarang pagbulusok ng ekonomiya. Nakipag-barilan ng sumpak sa mga bumabarikadang mangga-gawang nawalan ng trabaho dulot ng pag-baha ng mga mumurahing produktong galing ng bansang Tsina, payapang nai-pasok sa local na merkado dahil sa tamis ng korapsyon,pinapaslang ang lokal na mga industriya, ang malaking telong kanilang dala ay pulang-pula sa nagbabagang damdamin ng rebolusyon, punong-puno ng galit ang slogang nakasulat, “ DOWN WITH U.S. IMPERIALISM!”, bingi sa mga usap-usapan sa mga pansitan sa Chinatown “ Piringan lang ng magandang mukha ng salapi ang mata ng mga opisyal ng gobyerno ay tiyak na makaka-puslit ang mga illegal na produkto.” Nakipag-kulaman sa mga nanghahadlang na mga magsasakang nabubulok sa loob ng mga sako ang mga panindang gulay, hindi naibenta dahil ay mas mura ang mga gulay na ipinuslit ng mga walang habag na mga tsinoy mula sa Tsina, isa-isang dinudukot ang bawat butil ng bigas sa bituka ni Juan de la Cruz. Ang dala nilang karikatyur ni “ Maria Makiling”, sa dibdib ay may nakasulat, “ NO TO SEMI-COLONIALISM, NO TO SEMI-FEUDALISM, NO TO BUREAUCRAT CAPITALISM!”  nagmumukhang hilong talilong, hindi namamalayang ang pagtataksil ng mga tsinoy sa naghihingalong ekonomiya, lalong pang binabaon hanggang ang lahat ay titirik ang mga mata dahil sa matinding kahirapan, unit-unti nilang kinakadena ang kaluluwa ni “ Malakas” sa buntot ng diyos-diyosan nilang dragon.
Dumadagundong ang malalakas na mga sigaw, patuloy binabaktas ang makipot na kalsada tungo sa parmasya ngunit ay nabigo sila, bigong-bigo, pumanaw na pala ang tsinong nagbenta ng “ Growth Balls”, inatake ng sakit sa puso, pinilit ng kalaguyong “ call boy” na lumamon ng limang tabletas ng “Viagra” galing Tsina. Kung ilang minuto ring ginapang ng kanyang mga daliri mula sa taas, gitna, ibaba at gilid ng “CD rack” bago makapa ang “CD” ng Enigma, naipit sa pagitan ng “CD” ng “Within Temptation” at “CD” ng “Enya”. Dahan-dahang hinugot mula sa kinalalagyan, tinanggal ang maliit na plaka, makinis at makintab ang kulay nitong metalik, mula sa pulang kahang may larawang puting “Unicorn.” Para maiwasang magasgas ang plaka, delikado at sensitibo sa mga alikabok, maingat ipinasok ang pang-gitnang daliri ng kaliwang palad sa maliit na butas na nasa gitna. Nagmatyag, bitbit ng daliri ang plaka, tiningala muna ang “CD player” na medyo ay may kataasan ang pinag-patungang mesa, dulo ng buhok niya ay bahagyang dumampi sa bahaging scapula, bago pindutin ang “ button” ng “CD IN/OUT. Awtomatikong lumabas ang kuwadradong platito, inilagay ang plaka at muling pinindot ang “button” ng “CD IN/OUT”, ng ganap na pumasok ang kuwadradong platito ay saka pinindot ang “ Button” ng “PLAY.” Bahagyang nalaglag hanggang siko ang mahabang “ sleeve” ng braso, lumitaw ang maputi at balbuning balat, tumingkad ang kinis, namumula sa sinag ng magtatakip-silim na araw. Ang ama niya ay may dugong kastila at ilonggo, ang ina ay may lahing napolitana at dumaguetenyo, sa madaling salita ay puting-puti an gang mestisang balat ni Catherina, hindi maiwasang maging pusod ng masakunang inggit ng mga kareristang kababaihang nakaupo sa loob ng malamig na opisina, animo ay mga bampirang takot masinagan ng nakakasunog-balat na araw, ng mga kababaihang takot tanggapin ang kahirapan at nagpa-saklolo sa latinong tele-seryeng “Mari-Mar”, ng mga kababaihang lalong naging depresibo dahil sa pagbabasa ng mga magasing pangkagandahan na ang pakiramdam nila ay lalo silang pumapangit at ng mga kababaihang tinatakwil ang maganda nilang kulay kayumanggi, tila bang kinamumuhian. Lahat ng paraan ay kanilang ginawa at gagawin para pumuti, kulang na lang ay gigilitan at ibaliktad ang talukap ng kanilang balat, laging nagbabaka-sakaling pumuti at pagpi-pilahan ng mga kalalakihang bolero, durugista, macho at kasali ang mga hayok sa laman. Gawa marahil ng krisis pang-identidad, patuloy binubulag ang mga isipan, nililito ang mga kamalayang nangangapa sa dilim, walang tigil sa paghahanap ng kanilang tunay na pagka-tao, hanggang masuklam sa sarili nilang balat. Lumakas ang bentahan ng mga sabong pampa-puti kaysa bigas, kadalasan kinukulang ang suplay sa merkado kahit may naka –kabit na naka-iiritang pangalang “ MARS EXTRACT”, nakaka-diring “ LIVER EXTRACT” at nakaka-sukang “HUMAN FETUS EXTRACT”, ngunit ay nauubos dahil marami ang nahuhulog sa matamis na mga kataga ng mga mananalastas, kahit nakaka-baliw ang pangakong “ WHITEN YOUR SKIN IN JUST 360 DAYS : SO SPEND MORE”, ibig sabihin ay dagdag gastos at oras na nilalapastangan sa loob ng banyo. Nag-halo ang melodyang banayad ng “ Return to innocence” ng Enigma sa mga nota ng paspas ng mga dahon at cuerdas ng huni ng mga pipit, nagkakaroon ng harmonyang inaanod ang dalagita tungo sa kapayapaan. Bawat sulok ng sala ay tila nagkukubli ang mga anghel, malalambot na mga boses ay ibinubulong ng nagli-liitang “speaker” ng “BOSE.” Ang naka-sayad na damit ng dalagitang pabalik sa dating inuupuan ay hindi alintana ang kislap ng mga aninipot, nagsibalikan sa dambuhalang punuan ng santol. Ang isipan ay tinutusok ng mga prgresibong kataga ni Charlie, nagliliyab laban sa karayom ng medyokridad ng sining na kumakapit sa komersiyalismo, ngunit sa tingin niya ay tamang kutyain ang mga “ism’ , ikinabigt ng mga dekadenteng intelektwal. “ Anong uri naman ng sining ang maituturo mo? Sa mundong ito, lahat yata ay may klasipikasyon at hindi maiwasang pagkaka-bitan ng “ism” ang mga bagay ayon sa tugmang batayan. Prangkang tanong, naglalahad ng paniniwalang kritikal, nagkibit-balikat, nameywang ang isang palad at ang isa ay nakatihaya sa ere, ibig sabihin ay kumpiyansang ipakita sa kaharap ang tunay na pagkatao dahil sa mataas ang tiwala sa sarili. Nais malaman ang saloobin ng guro. “Mas maigi kung maibahagi ko sa iyo ang aking nalalaman at maibahagi mo rin sa akin ang iyong nalalaman, sa ganitong paraan ay madali nating malaman ang kumbinasyon ng tunggalian ng ating pananaw para sa karagdagang kaalaman.” Direktang sagot, naglatag ng mas liberal na konsepto ng pagtuturo, kakaiba sa tradisyunal na panunuro sa loob ng silid-aralang kinukulong ang mga estudyante sa diktadurang hawla ng guro. “ Sa susunod kong pagpunta rito ay ibahagi ko sa iyo ang aking sining, nilikha batay sa mga napulot na mga dahong punit-punit, lumang sanga sa kagubatan, lumang diyaryo , mga tansan at plastik na nagkalat sa kalsada. Mas mabuti kung iyong makita at madaling maunawaan ng iyong damdamin.” Muling saad, naintindihan ng dalagita ang nais imungkahi ng guro tungkol sa kumbinasyon ng tunggalian ng mga paniniwala, isang marksistang pananaw, pero hindi siya sang-ayon sa paniniwalang makamit ang perpeksyon dulot ng di maiwasang tunggalian, dahi sa mundo ng tao ay walang perpeksyon maliban sa numerong “ZERO”, nag-isip muna ng malalim bago nag-salita. “Ok! Abstract painting na kumalas sa konbensyonal na batas ng sining.” Banggit ng dalagita. “ Neo-Dada yata ang estilong iyan kung hindi ako nagkakamali.” Muling nagsalita, tinutukoy ang estilo ng nilikhang sining ng guro, naa-ayon sa nabasang artikulo tungkol kay Robert Rauschenberg, ang lumikha ng “CANYON” na may ganun ring estilo, mahusay na idinikit sa kanbas, parang isang “collage” ang mga napulot na lapis, papel, pintura ,salamin at iba pang materyales. “Marahil ay hindi!” Salitang may pagtu-tutol. “ May sarili akong estilo, ayaw kong ibatay ang dikta ng aking damdamin sa estilo ng ibang pintor.” Muling nagsalita, napansing alas siyete nap ala ng makita ang oras sa antigong relong ikinabit sa ibabaw ng lumang Piano. “ Well! It is a pleasure to meet you Miss Catherina Beatriz de Figueroa, I guess it is time for me to go, kung may oras ka mamaya, may exhibit ang mga pintor sa Ristorante Classica Chavacana ni Chef Angelo, subukan mong pumunta, mahuhusay ang mga sining-pintura nila.” Marahang tumayo, kinamayan si Catherina, maginoong nagpa-alam at nag iwan ng isang imbitasyon. “ Sure, kung may oras ako mamaya, tiyak na makakarating ako sa exhibit, mas mabuting makita ang ibang obra para sa ikakalawak ng kamalayan, maraming salamat sa imbitasyon!” Tumayo rin ang dalagita, nawala ang sungit sa mukha, kinamayan rin ang guro sabay halik sa pisngi, gumanti rin ng mahinhing halik ang guro sa pisngi ni Catherina. Nilingon muna ni Charlie ang pintuang may sampung talampakan ang taas, dalawang metro ang lapad, sa ibabaw nito ay may lumang kuwadradong kahoy ng apitong, inukitan ng “ Mansion de la familia Figueroa , desde 1640”, gamit ang mga titik hango sa lumang alpabetikong ingles. Maiging sinuri ang ipinintang larawan sa kanang bahagi, antigo, dalubhasang iginuhit ang mga imortal na adhikaing dumadaloy sa nakakatuhog na mga mata ng isang konkistador. Ang anyo ng maputing mukha ay larawan ng kahigpitan, ipinatupad ang mahigpit na batas ng kolonyalismo, nakatayo sa lilim ng niyog, hawak ang malaking krus, sa likuran ay ang mga tauhang pumanaog mula sa Galleon, naka-ankorahe malapit sa dalampasigan, sa ilalim ng pintuan ay inukitan din ng “ Don Juan Miguel de Figueroa: Conquistador del Zamboanga”. Samantala sa kaliwang bahagi ay may madilim na larawan, iginuhit ang madugong labanan ng mabuti laban sa masama, ang Arkanghel na may ginintuang buhok, pak-pak na binuo ng mga balahibo ng puting kalapati, pusong kumikislap ng paghihiganti sa dibdib, ang dalang espada ay pinupugutan ang demonyong may patalim na kris, maitim ang matulis na pakpak, tulad ng paniki, may buntot ng pagi, ang dumudugong putol na ulo ay sinusunog sa naglalagablab na sulpuradong apoy ng impiyerno. Tumalikod at iniwan ang pintuan ng masiyahan sa nakitang mga larawan, binaktas ang mubleng kalsadang may nakatayong poste ng mga lampara, tuluyang iniwan ang mansion de la familia Figueroa na may dalawang torreng matutulis sa magkabilang gilid, ngunit ay mas mataas ang bubungang naghuhugis arko ng mismong mansion. Kinuha ang bisikletang itinabi sa bakod, nasa harap ng dalawang malalaking rebulto ng kabayo, ngumingiti habang nagmamaneho,nasiyahan sa hindi karaniwang karunungan ni Cahterina, alam niyang may matutunang mga bagong ideya mula sa dalagita, sa wari niya ay may mataas itong antas ng talinong ikinukubli ng mahinhing galaw at maamong mukha. Sa ilang saglit ng pagmumuni-muni ay agad narating ang maliit na estudyo kung saan iginuhit ng kanyang damdamin ang emosyon sa ibabaw ng kanbas.  
Octobre 15, 2001 A.D.
Catherina,
Amor del mi alma,
Solamente un minuto se no puede mira mis ojos contigo, mas bueno accepta el dulce muerte. El mi vida como dentro del jaula sin rejas, pero lleno del tristeza dentro del un mil anos del soledad. Quierre queda loco el mi pensamiento se no hay te serca del mi costado. Ahorra, este Corazon ta saborya el amargo del suffrimiento, tan sangre, solamente el tuya presencia el cura. Quierre yo mira contigo afuera del Cathedral de la Immaculada Concepcion, alas-nueve del noche.
Ama contigo hasta cuando,
Con beso,
Alejandro de Maria.
Catherina,
Pag-ibig ng aking kaluluwa,
Sa isang minutong hindi ka nasisilayan ng aking mga mata, mas maigi pang tanggapin ang tamis ng kamatayan. Ang buhay ko ay parang nasa loob ng kulungang walang rehas, puno ng kalungkutan sa loob ng libong taong pag-iisa. Ngayon, ang puso kong ito ay nilalasap ang pait ng pagdurusa, dumudugo, tanging ikaw ang gamot. Gusto kitang makita sa labas ng Cathedral de la Immaculada Concepcion, alas-nuwebe ng gabi. Mamahalin ka ng habambuhay, May kasamang halik, Alejandro de Maria. Hindi namalayan ng nagma-manhid sa kirot ang pisnging dinadaluyan ng mga luhang umiitim sa latigo ng pag-iisa, pakiramdam niya ay tinutusok ng mga karayom ang pusong tila ay natutuyuan ng dugo, tila ginagapos sa kadena ng matinding pag-durusa matapos mabasa ang liham, ang mga kataga ay isinulat ng tintang umaapaw sa wagas na pagmamahal. Kahit malamig ang buong kuwarto ay nag-aapoy sa init ng pananabik ang katawan ng dalagita, hinahagkan ng mapupulang labi ang lagda ng nobyong lubusang minamahal, inilagay at idiniin sa dibdib ang liham, pinapakinggan ang tibok ng delikadong pag-ibig. Pinatuyo ng perfumadong panyolito ang mga luha sa pisngi, marahan ay naglakad patungo sa higaan, inurong ng marating, yumuko, tinanggalan ng muebleng takip ang ginawang butas, niluklok, halos puno na sa mga ipinadalang liham ni Alejandro, kasabuwat ang mayordoma. Ang sabuwatang sinisisid ang kalaliman ng lihim, binubuo ng mga matatamis na pangarap, ikinukubli na parang tinotosino, sumasarap sa kumpletong sangkap ng masangsang na amoy ng kapangahasan at ng maanghang na kapusukan. Sa gitna ng maingat na paglagay ng higaan sa dating lugar ay ginulantang siya ng sunod-sunod na “ring” ng telefonong selyular sa ibabaw ng mesang malapit sa bintana, alam niyang hindi ito galing sa nobyo ang mga “ text messages”, napagusapan nilang hindi gagamit ng ganitong telekomyunikasyon, bukod sa madali nitong maibunyag ang lihim nilang pag-iibigan ay napaka-impersonal ng relasyong iniugnay ng mga “ text messages”, pinapaslang ang kaluluwa ng panitikan, tinataga ng samurai ang kabuluhan ng liham na isinulat ng puso, dinudukot ang karapatang pribasidad. Mapait man ang lasa ng riyalidad na hinubog ng makabagong teknolohiya ay sadyang lulunukin ang hindi mapigilang ragasa ng rebolusyong pang-impormasyon. Sa pagitan ng anino at multo ng rebolusyon ay isinilang ang mga makabagong katagang “Hu U?”, “Heto na me!”, marahas na pinupunit ang banig ng sining ng pagsusulat, “Me 2 Me!”, “Mommy 2 daddy me!”, at marami pang nakakatanggal katinuang mga “ me”, parang isang platong mami, napapanis sa mga mesa ng gotohan, basahin ay nakakabaliw, animo ay nagpapaka-matay ang panitikang binabangungot sa walang kabuluhang mga kataga. Agad tinungo ang mesa, dinampot ang telefonong selyular, binasa ang mga “ text messages”, “ Grl andito na me, k@s@m@ ang mommy at daddy mo”, “ masarap na lengua estofado, niluto me”, “ tara na, ma!n!t ang $abaw, me din ang nagluto.” Mula kay Senyora Natividad, lumingo-lingo ang dalagita sa nabasa, nagtataka kung bakit pinapahirapan ang mga mata sa pagbabasa ng mga “text messages”, puwede namang “a” sa halip na “@” ang ilagay, puwede namang “ ako” at hindi na lang “me”, nagtungo sa antigong aparador, namili ng damit panghapunan at saka nagbihis. “ Todo bien hija!” Malambing na tanong ni Donya Maria Michaella de Figueroa sa wikang Chavacano – Lahat ba ay mabuti anak!” sa wikang tagalog – pero ay may tonong dumagetenya, malumanay, habang niyayakap at hinahalikan sa pisngi ng anak, nadatnang nakaupo sa mahabang mesang pang-hapunan,”Si Mama!” “Opo Mama!” magalang na sagot ng dalagita, dahan-dahang kumalas sa pagka-yakap, tinungo si Don Miguel Gabrielle De Figueroa, naka-upo sa gitnang bahagi ng mesa, katabi ng asawa. “ Is there someone special ?” Tanong ng ama ng naamoy ang samyo ng pabangong ‘BVLGARI’, ipinahid ng dalagita sa kanyang mapanuksong leeg. Ngumiti ang ina ng napansing biglang namula ang pisngi ng Unica-Hija dahil sa mapanuring tanong. “ Nada Papa!” – “ Wala Papa!”, sagot niya, matapos mayakap at mahalikan ang ama, ang kaba ay biglang kumalabog sa dibdib, pilit umupo ng kampante, maingat ang pagbitiw ng bawat salita, tinatakpan ng maitim na belo ng kasinungalingan ang lihim sa harap ng mga magulang. Unang inilapag ni Senyora Natividad sa hapag ng mesa ang tatlong malilit na “bowl” , tradiyunal na “sopa de Castellano”, ang resipe ay nilikhang masiyasat at mismo ni Donya Maria Beatriz de Castellano, sintanda ng mga adobeng nilulumot sa pader ng Fort Nuestra Senyora del Pilar. Sa likod ng lasang katakam-takam ay mahabang proseso sa pag-luto, sa loob ng mahigit isang oras ay pakukuluan ang mga hiniwang buntot ng baka, ksabay ng mga hiniwang atsal, patatas at sibuyas, kapag malambot na ang mga buntot ay saka ihalo ang sampung pirasong kabute, kalahating basong gatas, kalahating kutsarita ng asin at giniling na paminta. Pagkatapos maubos ang sopa, inihanda ang “ Insalata de verduras”, mga hiniwang kamatis, letsugas, pepino, sibuyas at hahaluan ng “ Aceite de oliva”, dalawang kutsaritang sukang balsamiko,kaunting asin, kesong parmesan, asukal at paminta. Matapos makain ang “Insalata de verduras” ay ang “ Main course” na “baked lasagna”, kasunod ang “ vino rojo” at cappuccino.” “Pa! Naimbitahan po ako ni Mister Charlie Esquivel sa eksibisyon ng mga bagong pintor sa “ Ristorante Classica Chavacana.” Malambing ang paumanhin sa ama matapos masaid ang isang tasang cappuccino, namumula sa sinag ng chandelier ang pisnging nagsisinungaling, ginamit ang imbitasyon na alibi para makipag-tagpo sa nobyong pari, alam niyang mabisa ito dahil nais ng ama na siya ay magsaliksik din ng iba pang estilo para mapalitan ang kanyang estilo sa pag-pinta. “ Is there something hija?” Prangkang tanon ng ama, maiging pinagmamasdan ng mapanuring paningin ang nakayukong mukha ng dalagita, napansing namula ang pisngi ng anak at ibinalik ang nangangalahating tasa ng kape sa mesa. “ There is nothing wrong with her!” Sabat ng ina, tinanggalan ng pagdu-duda ang esposo laban sa anak, batid niya, ang pagdu-duda ay isang anyo ng karupukan ng taong nawawalan ng tiwala sa sarili, ayaw makitang marupok ang esposo, minahal niya ito hindi dahil sa hitsura, pera at talino kung hindi ay dahil sa angking katatagan ng pagkatao at paniniwala. Pero ang higit na mas masarap damhin ay kung mamahalin ka sa kabila ng iyong pagiging isang mahirap, manloloko marupok,kahit na ikaw ay isang sinungaling at hindi iyong mamahalin ka dahil sa ikaw ay mayaman, nagpapa-alipin sa minamahal, nagbibigay ng pera at laging tikom ang bibig. Ito ay hindi wagas na pag-ibig kung hindi ay isang makasariling pag-ibig. “Thanks God!” Bulong ng dalagita sa kanyang sarili,nag-uumapaw sa saya ng margining ang sagot ng inang bulag sa makasalanang lihim, kinasasangkutan ng kaisa-isang anak. Lalong dinuduyan ang damadamin sa tugtog na “ Chariots of fire” ng “Vangelis”, pinatugtog ni Senyora Natividad matapos mailapag ang leche flan na sana ay kasunod dapat ng lasagna, nataranta sa mga tanong ng amo na parang mabubunyag ang sabuwatan nila ng dalagita. “ Ok! Kung iyan ay para sa ikakabuti ng iyong kamalayan sa sining ng pag-likha. What more can i say? But yes, pero ay ikumusta mo na rin ako kay Chef Angelo, huwag mo ring kalimutang tanungin kung dumating na si Giovanni Santorino, ang anak niyang nag-aaral ng Photo journalism sa Israel.” Pahintulot ni don Miguel Gabrielle, naa-alala si Giovanni Santorino, napadalhan siya minsan nito ng mga resipe ng falafel at shish kebab, hindi rin nakalimutan ang mga napadalang mga litrato ng makasaysayang “ Dome of The Rock” at ang sagradong “ Wailing Wall”, madalas ay sanhi ng matinding girian ng mga Hudyo at mga arabo na humantong sa malawakang digmaan sa gitnang silangan, kinatatakutan ng buong mundo. Nasa kuwarto pa rin ang malaking litrato ng lambak ng kidron, ayon sa Propetang si Joel ay sa lugar na ito ay tatawagin ng panginoon ang lahat ng tao para huhusgahan. Lumapit si Senyora Nativida, sinenyasan ni Don Miguel na tanggalin ang tatlong platitong leche flan, bukod sa huli ito ay hindi pa tama ang pagka-gawa sa kinaramel na asukal. Napapansin ng amo ang biglaan pagtataranta ng senyora, animo ay nagkakaroon ng kapansanang Parkinson’s, nagiging malimutin, para bang ulyaning nakalimutan ang isipan sa loob ng sinaing o baka naman ay nagiging abala ang matandang dalaga sa pagcha-chat sa internet, laging kinikilig sa simpleng “ I love you” sa tuwing nakaka-chat ang mga lalaking may asawa na at nagpapanggap na mga binata, naa-alala pa ng Don, nakipag-tagpo ang Senyora sa isa sa mga naka-chat, umuwing luhaan, lahat ng kanyang perang inipon ng kung ilang buwan ay nadukot, marahil ay sa matinding pagnanasa at madali siyang magtiwala. “Opo papa!” Magalang ang sagot, labis ang tuwa sa bawat sulok ng kanyang mga mata, sumisirko-sirko ang damdamin sa sobrang ligaya. Naa-alala ng dalgita si Giovanni, guapo at mukhang isang Israeli, ayon sa kuwento, ang pamilya Santorino ay may lahing Hudyo galing sa bansang Portugal, ang ninuno nila ay Marrano, nagpabinyag sa relihiyong katoliko para maiwasang kitilin ng espada ng Inquisition. Apat na taon na ang nakalipas mula ng umalis si Giovanni patungo sa Israel, bago umalis ay nanalo pa sa grand debate. Lantarang tinuligsa ang komyunismo, batay sa kanya ay isa itong “Utopia”, hindi kayang abutin ng buong sangkatauhan, nababagay lamang sa mga kibbutzim at mga moshavim, bukod sa kakaunti ang populasyon ng mga komyunal na sektor pang-agrikultura sa kanayunan ng Israel ay pansamantalang itinatag sa ibabaw ng sosyalismo pero ay kapitalismo rin ang patutunguhan, ang tao ay sadyang nilikhang walang kasiyahan, ang Komyunismo ay kasamang lumubog sa komyunistang ekonomiya ng bansang rusya,ang maoismo ng bansang Tsina ay kumapit sa pangil ng kapitalismo, ang komyunismo ni commandante Fidel Castro ay naa-agnas sa bagaso ng mga tubo. “Isama mo na rin si Senyora Natividad hija!” Payo ni Donya Maria Michaella. “ Alaways keep your cellular phone open!” Muling nagsalita ang ina, paalala para madaling matawagan ang dalagita o makatawag kung mayroong emerhensyang hindi inaasan.”Higit sa lahat ay maging vihilante, mag-ingat sa mga barbarikong abu-sayyaf, mga nagkukunwaring mga may adhikaing sesesyonista, ang totoo ay mga bandido, mga tulisan, mga kriminal at mga hayok sa laman, genetically gifted ka anak, isa kang potensyal na target, hahalaying ka ng mga mukhang diyablong magnanakaw, pagkukunan ng magandang lahi, dahil ang kagandahan ay katumbas ng malaking halaga ng dowry!” Muling habilin ng ina, biglang napa-krus, sumagi sa isipan ang krimeng kahindik-hindik na napanood sa balita, ang mga dalagitang dinukot ng mga abu-sayyaf sa isang liblib na lugar sa Basilan ay walang habag na ginahasa, pagkatapos mabuntisan at mapa-anakan ay pinagtataga na parang mga hayop. Mga diyablong hindi man lamang nakalanghap ng kaunting samyo ng galang sa kapuwa, moralidad at sibilisasyon, parang wala ring mga ina at kapatid na babae, biglang nanindig ang mga balahibo ng Donya, nagdarasal na sana ay hindi ito mangyari sa kaisa-isang anak. Sa kanyang palagay, kung hindi matutong magbanat ng buto, mabubuhay na tumatagas ang pawis ang mga ito ay patuloy ang kaguluhan at walang kabuluhang digmaan sa Mindanao, ang lupang ipinangako.
Ang mga nakahilerang posteng bakal sa gilid ng kalsadang makipot patungong Cathedral de la Immaculada Concepcion, tila ay napapabayaan, kumakapal na sa kalawang. Mabibilang na lang ang mga lamparang naka-lambitin, ang iba ay pondido pa, lalong nagdidilim ang kalsadang binububungan ng mga ng mga makakapal na dahon ng nakahilerang punuang akasya.
Maliban sa huni ng mga paniki, kalabog ng mga nahuhulog na bunga ng mga mahogany ay tahimik ang buong paligid ng Cathedral, walang katao-tao, marahang bumaba si Catherina sa kotse, naiwan ang mayordoma sa harap ng manibela, sumenyas sa dalagita, sa tagong bakod ng simbahan hihintayin. Naglakad sa madilim at makipot na kalyeng binanigan ng mga muting gravita, sandaling dumaan sa dalawang nitso ng mga paring martir, mga nagbuwis ng buhay sa Jolo para sa pagpapalaganap ng katolisismo, ibinurol sa mismong tabi ng simbahan ipaalala sa mga deboto ang kanilang kadakilaan, pagkatapos mag alay ng dasal ay hinanap si Alejandro, wala sa dati nilang tagpuan sa labas ng simbahan, inikot ang mga mata, ng hindi nakita ay dumiretso sa loob ng Cathedral, nangangamoy rosas siya, dumikit sa damit ang samyo ng mga bulaklak sa puntod ng dalawang martir, mga mata ni Alejandro ay biglang lumuha ng makita ang dalagita,.
Agad nilapitan ang dalagita, niyakap ng mahigpit, umiinit sa naglalagablab na pag-ibig. “ Mahal, wala akong ibang panalangin sa langit kung hindi ay makapiling ka, habang buhay magsasama sa lilim ng matamis na ligayang hatid ng wagas na pag-ibig, at sana ang lahat ay hindi magwawakas!” Bulong ng nobyo, bawat kataga ay inukit ng emosyong nagsasabing tanging kamatayan lang ang makapag-hiwalay sa kanila. Tumugon ang dalagita ng mas mapangahas na yakap, tila ay nasasabik sa init ng damdaming binabayo ng matinding pag-ibig.
“ Sa sandaling hindi ka nakikita ng aking mga paningin ay parang bumabaliktad ang aking buhay, hindi ko kayang tiisin ang sandaling wala ka sa aking tabi!”
Nagbigkas ng mga salitang tapat sa nararamdamang pagmamahal sa nobyo. Mas lalong hinigpitam ni Alejandro ang yakap, dahan-dahan ay hinihila ang dalagita papasok sa loob ng silid-kumpisalan, isinara ang pintuan, marahang gumapang ang kanyang labi sa namumulang labi ng dalagita, nagliliyab sa pagnanasa ang kanilang mga halik. Dahan-dahan ay hinubad ang damit ng dalagita habang umiinit ang bawat halik sa leeg ng nobya, lalong tumaas ang libido ng pari ng maamoy ang samyo ng pabangong “BVULGARI”,  ramdam ng dalagita ang lagablab ng pananabik ng nobyo at nilalaro ng kanyang daliri ang dibdib, hinahagilap ang kiliti ng kasintahang pari. Samantala ay walang tutol mahubaran, nagpaubaya sa nais ng nobyo, lumantad ang maputing dibdib, umiinit sa matinding kaligayahan habang ginagapangan gn malikot na dila ni Alejandro, bahagyang humalinghing, nararamdaman ang haplos sa kanyang pagka-babae at mga namumulang utong ay kimikiliti ng dila.
Marahang hinubad ng kanyang mga kamay ang suot na sutanan ng nobyo, ang sutanang kinakastigo ang ang pagnanasa sa alindog ni Catherina, mapangahas iginapang ang dilang malambot sa nakahubad na dibdib ng pari, habang basang-basa ang pagka-babae sa mapag-larong mga haplos, sabay nilang hinubad ang pantalong manipis na kanyang suot, tila walang kahupaan ang nagliliyab nilang pagmamahalan. Ipinatong ang hubad niyang katawan  sa nobyo, niyuyug-yog, muling humalinghing ng kusang pumasok ang naninigas na pag-ibig sa loob ng kanyang pagkababae hanggang sa sumambulat sa tugatog ng kasiyahan ang kanilang nararamdamang pag-ibig, mistulang isang larawang iginuhit ng suriyalistang pintor sa kanbas ng orgasmo, tanging kanilang kamalayan lang ang nakaka-unawa.
Maliban sa mga halinghing sa gitna ng kanilang pag-iibigan ay mapanukso ang katahimikang bumabalot sa kapaligiran, nagbihis si Catherina pagkatapos marating ang tuktok ng makasalanang kasiyahan, nilalapastangan ang banal na pook. Lupaypay si Alejandro sa ligayang nararamdaman na kailanman ay hindi ginusto, batid niya ang sinumpaang banal na obligasyon ngunit ay naging biktima ng nakaka-lasong pag-ibig, sadyang kay hirap matakasan.
“ Naimbitahan ako ng bago kong guro sa isang art exhibiton na ginaganap sa Ristorante Classica Chavacana.”
Kanyang paumanhin sa nobyo, binasag ang katahimikang namuo, sinusuot ang manipis na pantalon.
“ Ako rin ay naimbitahan ng isa sa aking mga estudyante na lumahok din sa art exhibiton, pero sa wari ko ay hindi ako makakapunta, magiging abala ako bukas sa pag-aayos  ng mga papeles, baka sa susunod na taon ay kakalas na ako sa pagpa-pari.”
Banggit niya, mahina ang boses, pagod, tinutulungang mag bihis ang nobya.
“Siguro ay hindi papayag ang iyong Mama sa iyong plano.”
Salita ng dalagita, tono ay nagulat sa pasya ng nobyo, batid niyang napilitan lamang si Alejandro sa pagpa-pari dahil ayaw nitong suwayin  ang kagustuhan ng ina, kapalit ay ang kalayaang lumigaya.
“ Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin na para bang kay bigat dalhin ang sakit na aking nararamdaman, mismo ang ating ginawa ay labag sa aking banal na sinumpaan sa harap ng sagradong dambana.” Kanyang bigkas, garalgal ang boses, biglang pumatak ang mga luha, tumatangis sa karupukan. Ini-isip sana noon pa man ay sinuway na ang ina, hindi na sana nagka-sala tulad ng kasalanang kinasasangkutan.
“ Tahan na, marahil ay mau-uunawaan ng iyong Mama ang iyong maging pasya kung maigi mong ilatag ang paliwanag ng iyong plano.”
Malambing ang pagka-sabi, pilit maibsan ang bigat sa kalooban ng paring umiiyak sa balikat ng dalagita,patuloy sa paghihinagpis, iniiyakan ang nalalamang siya ay isang alipin ng mahiwagang alindog ni Catherina.
Marahil ang alindog ay sadyang nilikha para masukat ang pagitan ng karupukan at katapatan, mabisang sandata ng mga Eva para tuluyang maalipin ang mga Adan. Subalit ang mga nilalang na hindi tumutugon sa sekswal na pangangailan ay yaong  mga madaling kumamit ng karumal-dumal na krimen laban sa kapuwa, yaong mga nagdurusa sa walang hangganang pagdadalamhati sa loob ng selda ng matinding kalungkutan. Sapagkat ang seks ay mekanismo para mapapanatili ang katinuan ng mundo, siguro ang tao ay hindi nanggaling sa mga unggoy ayon sa ebolusyon kung hindi ay  nanggaling sa mga kunehong mahihilig sa seks.

Inikot muna ng dalagita ang paningin ng marating ang labasan ng Cathedral, hindi nahalata ang kotseng itinabi sa bahaging madilim ng bakod, tinungo ito, nadatnang natutulog, nakayuko sa harap ng manibela si Senyora Natividad, kinatok ang naka-saradong pintuan, biglang nagising ang mayordoma, masinsinang tiningnan ang kumatok, binuksan ang pintuan ng malamang si Catherina.
Marahang pina-andar ang lumang kotseng Mercedes Benz matapos maisarado ng dalagita ang pintuan, binabaktas ang lubak-lubak na kalsada, umaalog-alog ang loob, tila ay isang kalesang hinihila ng nagwawalang kabayo. Ang bawat sulok ng kalsada ay ang mga mababahong esterong naging imbakan ng mga basura sa likod ng malaking karatulang may nakasulagt na “ BAWAL MAGTAPON NG BASURA!” Sa madaling salita ay talagang sinasadya ang delubyo ng pagba-baha tuwing darating ang tag-ulan dahil natatakpan ang labasan ng tubig. Kapag babahain ay saka babatikusin ang gobyerno an gang may kagagawan ng suliranin ay ang mismong mga bumabatikos. Ang salungat ng esterong sira-sira ay ang dumadaming  iskwater dulot ng katamaran, kakulangan sa tirahan at trabaho, kurapsyon at ang hindi mapigilang pag-lobo ng populasyon. Ang mga kababaihang naka-istambay sa kanto ay nagpapa-ligsahan ng bunot-bunutan, nagha-hatakan ng mga kliyente, kumakapit sa patalim ng prostitusyong makakapag-ligtas sa kanilang kaluluwang nalulunod sa mabulateng kanal ng gutom.
Binilisan ng mayordoma ang pagpapa-takbo ng kotse, nangilabot  sa nikatang bangketang pinupugaran ng nagra-ragbing mga batang laging sangkot sa mga krimen, mga biktima ng iresponsableng mga magulang, ini-isip lang  ang kaligayahan sa ibabaw ng kama ngunit nakalimutan ang riyalidad na ang lilikhain ng kanilang orgasmo ay tao.
Hindi namalayan ni Catherina, abala sa pagpi-pindot ng dalang cellular phone, na itinabi na pala ng mayordoma ang kotse sa gilid ng cafeteria na mismong tapat ng restoran.Sa labas ay ang mga tindahang maliliit ng mga huwad na gayumang may masangsang na amoy, sa halip na makapag-halina ay makapag-aburido. Tindahan ng mga walang bisang talisman, mga kinakalawang na mga karayom, itutusok sa balat, pangontra sa kulam pero sa tetano, ikaw ay mamamatay din at mga mapanghing tuyong bituka ng mga paniki laban sa sumpa ng mga asuwang.
Sa loob ng cafeteria ay nilalagok ng mga bigong makata ang pait ng kapeng espresso, sinpait ng riyalidad kung saan ay nawawalan ng kabuluhan ang bawat kataga sa tula. Sa kabilang sulok ay ini-inom ng mga nababaliw na pintor ang maaligamgam na tubig, inaakalang  “hot choco”, kalian lang ay napalayas ang mga ito sa isang mental asylum dahil mas lumubha ang pagka-baliw ng mga baliw sa loob, ang iba ay nag-amok, nag-huramentadong pilitin nila ang mga ito na tukuyin ang kaibahan ng kababalaghan ng suriyalistang larawan ng diyosang si “ Athena” sa sumpa ng abstrak na larawan ni “ Maria Makiling.” Sa salungat na bahagi ng sulok ay naroroon ang mga dekadenteng aktibista, nagpapa-sarap sa burges na kapeng cappuccino, hanggang ngayon ay isinisisi pa rin ang kabiguan ng rebolusyon sa mga rebisyonista, ang totoo ay nawawalan ng halaga ang kanilang ideolohiya sa rumaragasang adhikain ng mga hacker sa mga cafeteria ng internet shop. Sa mas madilim na sulok ay naroroon ang mga nagkukunwaring doktor pero ay mga nakakatakot na mga aborsyonista. Ang higit na mas mapakla ay naroon ang mga nagpapanggap na “ CHEF” pero ay hanggang prito lang ang nalalaman.
“ Andito na po tayo senyorita!” Paalala ng mayordoma, lubusang pinahinto ang andar ng makina ng kotse, nakaprimera ang kambyada.
Agad  napa-hinto sa pagpi-pindot ng cellular phone ang dalagita, pinagmasdan muna ang buong kapaligiran.” Ambilis naman yata nating dumating!” Sambit niiya, nagtataka pero ay marahang binuksan ang pintuan ng kotse.” Mabagal nga ang pagpa-takbo ko, hindi mo lang namalayan dahil abala ka kanina.” Bigkas ng mayordoma, tinungo ang dalagita at saka inakbayan, sabay tinungo ang restoran.
Bago sila pumasok sa restoran ay pinag-masdan muna ni Catherina ang pintuang katulad ang disenyo sa konseptong ginamit ng Florentinong pintor na si Lorenzo Ghiberti sa obra-maestra niyang “ Bronze Doors.” Nakaukit sa pintuang narra ang mga intrikadong larawan ng mga kuwentong hinango sa sagradong Bibliya. Binasa rin ng dalagita ang tula sa wikang chavacano, isinulat sa kuwadrado, ikinabit sa gilid ng pintuan, mismong kinatha ni Giovanni Santorino bago lumuwas patungong Israel, medyo malalim ang mga katagang ginamit, subalit ay kay tamis tingnan.
                                                         



                                                 Tristeza de madrugada:
                                                 Una poema desde profunidad del mi Corazon:
                                                 Giovanni Santorino

Veinte y dos pasado dde la una del madrugada,
Cuando el luz de la luna es mas arde que ante noche,
Solamente el luz del mi alma bajo de oscuridad,
Ta espera con de tuya presencia,
Ahorra hasta siempre,
Con amargura,
Con suffrimiento,
Dentro del cuarto frio,
Como un mil anos de tristeza.

En caso y por caso,
Se puede,
Volve te amor mio,
Otra vez dentro del mi Corazon,
Un Corazon sin direccion.

Pero donde tu amor mio,
Madrugada ya,
Cuando el cada beso del viento mas frio,
Como un imperdible del mi hueso,
Cuando mas frio el cada lagrima del sereno,
Como un caliente hielo na mio pellejo,
Ta dale temblor na mio espina.

Hasta cuando espera mi Corazon na dolor?
Ta espera con el calor del tuya sonrisa,
Por cuanto tiempo?
Hasta ahorra yo siempre ta tiene esperanza,
Con el calor del tuya amor verdadero.

Volve amor mio,
Otra vez abajo na calor del mi labio.


                                                  Kalungkutan sa madaling araw:
                                                  Isang tula mula sa kaibuturan ng aking puso:
                                                  Giovanni Santorino

Pasado dalawampu at dalawa ng ala-una ng madaling araw,
Kailan ang sinag ng buwang mas maliwanag kaysa kagabi,
Tanging ilaw ng aking kaluluwa sa lilim ng kadiliman,
Naghihintay sa iyo,
Ngayon at magpa-kailan man,
May pait,
May pagdurusa,
Sa loob ng malamig na silid,
Parang libong taong nalulungkot.

Kung mangyayari,
Kung puwede,
Umuwi ka na aking mahal,
Sa loob ng bahay ng aking puso,
Ang pusong nawawalan ng hangarin.

Pero ay nasaan ka aking mahal?
Madaling araw na,
Kung kailan ang bawat halik ng hangin ay kay lamig,
Parang karayom sa loob ng aking buto,
Kung kalian ay mas malamig ang patak ng luha kaysa hamog,
Parang yelong mainit sa aking balat,
Niyayanig ang buto sa aking likuran.

Hanggang kalian maghihintay ang aking puso sa hapdi?
Naghihintay sa init ng iyong ngiti,
Ilang sandali pa ba?
Hanggang ngayon ay  uma-asa,
Sa init ng iyong wagas na pag-ibig.

Umuwi ka naaking  mahal,
Ulit sa lilim ng mainit kong labi.

Tumayo pa rin siya sa harap ng pintuan, tumango, nagustuhan ang mga malulungkot ngunit ay matatamis na mga katagang inukit sa tula. Biglang nakaramdam ng kawalan si Catherina, parang lumilitaw ang kanilang pag-iibigan ni Alejandro sa ulap ng matinding takot, animo ay mga dagang nagtatago sa lungga, walang kalayaang maangkin ang isa’t isa na walang nararamdamang kilabot, laging nagkukubli sa belo ng lihim, pero hanggang kalian itong magiging lihim sapagkat ang lihim ay niyari para mabunyag.
Marahang itinulak ng mayordoma ang pintuan, sabay pumasok, marahang naglalakad sa gitna ng maraming panauhin, pero ay nahirapang mapasok ang gitna ng restoran dahil sa kapal ng mga taong nano-nood ng matagumpay na art exhibition.karamihan ay mga negosyante, bibilhin ng mas mura ang nagustuhang sining-pinturang may panibagong adhikain at pagkatapos ay ibibenta sa mga kolektor sa Maynila ng mas mahal ang halaga, ang ibang panauhin ay mga interior designer, nanghahagilap ng bagong ideya at kulay mula sa kanbas ng mga bagong pintor.
Habang pinipilit nilang pasukin ang gitna ay may biglang tumapik sa likuran ng dalagita, kaagad niyang nilingon. “ Kumusta Miss Catherina Beatriz de Figueroa? Salamat at nagpaunlak po kayo sa aking imbitasyon at matiwasay niyong narating ang art exhibition.” Maginoong bati ni Charlie Esquivel, nginitian ang dalagita, saka kinamayan.” Kumusta din po Senyora Natividad?” Bati rin sa mayordoma pagkatapos mahalikan sa pisngi si Catherina. “ Mabuti naman po hijo, salamat sa iyong imbitasyon, tagumpay ang art exhibition, isang karangalan para sa Ciudad de Zamboanga.” Magalang ang sagot ng mayordoma at ngumiti. “ Halikayo at may ipapakita po ako sa inyo.” Magalang din ang paanyaya ng binata, hinawakan ang kamay ng dalagita, ginagabayan patungo sa isang sulok sa kaliwang bahagi ng pintuan. “ Wow! Ang galing at ang husay naman niyan!”  Bigkas ng dalagita, tinig ay namamangha, ikot ng mga mata ay hindi makapaniwala sa harap ng sining-pintura ng binata. Sa kalahating bahagi ng pinatuyong balat ng baka ay iginuhit ang bangis ng bagyong dumapo sa Ciudad de Zamboanga, dinurog ang mga bahay, tinangay ng baha ang mga bangkay pati na rin ang mga pangarap, nagmistulang isang impiyerno ang  bawat kalsadang dinaanan ng malagim na delubyo. Ang kalahating bahagi ay idinikit ang abo ng mga natupok na bahay dulot ng walang kabuluhang digmaan ng mga nalinlang na mga MNLF, ang adhikaing binulag ng kasakiman sa salapi laban sa kawal ng pamahalaan. Sa ibabaw ng abo ay idinikit rin ang mga nasunog na mga plastik, mga kutsarang may magagarang kulay at mga butas-butas na damit na tinamaan ng bala.Maayos ipinagtagpi-tagpi , nagdulot ng isang rebolusyonaryong sining, mungkahi ay muling gunitain ang kabuluhan ng kaugaliang “ BAYANIHAN” sa gitna ng kalamidad at kapayapaanpara sa lupain ng Mindanao. “Salamat!” Wika ni Charlie. “ Iyan sana ang nais kong maibahagi sa iyo.” Muling nagsalita ang binata, tumango-tango ang mayordomang panay ikot ang mga mata sa buong restorang itinatag sa konseptong “ Neo-Classical”, ngunit ang larawan sa likod ng “counter” ay may kaluluwang kyubismo ni Pablo Picasso. “ Fine with me, it is worth sharing naman.” Malumanay ang pagka-bigkas ng dalagita, nais pa sanang magasalita ngunit ay biglang naputol ang usapan ng  marinig ang malakas na boses ni Chef Angelo Santorino sa likuran nila. “Well!Well!Well! Buenas Noches a todo” - “Magandang Gabi sa lahat”- Sa wikang Tagalog, Magiliw ang kanyang pag-bati. “ I am overwhelmed, surprised, andito pala ang Unica Hija ni Don Miguel Gabrielle.” Muling nagsalita, tono ng boses ay tenor at bilugan, nakasuot ng kulay azul na polo , nakamaong. “Magandang Gabi din po tito Angelo!” Marangal na pag-bati rin ni Catherina, kaharap si Chef Angelo. “Que Hermosa!” – “ Napaka-ganda”- sa wikang tagalog. Kanyang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang balikat, nginitian muna bago niyakap ng mahigpit ang dalagita. “ Kumusta na ang iyong Papa hija?” Matipid na tanong pagktapos mahalikan sa pisngi si Catherina. “ Mabuti naman po si Papa, masyadong abala sa pagpapangasiwa sa Hacienda.” Kaswal na sagot kay Chef Angelo. “ And since na andito na kayo, mas maigi kung maimbitahan ko kayo sa aking mesa, kahit kape lang dahil mas lumalalim na rin ang gabi, come with me!” Kanyang paanyaya, sumunod na rin sila patungo sa mesa, numinipis na rin ang bilang ng panauhin, napansin ni Charlie na mas maraming sining-pintura ang nabili kaysa nakaraang art exhibiton maliban sa kanyang sining-pintura na sadyang ayaw niyang ibenta kahit maraming gustong bumili. Naniniwalang ano man ang pigurang inilagay o ipininta sa kanabas ay iginuhit ng ekspresyong ng kanyang kaluluwang hindi kayang tumabasan ng salapi.
Halata sa hitsura ni Chef Angelo ang dugong kreyoleng chavacano, prominente ang tangos ng ilong sa maputing mukha, brunette ang buhok, mistulang naghahalo ang kulay ginto at itim sa bigote at balbas, mahilig mag-biro, masayahin ngunit ay pino ang galaw.
Marahang hinila ang dalawang magkatabing upuan para kay Catherina at sa kasamang mayordoma ng marating nila ang mahabang mesa. Pagkatapos ay umikot, tinungo ang upuang katabi si Charlie, kaharap nila ang dalawang babae. Lumingon ng sandal, marangal na tinawag ang isa sa mga servidora, magalang ding inutusang magdala ng 4 na tasitang kapen espresso at 4 na pirasong “pastillas de avocado” sa kanilang mesa. Tahimik nakaupo si Charlie, kreyoleng chavacano rin, ngumingit ang isipan habang binabasa ang menu ng restoran,natutuwa sa mga tituolng ikinabit sa mga pagkain, ang “gambas al ajilo” ay naging  “salsa de amor”, ang “ spaghetti alla carbonara” ay naging “ whitelady sauced pasta”, ang “fettuccine alla bolognaise” ay naging “ fettuccine con pura sangre de maria” at ang mas naka-kiliti ay ang “pasta alla puttanesca” ay naging “bugaw-bugaw delight.”
“Kumusta ang negosyo ng iyon Papa hija? Tumawag si Giovanni sa akin noong isang linggo, muli na namang sumiklabang digmaan sa gitnang silanga, ang pangalawang “intifada.”  Bahagi ng kanyang “thesis” sa kursong photo-journalism ang kunan ng mga litrato ang naka-kilabot na pagmumukha ng digmaan sa Israel.”
Kaswal ang pangungumusta pagkatapos mapunasan ng mabangot at namamasang tissue paper ang dumikit na kapeng espresso sa bigote, hindi nilagok lahat ang laman sa loob ng tasitang itim, higit pa sa nangangalahati ang natira. Marahang kinatok-katok ng mga daliri ang hapag ng mesa at muling nagsalita, “Aking ikinaba-bahala ay tiyak tataas ang presyo ng langis, siguradong tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, ang dulot ay krisis sa ekonomiya. Sa gitna nito ay pilit magti-tipid ang bawat pamilya at hihina ang kalakalan ng aking restoran.” Marahang dinampot muli ang tasita, ikot ng mga mata ay nababahala sa magiging epekto ng digmaan sa gitnang silangan, at hinigop ang kape.
Napansin ni Catherina ang biglang pagiging seryoso ni Chef Angelo na bakas sa bawat guhit ng mukha na kanina lang ay masayahin. Walang imik ang mayordoma subalit ay nakabukas ang isipan at tenga, batay sa galaw ng mga kilay ay sang-ayon sa pananaw ni Chef Angelo, nauunawaan ang mapaklang riyalidad na hinuhubog ng langis, parang lahat yata ng hibla ng lipunan ay nababatay ang presyo ayon sa pandaigdigang presyo ng langis, iyang ay napaka-pait.
“ Hindi rin yata mabuti ang lagay ng negosyo ni Papa tito gawa na rin marahil na tumaas ang freight charges para sa ikinakargang copra sa mga barko o ano mang uri ng transportasyon pero ang kabaliktaran ay bumagsak ang presyo ng copra sa pandaigdigang kalakalan sa halip na tumaas, nakausap nga ako ni papa tungkol sa digmaan kaya ay sumasakit din ang kanyang ulo.” Kuwento ng dalagita pero naniniwalang nararapat lamang makipag-digma ang mga Israaelita para ipagtangool ang karapatan nilang mabuhay at mamuhay ng mapayapa, mas masarap pakinggan ang mamatay na nakikipag-laban kaysa malagutan ng hininga na tumatakas sa maka-buluhang digmaan na ang naka-salalay ay ang mga pangarap ng lahi. Nabubuhay si Catherina na ang mga paa ay naka-apak sa sariling prinsipyong pinaninindigan, ang buhay ay binubuo ng mga pakikibaka, ang sinomang walang takot sa kamatayan ay yaong mga nagwawagi. “Marahil ay dulot ng globalisasyon ng pandaigdigang kalakalan kaya kung sisipunin ang gitnang silangan ay lalagnatin ang buong mundo at kay hirap maiwasan dahil noon pa mang kapanahunan ng mga konkistador ay nasa antas na ng globalisasyon ang pandaigdigang merkado.” Itinaas ang dalawang kamay na nakatihaya sa ere ang dalawang palad habang nagsasalita. “ Dahil na rin sa mga nilalang na sadyang nilikha para makipag-ugnayan sa kapuwa dulot ng pangangailangan, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan ng madalian ay lumikha ng mga paraan kung kaya ay umunlad ang komyunikasyon, teknolohiya at transportasyon, mga makabuluhang sandata ng globalisasyon at ang dulot ay hindi mapigilang digmaan.” Muling bigkas, nagpapaliwanag ng punto de vista, nilagok ang kapeng tantiya ay lumalamig,muling ibinalik sa mesa, said na said ang laman, hindi na rin hinaluan ng asukal dahil ang kanyang adrenalin ay sumusigla sa pait na nalalasahan at nararamdaman. Sa isipan ay naglalaro ang mga cynical na pananaw, ikinukubli at ibinurol sa ilalim ng kamalayan, ang globalisasyon ay katulad ng hangin, mararamdaman mo muna bago malalaman na andiyan na pala siya sa iyong tabi, mas masahol pa kaysa mikrobyo, papasok muna sa iyong katawan bago mo malalalman na ikaw pala ay dahan-dahang pinapatay, parang si kamatayan na tatabi sa iyo ng hindi namamalayan pagkatapos ay malalaman sa bandang huli, ang lahat ng sa iyo ay kanyang aangkinin. Ngunit ay higit na mas malambing kaysa isang sepulturerong manyakis , gagahasain muna ang iyong bangkay bago ibaon sa lupa kahit pa man ang iyong pangalan ay nakalimutang ilagay sa lapida. Katulad ng isang nakilalang nanaksil na tsinoy, patitirahin na at papakainin pa, ina-abuso ang iyong kagandahang asal, namboboso pa, ngunit ay huling nalaman, kaban ay kanyang ninakaw, limas na limas.

“ Para mo na ring sinabi na kung walang globalisasyon ay walang digmaan at kung walang digmaan ay walang globalisasyon.” Konklusyon ni Chef Angelo.
“ Iyan nga ang ibig imungkahi ni Catherina, ang globalisasyon at digmaan ay laging magka-tabi, hindi mangyayari ang isa kung wala ang isa.”  Matipid ang bigkas ni Charlie, sang-ayon sa punto ng dalagita, ang karisma ng kanyang mga galaw ay mas lalong nasisinagan ng mga lamparang sa gitna ng mga inadobeng poste.
Hindi man tiningnan ni Chef Angelo ang relo ay napapansing lumalalim na ang gabi. “ Well, it is my pleasure na andito kayo at tinatalakay ang makabuluhang pangyayari, but sad to say, it is just time for us to separate our ways. Let us call this night, a night of our own and thank you very much guys for coming.” Sunod-sunod ang pagsalita ni Chef Angelo, nag-paalam, nag-paumanhin at nagpa-salamat sa mga panauhing kaharap, tumayo, tinungo ang dalagita at  hinalikan sa pisngi. “ Adios hija!” –“Paalam hija!”- sa wikang tagalong, kanyang bulong kay Catherina, “Bye guys!”, paalam niya sa kay Charlie at sa mayordoma, ngumingiting nakatayo sa likuran ng dalagita.” Paalam din po sa inyo Senyor at maraming salamat din!”  Bigkas ni Senyora Natividad, tumayo, tinungo at kinamayan si Chef Angelo. “ Maraming salamat sa kape mong lalong bumabango!” Wika ni Charlie. “ Walang ano man hijo!”  Sagot ni Chef Angelo, hinalikan sa pisngi ang guro bago tinungo ang kusina para utusan ang mga trabahador mag-ligpit at mag-sara ng restoran.

Halos maghahatingigabi, lalong lumalamig ang dumadapong hangin mula sa kabundukan ng Abong-Abong, kahit patay ang buwan ay matatanaw nag dalawang punuang niyog sa magkabilang kalsada patungong Mansion de la familia Figueroa, dahan-dahang nagmamaneho si Senyora Natividad papunta sa nagmimistulang yungib sa mismong paanan ng kaliwang torre ng mansion, sa loob ng yungib ay lubusang inihinto ang andar ng makina, sabay-sabay binuksan ang pintuan at lumabas ng kotse, nana-natiling nakatayo si Catherina, tinungo ng mayordoma ang naka-sementong aparador, kumuha ng kumot, binalutan ang buong kotse.

“Good night po senyora!” magalang na pamamaalam ng dalagita sa mayordomang kinikilalang pangalawang ina ng marating nila ang sala, hinalikan sa pisngi ang matandang dalaga. “ Hmmmm! Di ba sabi kong hindi pa ito ang wakas ng pag-iibigan ninyo ni Padre Alejandro! Goodnight din sa iyo senyorita!” Mabilis ang bigkas, mahina ang boses, tinig ay napaka-baba, halos ay parang bulong, ayaw magambala ang natutulog na mga magulang ng dalagita. “ Maraming salamat Senyora at patuloy mong ginagabayan ang aming pagmamahalan.” Wikang hindi nauunawaan kung ito ba ay tamang gabay o isang kamaliang maglulugmok sa kanyang kaluluwa sa paanan ni Lucifer. “ Walang ano man hija, gagawin ko ang lahat para sa iyong ikaliligaya.”  Pangakong binulag ng sobrang pagmamahal sa inaangking anak, ang pagmamahal na itinutulak ang dalagita tungo sa trahedyang hahagupitin ang mga buhay nila ng mala-impiyernong kalamidad, niyakap ang dalagita ng mahigpit . Ang mga pintig ng puso ay sumisigaw na ang mundo niya ay tanging umiikot  sa dalagita, kanyang minahal na higit pa sa sarili, handang ipagtanggol hanggang kamatayan dahil alam niya na kung sakali ay mawalay sa kanyang piling si Catherina Beatriz de Figueroa ay kanyang ikababaliw at ang mas masaklap ay kanyang ikamamatay. Talagang malinaw, ang mayordoma ay nilalabag ang batas ng moralidad, marahil ay wala sa kanyang bokabularyo ang kahulugan ng moralidad, ang nais lamang ay mabigyan ng kasiyahan ang dalagita ng hindi nakikita ang kulay ng tama sa mali na parang sining-pinturang nilalabag ang lahat ng batas para sa pansariling kaligayahan ng isang pintor.

Matapos mahlikan sa pisngi ang dalagita ay agad pumunta sa loob ng ng kanyang sariling kuwarto ang mayordoma, bawat hakbang ay pinong-pino, ini-iwasang makalikha ng tunog sa ibabaw ng muebleng sahig, tiningnan muna ni Catherina ang tuluyang pagsasara ng pintuan ng matandang dalagang pagod na pagod bago umakyat, marahang naglalakad patungo sa kuwarto.Naghubad ng damit bago pumasok sa banyong nasa mismong loob ng silid-tulugan, maliit man ang banyo ngunit ay napaka-linis dahil sa mismong kagustuhan ng delikadang dalagita, maiging hinugasan ng maaligamgam na tubig mula sa shower ang buong katawan, pilit tinatanggal ng sabon ang dumidikit pa ring amoy ng mga halik ni padre Alejandrosa kanyang dibdib, marahang hingusan pati ang kanyang laman, pakiramdam ay nasa loob pa rin ang kasintahan.
Pagkatapos mahugasan ang buong katawan ay inanod ng tubig ang marumi at makasalanang nakaraang ang-uunahang pumasok sa matabang tubong nakadikit sa maliit na butas ng sahig patungo sa impiyernong septic tank. Lumabas ng banyo, nakatapis, tinungo ang naka-bukas na aparador at nagbihis ng damit pantulog. Agarang pumunta sa higaang may nanunuksong kutsong malambot, sa halip tumalon sa ibabaw ay binuhat, makapal at malapad, minasdan ang bandang gitna, inilagay ang kamay, may hinahagilap ang mga daliri, hanggang madukot ang librong “ kuwaderno ng tadhana” mula sa ligtas na pinag-taguan. Dahan-dahang isinauli ang kutson sa dating lugar, inayos muna ang mma malalambot na mga unang may mahaba at bilugang hugis, nahiga, binalutan ng manipis na kumot ang kalahating katawan, mula paa hanggang dibdib.
Nagbasa, hinayaang maglakbay ang isipang hinugot ng kamalayan ang tungkol sa mahiwagang “ Banga”, makabuluhang bahagi sa kasaysayan ng kanilang angkang ina-anod sa ilog ng mahaba at malalim na tradisyon. Napalingo, napahinto ng sandal, napa-isip ng medyo malalim, inugnay, inihalintulad ang “Banga” sa mga dakilang propetang nakikita ng kanilang paningin ang magaganap sa hinaharap.
Muling nagpatuloy sa pagbabasa, pinabayaan maiburol ang kaisipan sa tamis ng mga talatang isinulat sa malulungkot na kabanata, nabigla sa natuklasan, siya ay may dugong hudyo tulad ni Christopher Colombus, ang konkistador na nakadiskubre sa kontinente ng Amerika, ang bagong mundo. Agad naisipan at naunawaan ang dahilang kung bakit ang lahat ng mga pangalan ng kanyang mga abuela at mismong kanyang pangalan ay laging kinakabitan ng “ Beatriz.” Ang lalong pinagtatakhan ay ang aparisyon mula sa mahiwagang “Banga”, biglang nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok, parang may dumapong malamig na hangin sa balat, animo ay isang multo. Sa siglong 1600 pa lamang ay nahulaan na ng “ Banga” ang tuluyang pagbagsak ng kaharian ng Espanya sa taong 1898 laban sa itinatag na bansang Estados Unidos sa kontinente ng Amerika, itinatag ng mga europeyanong itinataguyod ang adhikaing kalayaang huhubugin ang buong sanlibutan. Mga europeyanong tumakas sa kontinente ng Europang pinapamamahalaan ng mga diktador, nagdulot ng madugong digmaan, malawakang kahirapang sanhi ng kawalan ng opportunidad at persekusyon sa pinapaniwalaang relihiyon.
Lalong ginaganahan si Catherina sa binabasa, hinayaang dumapi ang malamig na hangin sa pisngi, isipan ay nagkakaroon ng masturbasyon-intelektwal, mga ideyang nagpapaligsahan sa sahig ng kanyang kamalayan, nagbigay ng konklusyon ayon sa mga nabasa.” hindi maiwasang babagsak ang kaharian ng Espanya ng palayasin ng Korona  ang mga hudyong malaki ang nai-ambag sa larangan ng agham, ekonomiya at teknolohiya, ito ay katumbas ng pambansang pagpapa-tiwakal. Hindi nauunawaan ng mga hari ang mga makabuluhang nai-ambag ng mga hudyo, hindi lang sa Espanya kung hindi ay sa buong sangkatauhan, tulad ng sampung utos ni Moses, batayan ng batas-moralidad ng bawat sibilisadong lipunan at importanteng elemento ng demokrayang pinapahalagahan ang karapatang  pantao. Marahil sa panahong iyon kung kalian ay rumaragasa sa kaisipan ng mga kristiyano ang matinding fanatisismo kung kaya ay nararapat burahin sa kanilang lupain ang mga taong mayroong ibang paniniwala bukod sa katolisismo” Bulong ng isipan, nagbuntong-hininga at nahugot ang pangalan ni Hesus Kristo, ang mesayang nawika ng kabuluhan ng “ PAG-IBIG” sa kapuwa, ang nagtatag ng pundasyon ng makabagong pandaidigang sibilisasyon.
Muling nag-isip, naalala ang dakilang may akda ng “ Communist Manifesto”, mula sa angkan ng mga Rabbi, ang kinathang teoriyang komyunismo ay mas marami pang pinaslang kaysa bomba atomika, hinati ang mundo sa dalawang magkaka-tunggaling paniniwalang demokrasya laban sa komyunismo, hanngang sa humantong sa nakaka-takot na banta ng “Cold War”, muntik mabura ang lahing tao sa ibabaw ng mundo.
Maliban  kay Albert Einstein, Alfred Nobel at Sigmund Freud ay marami pang mga hudyong may mga adhikaing napapakinabangan ng buong mundo para sa ikakaunlad ng isipan, mga pangalang bumabalik at umaalis din sa kanyang isipan, napangiti , kung sakaling isinulat ang mga pangalan at mga karanasan ng mga ito sa mga pahina ng “ Kuwaderno ng tadhana”, tiyak ay kukulanging ang kanyang buong buhay sa pagbabasa.
Sandali ay bumangon, inikot ang paningin sa ibabaw ng kama, iniluklok sa ilalim ng kumot ang kamay, nadakma ang maliit na unan, ipinatong sa ibabaw ng malapad na unan, muling nahiga, nagpa-tuloy sa pagbabasa, hinayaan gumapang ang isipan sa mga titik na sinluma na ng mga ukit sa antigo at mahiwagang “ Banga” na parang may buhay, kaluluwa at multo. Biglang natulala sa nasaksihan, minamartilyo ang utak, muling nanindig ang mga balahibo, hindi dahil sa lamig kung hindi ay dahil sa madugong pangitain mula sa “Banga”, noon pa man ay nakita na ang karumal-dumal na pagpaslang sa mga hudyo sa loob ng mga kampong konsentrasyon ng mga “NAZI”, mga alipin ng desperadong Adolf Hitler, ang diktador na ang puso ay punong-puno ng galit laban sa kapuwa at sa sarili, ang salitang “PAG-IBIG” ay tila walang puwang sa giwang ng katinuan.
“ Tsk! Tsk! Tsk!” Banggit ng labi, nadukot na isipan sa pahina ng ala-ala ang tunkol sa pelikulang napanood, makasaysayan at makatotohanan, ang “ Shindler’s List”, hindi lubos maisip, ang isang sibilisadong bansang Alemanya ay biglang nag-asal hayop dulot ng matinding galit, walang kahupaang galit, tuluyang humantong sa Genocide. Ang malagim na krimeng tanging hayop lamang ang puwedeng gumawa, kungsabagay ay mawawalang ng kaibahan ang tao sa hayp tuwing nawawala sa isipan at puso ang dakilang “ PAG-IBIG.” Hindi namalayangdumaloy ang mga luha sa pisngi, nasasaktan ang damdamin sa tuwing sasagi sa isipan ang sinapit ng mga batang hudyo sa mga berdugong kamay ng mga sundalong binulag at nilason ng adhikaing “ NAZI”, nababaliw sa kasinungalingan at panlilinlang.
Pinunansan ng palad ang mga luha sa pisngi hanggang sa matuyo, tiningala ang bubungan, ipinatong sa dibdib ang librong “ Kuwaderno ng tadhana”, napag-isipang marahil ay isang intstrumentong brutal ng kasaysayan si adolf Hitler para sa katuparan ng isang pangakong muling magsibalikan ang mga Hudyo mula sa apat na sulok ng mundo patungo sa ipiangakong lupain ng Judea sa lilim ng tapat na paniniwala sa iisang Diyos.
Sandaling lumingo-lingo, naniniwalang laging kakambal ng mga hudyo, kanyang kalahi, ang malagim na kranasang inukit sa madilim nilang kasaysayan ngunit sa kabila ng mga ito ay milgrosong naitatag muli ang bansang Israel, muling pagkabuhay ng wikang Hebreyo at habang-buhay din silang kamumuhian, araw-araw ay makikipagdigmalaban sa mga arabong umaapaw ang galit.
Hindi alintana ni Catherina ang hampas ng mga alon sa dalampasigang may dalang liham ng bagong pag-asa, unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata, tuluyang dinukot ang kaluluwa ng mahimbing na tulog.


                                                                               IV
                                                                            UKIT

D: Ang paglalakbay
   Enero 18, 1633
   Desde Sevilla con lagrimas ( Mula Sevilla na dala ay mga luha)

Deciembre 15, 1632,  bumuhos ang malakas na ulan, niyanig ang nadudurog kong buhay sa harap ng nitso ng aking lolang pinaka-mamahal,ibinurol din sa loob ng mawsoleyum de la familia Castellano, katabi ng aking lolong magiting at inang hindi man lang nasaksihan ang aking pag-dadalaga. Pagka-tapos magsi-uwian ang mga nakiramay ay naghiling ako sa langit, sana ay bumuhos ang ulan ng mas malakas, tuluyang lunurin ang damdaming nagdadalamhati sa matinding pag-luluksa. Saharap ng nitso ay ibinuhos ko ang lahat ng mga luha, pinapaliguan ang nagkukulay dugong mga rosas. Nararamdaman ay mabigat na mabigat, puso ay parang tinutuhog ng mga kulog at kidlat. Hindi matanggap ng nagmamanhid kong isipan ang isang sana, sana ay maligayang pinag-saluhan ang Noche Buena kasama si lola, ngunit heto ako ngayon, nilulunod ng nakaka-iritang kalungkutan.
Hinampas ko ang pintuan ng mawsoleyo sa matinding poot, namuo sa dibdib ng sobrang galit, galit nag alit sa natamong hindi makatarungang kapalaran, lahat ng mga minahal ay naglaho na parang bula sa aking tabi, pakiramdam ko ay sinasakal ng malupit na pag-iisa ang aking buhay habang binabaktas ang kalsada palabas ng sementero ng Triana, hinayaang mabasa ng ulan ang buong katawan, marahil ay mapawi ng mga ito ang damdaming patuloy nagta-tangis.
Isa lang ang naisip ng marating ang tahanan, hahanapin ko ang aking ama sa kontinente ng Amerika. Nakaligtaang mag-hapunan ng gabing iyon, nag-isip ng mga paraan kung paano marating ang kontinente ng Amerika. Maliban sa aming tahanan, baka ay babalikan ko pa, naisipan kong ibenta ng mas mahal ang mga rekados at sedang iniregalo sa akin ng masugid kong manliligaw – Ginoong Juan Miguel de Figueroa – Ang halaga ng mga ito ay gagamitin kong pang-gasto sa aking paglalakbay patungo sa kung saan, ang nais ko lamang ay mahanap at makita ang akin ama.
Kapanahunan ng tiempo invierno kung kalian ang buong bayan ng Sevilla ay niyayakap ng mahigpit ang tag-lamig, ngunit ang mga labi ko ay hinahagkan ng mainit ang matinding kalungkutan, panay ang agos ng mga luaha sa aking mga unan hanggang ang buo kong kapaligiran ay nagiging manhid, nagpaubayang maanod ang kamalayan ng mga panaginip, sa pagtulog ay nagkaroon ng mga panandaliang ligaya ang riyalidad, parang hinugot ng puting kalapati mula sa butas ng pagluluksa tungo sa sulok ng kasayahan.
“ Vaya con dios maria Beatriz!”
Ang huling katagang narinig mula sa pinsan kong si Diego habang papa-akyat ako sa damyo ng Galleon noong enero 18, 1633, bitbit ang regalong larawang mismong kanyang iginuhit sa kanbas, hindi naku pang lingunin siya, ayaw kong magdalamhati ang nagluluksa ng damdamin sa tuwing nakikita ko ang pagtagas ng kanyang mga luha dahil sa aking pag-alis. Aaminin kong mas lalong nalungkot ang puso ng mahagkan niya ng pamama-alam ang aking pisngi at ang mas maskalap isipin, tuluyan kong lisanin ang baying sinilangan.
Dahil sa malaking halaga ang nalikom sa pagbi-benta ng mga rekados at mga sedan a ginto rin ang presyo ay nakayanan kong kumuha ng eksklusibong kamarote, medyo may kamahalan pero ay ligtas para sa biyaherong tulad kong nag-iisa.
Magtatakip-silim ng umpisang mag-layag ang aming sinasakyang Galleon mula sa ilog ng Guadalquivir patungo sa kontinente ng Amerika, doon marahil ay matatagpuan ko ang aking ama at matatagpuan din ng aking malupit na tadhana ang mapayapang kalsada ng aking kapalaran. Pero tiyak kong doon ay madaling matagpuan ang pansariling kapayapaan
Papasok na sana sa aking kamarote ng biglang narinig ng mga tenga ang mga katagang hindi mauunawaan ng isipan. “ Shalom! Medaber ivrit?” – “mapayapang pag-bati, nagsasalita ka po ba ng wikang Hebreyo?”- Sa wikang tagalong- Bigkas ng isang estrangherang Senyora. “ Huh! Ano po ang ating sadya?” Tanong ko sa kanya, tono ng boses ko ay nagtataka sa kanayang mga salitang hindi ko naiintindihan, pagka-tapos malingon siyang nakatindig sa pintuan ng kamaroteng mismong tapat ng sa akin. Minasdan ko siya mula ulo hanggang paa,prominente ang kagandahang andalusyana  sa pigura ng kanyang hitsura, pero batid kong isa siyang hudya, hindi ay dahil sa kahawig niya ang mga hudyong sinusunog sa Plaza tueing nangangailangan ng salapi ang korte ng Inquisition, kung hindi ay dahil sa lukso ng dugo,kalahati ng dugong lumalatay sa aking mga kaugatan ay hudya rin. Batay sa aristokratang pananamit, disenteng galaw, agad kong nalamang siya ay mula sa isang marangyang pamilya. Ayon sa mga usap-usapang naririnig sa bawat sulok ng mga kalsada sa Sevilla, kapag ang isang hudyang nais tumakas sa kaharian ng Espanya ay nararapat mag-bayad ng malaking halaga ng salapi o mga ginto sa mga taong may pinaka-mataas na katungkulan sa ilalim ng korona ng hari, kapalit ay kalayaan at papel ng pahintulot.
Hindi nagtaka pa ng mabasa ang ekspresyon sa aking mukhang walang maintindihan sa mga binitiwan niyang mga kataga, maliban sa katagang “ Shalom”, “ Pasensya na po kayo senyorita sa aking pang-aabala at kapangahasan!” Magalang ang kanyang paumanhin. Ako ay napangiti, natuwa, nabibigyan ng ginhawa ang nararamdaman, ako ay hindi na rin naglalakbay ng mag-isa. “ Akala ko kasi kanina ay marunong kang mag-salita ng hebreyo.” Muling sabi ng kaharap kong ginang, ginintuang kulay ng buhok ay bahagyang tinakpan ang mga matang nagku-kulay azul ng bahagyang yumuko, sinuri ang mga intrikadong larawang naka-ukit sa bitbit kong “ Banga”, aking naunawaan, kaya marahil tinanong ako sa wikang Hebreyo, hindi dahil sa pigura ng aking hitsurang may pagka-hudya rin ay dahil sa nakaukit sa bandang leeg ng “ Banga”, hango sa alpabetikong Hebreyo. Nagising ang aking ala-ala, nasagi ng aking isipan, minsan ay nabanggit ng aking depuntang abuela, marahil ay hindi tamang gamiting ang salitang depunta dahil habang-buhay ay mananatiling buhay siya sa aking isipan, natanong ko siya tungkol sa “Banga”, pagkatapos ng mahabang paliwanag ay pina-alalahanan ako, kung sakaling ako ay luluwas kahit na kung saan ay huwag na huwag kalimutang bitbitin ang “Banga”, ito ay magiging gabay  para matukoy ko ang aking tunay na pagkatao, proteksyon laban sa mga masasamang kaluluwa,pangatlo paninging makikita ang hinaharap ng aking buhay at mabisang bertud, hahatak ng aking magiging kakamping mapag-katiwalaan.
Tumayo din agad, pino ang mga galaw ngunit ay nakakatuhog ang paninging pilit binubuklat ang mga pahina sa aking kaluluwang naka-silid sa gilid ng aking mga mata. “ Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang naka-ukit sa leeg ng “Bangang” ito?” Tanong ng ginang, tono ng boses ay may bahid ng karangalan, hinahaplos ang nakaukit sa “Banga.”  “Opo Senyora! Maliban sa mga detalyeng mas malalim.” Maikli kong sagot, tumango rin ako, nais ko sanang makita ang galaw ng kanyang mga mata para malaman ang kanyng tunay na saloobin ngunit ay muling yumuko, sinuri ng mas masinsinan ang mga ukit. “ Ang ibig sabihin ng ukit ay Hatikvah sa wikang Hebreyo, ibig sabihin ay Pag-Asa, ang pag-asang balang araw ay magtitipon-tipon muli ang mga anak ni Abraham sa lupain ng Israel pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring panaginip. Mahigit isang libo at limang daang taong nakalipas mula ng itaboy ng mga Romano ang mga hudyo sa banal na siyudad ng Herusalem, hanggang ngayon ay pinapalayas pa rin ang mga hudyo, nagdurusa!” Tinig ng boses ay tinakasan ng pag-asa, disilusyonada, nawawalan ng tiwala sa pangakong makakabalik pa ang mga hudyo sa lupain ng Judea. Mga salita niya ay muling minulat ang aking kamalayan, dulot ng dugong hudyo sa aking katawan ay nakiramay ako mga  trahedyang sinapit ng mga hudyong halos buburahin ang lahi sa ibabaw ng mundo.  Dahan-dahang tumayo ng mas malapit sa akin. “ Paumanhin lang po hija! Sino sa inyong pamilya ang may lahing Hudyo?” Kanyang giit, malumanay ang boses, alam ko, batay sa ekspresyong ng kanyang mukha, nalalamang tanging isang may lahig Hudya lamang ang may karapatang magmamay-ari ng “Banga.”“ Ang Mama ko po ang may lahing Hudya, galing siya sa mga angkan ng mga Montefiore, buong pangalan niya ay Sarah Beatriz Montefiore del Cohen, pero ako ay isang converse, ganap na katoliko!” Direktang sagot, hindo ko binanggit ang tungkol sa angkan ng aking lolo at ang katotohanang ako ay isang bastarda, ipinanganak sa buntot ng masaklap na riyalidad, ang isang Espanyol ay hindi papahintulutan ng sagradong Iglesia Katolika maikasal sa loob ng simbahan kung ang magiging kabiyak ay isang Hudya. “ Marahil ay pagod na pagod kang tulad ko at nais mo na ring mag-pahinga, Limor Eitan ang tawag nila sa akin.” Kinamayan ako. “ Maria Beatriz De Castellano naman ang aking panglan.” Pagpapa-kilala ko sa aking sarili sa Senyora, sa aking wari ay mahigit limampung taon ang kanyang edad na nakalubog sa pagitan ng giwang ng tayog ng isipan at tulis ng mga titig. Marahang hinugot ang aking palad sa pakikipag-kamayan. “ Marahil ay papasok muna ako sa kamarote at magli-ligpit ng mga kagamitan. Nagagalak akong makilala ka Senyora Limor Eitan.” Magalang ang paumanhin ko. “ Kung magkaka-roon ka mamaya ng bakanteng sandali ay higit kong ikaka-galak na masaluhan mo ako sa pagdiriwang ng “ Tu B’Shevat”, ang bagong taon ng mga punuan, batay sa tradisyong Hudyo.” Ngumiti pagkatapos ng malambing na paanyaya, hinalikan ang aking pisngi, madali ko siyang naka-gaanan ng loob, gumanti rin ako ng halik sa kanyang pisngi bago pumasok sa kamarote at marahan kong isinara ang pintuan.
Tantiya ko ay isang metro ang lapad ng malambot na higaan, katamtaman ang haba, puwedeng pagkasyahin ang buo kong katawan, sa bandang paanan ay naroroon ang aparador, hanggang dibdib ang kataasan, kulay mahogany at sa loob ay iniligpit ng maayos ang aking mga damit. Maliit man ang kamarote ay mayroon namang banyong ubod ng linis. Mula sa giwang ng bintana ay matatanaw ang walang katapusang kalawakan ng karagatang laging tinutuhog ang aking kamalayan ng mga hiwagang hatid ng mga alon. Sa loob ay Malaya akong naghubad, hinugasan, maiging sinabon ang buong katawang nangangati sa mga dumudikit na alikabok sa akin balat, nilinisan ang aking laman ngwalang takot mabosohan hindi tulad n gaming banyo sa Sevilla, butas-butas dahil sa kamanyakan ng aming kapit-bahay, sa wari ko ay isang lalaking nasaniban yata kaisipang tinutusok ng matinding pagnanasa. Maliban sa tampisaw ng tubig, ningning ng mga bituin, hampas n mga alon sa tagiliran ng Galleon ay nakaka-kilabot ang katahimikan sa loob ng banyo at kamarote.
Pagka-tapos ng mahabng ritwal sa banyo ay lumabas na rin ako, nagbihis ng damit pantulog, tatanggihan ko sana ang alok ni Senyora Limor, pakiramdamdam ko ay lupaypay ang aking katawan, lakas ay hinigop ng matinding pagod dulot ng mga samo’t saring suliraning ginagambala ang isipan. Bigla ay narinig ang sunod-sunod na mga katok sa pintuan, alam kong si Senyora Limor, nais akong karamay sa kanyang kalungkutan, tulad kong mag-isang naglalakbay. Ang kaibahan nga lamang ay naglalakbay siyang walang katiyakan, parang kapalarang inaanod batay sa pabugso-bugsong ihip ng hangin at ang hangarin ko ay matagpuan ang aking ama. Pero ang tugmang  pangungusap, ang hangaring tunay ni Senyora Limor ay takasan ang persekusyon, layasan ang lupaing nababaliw sa kamandag ng Inquisition.
“ Hag Sameach!” “ Maligayang pag-bati!” , - sa wikang tagalog- Kanyang bati sa wikang Hebreyo ng tumambad siya sa aking harapan, matapos mabuksan ang pinto, blangko ang isipang pilit inu-unawa ang mga salitang ipinukol, magiliw ang mga ngiti, hinalikan ko siya sa pisngi, bit-bit ang mga tuyong prutas at isang boteng alak.

“Tuloy po kayo!” Walang atubiling anyaya ko.
“Maraming salamat Hija!” Marangal na sagot, dumiretso kami sa mesang salungat ng higaan at sa hapag nito ay pinagsaluhan ang bagong taon ng mga puno sa gitna ng matatamis na mga katagang binabalutan ng mga pangako.
“ Nagugustuhan ko ang iyong angking lakas ng loob Hija, pero ang kontinente ng Amerika ay higit na mas malawak kaysa lupain ng Europa! Paano mo mahahanap ang iyong Papa roon?”  Bigkas ni Senyora Limor, tubong Toledo ayon sa kanyang salaysay, ang angkan ay mangangalakal ng mga bakal ngunit ay sinunog ng mga sundalong Kastila, karamihan ng kanyang angkan ay ikinulong sa maruming bilangguan ng Madrid dahil tinaggihan ng kanilang ama ang sapilitang pagpapa-binyag sa relihiyong katoliko, wala siya sa loob ng sunugin ang kanilang tahanan, tanging naabutan ay ang nagliliyab pang mga poste at abo ng bubungan.
“Magtanong-tanong na lang marahil ako!” Maikling sagot, nakita kong  nagulat ang kanyang mga matang may halong pagdu-duda, hindi lubos maisip kung ako ba ay magtatagumpay sa aking pakay. “ Nagustuhan ko rin po ang taglay mong tapang at sa wari ko ay madali kang pagka-tiwalaan.” Muli kong wika.
“ Huwag kang magtiwala agad sa mga taong iyong nagugustuhan, ang gagawin nilang kataksilan ay ang magbabaon sa iyo sa libingan ng kabiguang walang kasing-saklap.”  Mga katagang hinugot ng karunungang hinubog ng karanasan.

Sa gitna ng mahabang talakayan,  pag-kain ng sampung uri ng mga prutas, pag-inom ng apat na kopang alak, paraan kung paano ipag-diwang ang Tu B’Shevat, makabuluhang okasyong binibigyan halaga ang pag-galang sa kalikasan ay lumawak din ang aking isipan at payapa kaming nama-alam sa isa’t-isa.
Muling naiwang mag-isa sa loob ng kamarote,mas madilim pa yata kaysa karagatang Atlantik, ang karagatang punong-puno ng kababalaghan ayon sa mga griyegong manunulat ngunit ay naging isang kathang-isip lamang, pilit binuwag ng mga konkistador at mga manlalakbay ang paniniwalang – Ang dulo ng mundo ay nagwawakas dito –
Nakahiga , kamarote ay nangangamoy dagat, isipan ay hinuhubaran ang aking ala-alang binabalot ng mga  seda ni Juan Miguel de Figueroa, sa puntong ito ay ang pinaka-mahalagang karakter sa bawat hibla ng aking buhay, kung hindi marahil sa kanyang mga rekados, malamang ay naibenta ko ang tahanan ng aming angkan – Villa de la familia Castellano – Ang tahanang itinatag sa adobe ng kagitingan at haligi ng kadakilaan ng aking abuelo.
Bukod sa matatalinong kataga ni Juan Miguel ay nananbik ako sa kanyang nakaka-baliw ng mga pangarap. Kung ilang buwang hindi napadalaw sa amin, huli kong nabalitaang lumuwas  sa isla ng mga rekados sa malayong silangan, magtataka siya kung sakaling mapadalaw balang araw sa Villa, si lola ay pumanaw na, kanyang kinagigiliwan at ako ay umalis na rin, kanyang minamahal.
Ang isang tao ay nagiging mahalagang bahagi nga pala ng iyong buhay sa sandaling mawalay sa iyong tabi, ngunit ay nakaka-iritang isipin sa tuwing laging kapiling, hindi dahil naiinis ka sa kanyang pagmumukha, nababagot sa tuwing dinuduyan ng kanyang pagma-mahal ang iyong puso, kung hindi ay dahil ayaw mo siyang pakawalan pa, habambuhay ibibilanggo sa loob ng mahihigpit na yakap. Subalit ang buhay ay sadyang niyari na laging may pintuan, magsi-pasukan at magsi-alisan din ang mga panauhin, ang mas masakit ay kung ang mismong minamahal ang siyang aalis, walang katiyakan kung muli ay magkakatagpo pa.
Kung talagang wagas ang pag-ibig ni Juan Miguel, gagawa siya ng kahit na anong paraan para ako ay muling matagpuan. Kung batid lamang niya, mas nanaisin ko pang tumandang dalaga kung hindi man lang siya ang magiging kabiyak, siguro ay kanyang naiintindihan ang dahilan ng pagtanggi ko sa alok niyang kasal, may obligasyon akong dapat gampanan para sa ikaliligaya ng aking mahal na abuela.
Kung saan man siya naroroon ngayon, sana ay kanyang malaman kung gaano ko siya kamahal, bagkus ay mahal na mahal, hanggang ngayon kahit sa aking pagtulog ay hanap-hanap siya ng aking isipan, sa aking mga panaginip ay siya ang laging laman. Batay sa aking paniniwala, kung ang dalawang nilalang ay wagas nag-iibigan at pinag-hiwalay ng kapalaran ay kusang pagtatagpuin ng tadhana dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi hahayaan na lamang ni kupido na maglaho at magiging alikabok.
Hindi naging payapa ang pangalawang linggo ng aming pag-lalayag, ang buong Galleon ay nagmistulang purgatoryo, hinagupit ng bagyong napaka-bagsik. Maliban sa akin at mga tripulante ay nagsusuka ang mga pasahero, hindi nakayanan ng kanilang sikmura ang pag-alog ng Galleon, pasirko-sirko sa tuktok ng mga alon. Tinungo ko ang kamarote ni Senyora Limor, nadatnang nagku-kulay berde ang suka, nagbalat ako ng mga naranhita, piniga ang mga balat at pinalanghap, kahit napawi na ang sakit ng ulo ay lumalalim ang kanyang mga mata, kumuha ako ng tuwalya, binasa ng mainit na tubig at pinunasan ang mukha. “ Huwag kang mag-alala, malalagpasan din natin ang panahong nagsu-sungit!”  Nagbulong ako ng mga katagang may katatagan , hindi niya nakuhang sumagot, lupaypay at hinang-hina. Lumabas ako ng kamarote, hinayaang mag-pahinga ang ginang, bitbit din ang mga balat ng naranhita, ipinalanghap sa mga nagsusukang pasahero.
Malakas ang sigaw ng kapitan mula sa kanyang kamarote, mahigpit ang utos sa mga tripulante, itapon sa dagat ang mga kargamentong kahoy, gaano man kalakas ang hampas ng mga alon ay nananatiling kalmado, kontrolado ang situwasyon, mukhay ay walang bakas ng pagta-taranta.
Matapos kong maasikaso ang mga pasahero ay humuhupa na rin ang bagyo. “ Hanga ako sa ipinamalas mong kagitingan at katapangan sa gitna ng karahasan ng bagyo!” Bigkas ni Kapitan Antonio Maria Velasquez, tubong Cadiz pero ang ina ay taga Genoa, ang bayang pinagmumulan ng mga mahuhusay na mga manlalayag at mga kapitan. “ Batay sa aking pagbubuklat ng aking manipesto dahil namangha ako sa iyong katauhan, apo ka pala ni Kapitan Juan Gabrielle de Castellano, ang mandirigmang nagligtas sa banal na Iglesia Katolika, marahil ay nakuha mo sa kanya ang dugong may angking kagitingan at katapangan.” Muling wika, maginoo man ang galaw ngunit ang boses ay dominante, matatag at makapangyarihan. “ Salamat kapitan, bilang isang babaeng kastila ay obligasyon kong pagsilbihan ang kapuwa.” Tumango siya ngunit ay lumingo dahil batid niya, sa kontinente ng Amerika ang mga kastila ay hindi nagsisilbi kung hindi ay pinagsisilbihan, mga kahayupang ginawa laban sa mga katutubo ay karumal-dumal, hindi gawain ng isang sibilisado kung hindi ay ng isang diyablo. Pagka-tapos ng maikling palitan ng mga kuwento ay agad kong tinungo ang kamarote ni Senyora Limor, mahimbing ang tulog, maigi na ang pakiramdam.
Kung ang pangalawang linggo ng paglalakbay ay malupit na purgatory, ang pangatlo ay nakakawala ng ulirat dulot ng impiyernong karumihan, dahil sa kakulangan ng tubig ay dahan-dahang gumagapang ang mga kuto sa mababahong buhok ng mga pasahero. Napapanatili naming ni Senyora Limor ang kalinisan ng aming pangangatawan,nag-ipon kami ng balde-baldeng tubig noong kasagsagan ng bagyo, ang mga lumang kumot ay isinabit sa bintana at ipiniga ang naipong hamog sa mga palanggana. Ang masaklap pa ay ang kakulangan sa pagkain, naisip kong ipunin ang bawat butil ng garbanzo mula sa tira ng mga pasahero, pinakuluan para lumambot, pinalamig muna bago dinikdik hanggang sa lumapot. Nagpakulo ako ng dagat hanggang sa tumuyo at ang natira ay ang mga malilit na mga Kristal ng asin. Sa bawat kalahating kaldero ng malapot na garbanzo ay hinaluan ko ng kalahating kutsaritang asin. Nahatak ko ang kanilang galang, ang kaalamang ito ay magagamit ko bilang sandata sa hinaharap.
Panaka-naka ay may anod na mga kahoy, bumabangga sa tagiliran ng Galleon, panay din ang ikot ng mga ibon sa mga layag, ang iba ay pumapatong sa poste sa harapn ng Galleon, mula sa giwang ng aking bintana, kalagitnaan noon ng Marso, sa ilalim ng kalangitang azul ay matatanaw ang kolonyal na siyudad ng Villa Rica de Vera Cruz, itinatag ni Hernan Cortes noong 1520, ang konkistador na biglang naging marquis ng Oaxaca noong 1522 at Kapitan Heneral ng Nueva Espanya. Mahiwaga nga ang kontinente ng Amerika dahil kayang palitan ang kulay ng tadhana, ang isang hamak na nilalang ay biglang maging isang Gobernador o isang Marquis kapag napalamon ng maraming ginto ang Korona ng Espanya na tila ay walang kabusugan.
Sa loob ng banyo habang ako ay naliligo, dinig na dinig ko ang malalakas na bulyaw ng trumpeta, hudyat ng tuluyang pag-daong ng Galleon sa pier ng Nueva Espanya. Nakakabulahaw ang mga kalampag sa loob ng mga bodega. Nagbigay ng utos ang kapitan na ibaba ang damyo. Pagkatapos mai-ayos ang mga damit sa loob ng maleta at balutan ng makapal na seda ang “Banga” ay lumabas na rin ako sa aking kamarote. “Sabay na tayong bumaba Hija!” Paanyaya ni Senyora Limor , naghihintay pala sa aking pag-labas, maaliwalas ang mukha, bitbit ang maletang yari sa tupa. Tulad ko ay hindi rin siya nag suot ng belo, nakaka-bagot ang init ng kilmang tropikal, bawat hakbang ay may katumbas na isang basong pawis, rumaragasa sa aking noo.” Nawa ay magtatagumpay ka sa iyong hangaring matagpuan ang iyong ama Senyorita.” Magiliw ang pagka-wika ng Kapitann nasa bukana ng damyong nakasubsob na sa daungan. “Salamat po!” Matipid kong sagot, sabay halik sa pisnging namumula at tumapak ang aking mga paa sa lupa ng kontinenteng patuloy ina-alipin ng mga kolonyalista ang mga katutubong indyo, ngayon lang nakita ng aking mga mata. Hubad at lantad ang kulay kayumangging balat, karga ang aming mga kagamitan sa knailang balikat, tanging saplot nila ay manipis na telang nakatakip sa maselang bahagi ng kanilang katawan. Palabas ng daungan ay kumakapal ang nasasakubong naming mga prayle, ang tunay na may makapangyarihang posisyon sa gobyernong kolonyal. Ang mga tisa sa kalsada ay ibinubulong sa mga bagong saltang tulad naming ang tagumpay ng liberalism, mas maraming ginang at mga binibining malayang naglalakad ng hindi nakasuot ng belo, maikli ang pananamit, sa Espanya ay isa itong kalapastangan. “ Ang dulot ng kaunlaran ay makabagong kaugaliang habambuhay ay ibabaon ang konserbatibong paniniwala sa katakumba ng kasaysayan.” Bulong ng aking isipan.
Binabagabag ang damdamin ni Senyora Limor tuwing may mga mestisong nakakasalubong, mas mababa ang antas sa lipunang kolonyal, narinig niya sa nakausap na mga mangangalakal, ang mga katutubong ina ng mga ito ay ginawang parausan ng mga kolonyalista pagkatapos alipinin, alam niyang darating ang panahon, ang mga bastardong mestiso ay mag-aaklas laban sa Espanya, makikibaka para magkaroon ng mga karapatag tulad ng mga may lahing purong kastila. Sa bawat kalsada ng Vera Cruz ay gumagapang na ang putik ng pag-aaklas, usap-usapan ang matagumpay na pakikibaka ng negrong aliping si Gaspar Yanga, lumaya laban sa mga konkistador.
Unti-unting umusbong ang uring mangangalakal, nagkakaroon ng kapangyarihang political, nagtatag ng mga magagarang gusali sa lungsod ng Vera Cruz,palatandaan ng karangyaan, isinisigaw ng kanilang damdamin, ang kontinente ng Amerika ay paraisong punong-puno ng mga oportunidad. Laging puno ang mga restoran ng mga kliyenteng walang ibang pinag-uusapan kung hindi ay salapi, salapi at salapi. Walang puwang ang krisis, lahat ay nabigyan ng hanap-buhay dulot ng kalakalang Galleon, lahat ay nagsasaya, nakikinabang, araw-araw ay may pistahan. Sa aking wari, ito marahil ang dahilang kung bakit ang mga konkistador ay ayaw ng umuwi ng Espanya kapalit ng dekadenteng kaligayahan.
Natuwa ang mga indyong Tlaxcalan, binigyan ko ng isang garapang cinnamon kapalit ng kanilang serbisyo.Inilapag muna an gaming kagamitan bago umalis. Kinatok ko ang pintuan ng bahay-paupahang nabanggit sa amin ni Kapitan, nasa tapat ng Forte San Juan de Ulua, kahit nagdadalwang-isip ay panay ang aking katok, tantiya ko ay ito ang tugmang bahay batay sa deskripsyon ng kapitan, pinaghalong katutubong sining at kastila.
“Unica-Hija ka pala ni Senyor Paulito Gabrielle de Castellano, matagal ko siyang nakasama rito, isang taong kagalang-galang, marangal ang hangarin, hanga din ako sa kanyang paniniwala, ang tunay na yaman ay hindi ang mga gintong kinababaliwan ng mga kastila kung hindi ay ang mga lupang bubungkalin, pagtataniman, bibinyagan ng dugo at pawis, taglay niyang pangarap ay kay sarap pakinggan. Nais magtatag ng isang bansang itataguyod ang kapakanan ng karamihan, lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na hustisya at oportunidad. Halos araw-araw ay nagpupulong kami subalit ay bigla siyang umalis ng hindi ko alam ang dahilan, pero ay subukan mong pumunta sa simbahan ng Vera Cruz, tiyak ay alam ni Padre Benito de la Huerta ang kinaroroonan ng iyong ama dahil doon siya laging nagkukumpisal.”
Mahabang salaysay ni Senyor Gustavo Suarez, ang may-ari ng bahay-paupahan, nakatayo sa harap ng mesang mataas, bigote at balbas ay namumuti sa karinyosong hitsura. Ang kauna-unahang nilalang na pinagtanungan ko tungkol kay ama at hindi ako nabigo. Tubong Sevilla din, tiyak ay may nalalaman tungkol sa aming pamilya, alam kong sa haba at tagal ng kanyang pamamalagi sa Vera Cruz ay pamilyas sa mga labas-pasok na mg konkistador, lalo na sa paupahang-bahay kung saan ay madaling makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga walang matutuluyan at mga ligalig na patuloy pa rin sa paghahanap ng kanilang mundo.
“ Nakaka-pagtaka, ang isang sibilisadong emperyo ng mga Aztec, may daang libong mga kawal ay nalipol ng limang daang mandirigmang kastila!” Binasag ni Senyora Limo rang katahimikan sa loob n gaming kuwarto, pinagmamasdan ang pyramid ng El Tajin mula sa bintana.
“ Sapagkat ay organisado ang pagkabrutal ng mga berdugong kastila kaysa watak-watak na mga kawal ni Montezuma II, dagdag pa riyan ay naniniwala silang mga kastila ay mga sugo ng kanilang diyos-diyosang si Quetzalcoatl, agad silang nag-tiwala, sinamba at buong pusong tinanggap, lingid sa kanilang kaalaman ay pagtataksilan sila, aalipinin at paparusahan.” Direktang sagot ko, namangha pa rin at nag-aalinlangan. Samantala ay patuloy kong inaayos ang mga unan sa ibabaw ng higaan.

Naghahalo ang tagos ng bukang-liwayway sa madilim na sulok ng langit, ang loob at labas ng “Gustavo Viajero Inn” ay kinukumutan ng hamog, makapal at malamig. Marahan akong nagbihis pagkatapos maligo, iniiwasang magambala ang kahimbingan ng ginang. Maingat isinara ang pintuan at bumaba. Makintab ang bawat palapag ng hagdanang yari sa kahoy ng yakal.
Tanging isang lampara ang naging tanglaw sa silid-kainan habang nag-aalmusal ng tatlong pirasong pan de sal, dalawng pritong itlog, isang mahabang chorizo at isang tasang mainit ngunit ay may pait na inuming medyo ay malapot, sabi ng servidora ay “ cocoa” ang tawag dito, inumin ng mga katutubong indyo, nakakapag-bigay ng lakas.
Tiyak ay tulog pa si Senyor Gustavo, wala sa harap ng mesa kung saan tinatanggap ang mga kliyente, hindi ako nagaksaya ng panahong hintayin siya para mag-paalam, agad lumabas sa pintuang inukitan ng mga pigurang Aztec, hinayaang dumampi ang hamog, may kalamigan sa aking balat, marahan ang aking mga hakbang, namamangha ang paningin sa ganda ng Fort San Juan de ulua, sa likod ng madugong pananakop ay matagumpay naipa-laganap ang katolisismo at sibilisasyong kastila sa mga adobeng pader ng Fort.
“Isang huwarang kristiyano ang iyong ama hija,mas nanaising ibahagi sa mga katutubo ang kurs ang mga banal na eika ng mesaya kaysa mgakamkam ng karangyaan at mga lupain, sa bandang huli lahat ay iyo ring iiwan.” Bigkas ni Padre Benito, inihahanda ang dambana sa loob ng simbahan ng Vera Cruz para sa pang-umagang misa, napa-krus ako sa imaheng banal ng Hesus-Kristo ng puting belo. “ Mahal na mahal ka ng iyong ama, tatlong beses kung magkumpisal siya sa isang linggo, laging dinadalangin ang iyong kaligtasan.” Dinig ko, marahil ay naibahagi rin ni ama, ako ay isang putok sa buho, nauunawaan ko ang pagluwas ng aking ama para sa aming kinabukasan at para sa bayan.” Ang huli kong narinig tungkol sa kanya ay andoon siya sa Acapulco.”
Maghunos dili ka Senyorita Beatriz!, mas maiging pag-isipan muna natin ang gagawing mga hakbangin.” Naging bingi ako sa mga payo ni Senyora Limor, nagmadaling niligpit ang mga kagamitan sa loob ng maleta, sapat ang mga impormasyong nahagilap ko  mula kay Padre Benito, buong-buo ang pasyang tunguhin ang siyudad ng Acapulco, nagkukulimlim ang langit, may dalang hanging malamig sa aming kuwarto, napangiti ako, sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay isa-isang kinuha ni Senyora limo rang mga damit sa kanyang aparador, iniluklok sa kanyang maleta, kita ko ang sinseridad mula sa mga ugat ng kanyang namumutlang mukha, makikiramay sa akin kahit saan man ako papadparin ng ihip hangin.
“ Pasensiya ka na Senyora sa pabugso-bugso kong desisyong determinadong mahanap si ama, kung ako ay mawawalan ng kapangahasan, tiyak ang aking kabiguan.” Malumanay ang aking pagka-bigkas, katahimikan ay bumalandra sa loob ng aming kalesa, matulin man ang takbo, mabilis ding sumusunod ang ibong tropikal, makukulay ang mga balahibo.
Dag-dag pa sa nakaka-baliw na usbong ng apat na kabayong humihila sa kalesa ay ang sakal ng init mula sa nagkuku-limlim na gubat, parang tinatakpan an gaming mga ilong, hairapang huminga. Maliban sa mga nakaka-malaryang kagat ng mga lamok ay panaka-naka rin ang mga kalesang nasasalubong. Sa gitna ng mahabang paglalakbay, kasumpa-sumpang makita ang walang-awang pang-aalipin ng mga tsinong napagkamalang mga magnanakaw, kinakastigo at nilalatigo kapag nagkakamali sa pagkukumpuni ng kalsada, hindi lubos maunawaan ng aking isipan, ang isang edukadong kristiyanong espanyol ay kayang sikmurahin ang kahayupan laban sa kapuwa. Kahit pa man ay nagtaksil ang mga tsino laban sa kaharian ng Espanya, pero sa tinging ko ay hindi tamang sila ay pagmamalupitan, marahil ay isang babaeng emosyonal, mababa ang nalalaman o walang karanasan sa paglilingkod sa kolnya ng Espanya kaya ay hindi naiintindihan ang nakikita, marahil ang pagmamalupit, pangaalipin at madugong pagpaslang sa mga nagkasala ay mabisang paraan para sa integrasyon ng buong kolonya.
Kung ilang kalsadang madudulas an gaming natawid, libo-libong higanteng mga punuan ang nadaanan, mula sa matarik na bangin ng Sierra madre del sur ay bumulaga sa aming paningin ang luntiang siyudad ng Acapulco.
 Ang mala-impiyernong init sa aming inuupahang silid ay lalong lumagablab sa mga mahahapding sagot ng may-ari – Senyor idelfonso Rodriguez – kanyang mga kataga ay binubug-bog ang aking damdamin, tinutusok ang aking ala-ala habang ako ay humihikbi sa ibabaw ng higaan. “ Matagal ng umalis ang iyong amang si Ginoong  Paulito Gabrielle de Castelano. Batay sa aking nalalaman, dahil ay anak siya ng dakilang mandirigmang nagligtas ng Iglesia Katolika laban sa mga heretiko ay nakumbinsing lumahok sa isang ekspidisyon ni Kapitan-Heneral Juan Nino de Tabora upang sugpuin ang mga piratang morong ginagambala ang kalakalan at katahimikan sa kolonya ng Las Islas de Felipinas,mas lalo pang nakumbinsi ni Padre Juan Ruiz Azcarraga ng makita ang inukit niyang Imahe ng sagradong Birhen Maria,ayon sa mga prayle ay milagroso ang imahe, maghahatid ng tagumpay sa mga konkistador. Noong Marso 1626, hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong petsa ay sumama sa ekspidisyon, lulan ang Galleon ng El Amirante.” Mga katagang pabalik-balik sa aking sentido, nilulubog emosyong nangingitim ang nakataob kong katawan sa ilalim ng matinding kalungkutan. Patuloy an gang pagtatangis ng hindi namamalayan ang pag-lapit ng Senyora sa aking tabi, pinipisil ang aking batok, pilit tinatanggal ang tinik ng pagdadalamhati. “Huwag kang sumuko kaagad hija sa mga hamon ng matinding dagok sa buhay,bagkus ay dapat kang magsaya dahil ang mga pagsubok ang magpapatibay sa iyo, mga karanasang mapapait ang magpapa-tatag sa iyong adhikain,kung nabigo kang matagpuan ang iyong ama ditto sa kontinente ng amerika, marahil sa las islas Felipinas ay magtagumpay ka, kung kakapusin man tayo sa panggastos, ako ay laging nasa iyong tabi, aalalayan kang palagi tungo sa iuong hangarin, tiyak doon sa malayong kapuluan ay matatagapuan natin ang mga bagong oportunidad!” Payo at pananalig,muling binuhay ang lakas sa aking loob, sinubukan kong tumayo, niyakap siya ng mahigpit hinalikan din ang magkabilang pisngi. Sa wari ko ay tama siya sa sinabing madaling mahanap ang mga oportunidad sa kapuluan dulot ng rumaragasang kalakalang Galleon sa pagitan ng Acapulco at maynila, malaking halaga ng buwis ang naiambag ng mga mangangalakal sa kaharian ng Espanya, ibig sabihin ay malaki ang naging tubo sa mga ibini-bentang mga kalakal.
Kung ang mahigit dalawang linggong pag-tawid mula sa Sevilla patungong kontinente ng Amerika ay purgatoryo, salungat ito sa aming paglakbay mula Acapulco hanggang sa Las Islas de Felipinas noong Abril 5, 1633. Sapat ang kargamentong mga pagkain at tubig dahil sa mas malaki ang Galleon, yari sa matibay na kayon ng apitong, tanguile at yakal mula sa mga kapuluan n gaming patutunguhan. Mas malayo at malawak ang karagatang Pasipiko ng Pasipiko, dahil mas epektibo ang mga layag, yari sa mga hibla ng abakang galing sa kapuluan ng Ylo-Ylo ay mabilis naming narating ang Las Islas de Felipinas.
Ang pinaka-mahalagang luluan ng Galleon kaysa mga ginto at pilak mula sa minahan ng Zacatecas ay ang magiging Gobernador—Heneral, si Juan Cerezo de Salamanca. Minsang sinungitan ni Senyora Limor, tinanggihan ang alok ng Ginoong makipag-kamayan dahil galit sa mga matataas na opisyal ng kahariang Espanya, naniniwalang mga sunod-sunurang mga instrument ng Hari para sa tuluyang pag-bura ng lahing Hudyo sa balat ng Espanya.
Naliban sa mga cacao at mga indigo ay ang limang-daang katutubong indyong may mahabang karanasan sa pagtatanim ng mais at tabako ang lulan, ang wika nilang nahuatl ay unti-unting nahaluan ng mga katagang kastila.
Pansamantalang inupahan namin ang tatlong kuwartong bahay, nasa gilid ng kumbento ng San Diego de Alcala, malapit sa ospital ng San Jose, itinatag ng mga konkistador at mga sundalo tuwing dumarating sila rito sa Cavite la punta mula sa digmaan.
Maliliit subalit ay komportable ang mga kuwartong may sariling banyo, kulay itim ang sahig, yari sa tablong makintab na kamagong galing sa kapuluan ng Mindoro. Medyo ay may kalaparan ang sala kung saan ay naroroon ang hapag kainan, ang malaking bintana ay dinadaluyan ng sariwang hanging galing sa dalmpasigang sinputi ng mga ulap ang buhangin.
Dahan-dahang bumangon at umangat ang aming buhay sa Las Islas Felipinas na binubuo ng mga islang watak-watak kaya ay madaling nalipol ng mga kastila. Kahit hindi man sasakupin ay talagang nais ng mga naninirahan ang makipag-ugnayan sa may mga mapuputlang kulay ng balat dahil sa panibagong kaalaman at sistemang pang-kabuhayan.
Naging abala ang Senyora sa pangangalakal ng mga telang yari sa mga hibla ng katutubong bulak, higit na mas mababait ang mga katutubo rito kaysa mga katutubo ng Amerika. Humingi muna ako ng paumanhin sa kanya bago gumawa ng mga chorizo at hamon dahil siya ay purong Hudya, baka aking malabag ang kanyang pinapaniwalaang batas ng Kosher. Hindi naging mahirap ang pagbi-benta ng mga kastilang pagkain, marahil ay bukas ang isipan ng mga katutubo o siguro ay nais rin matikman ang mga putaheng bago sa kanilang panlasa. Lumago ang aming kabuhayan, napilitan kaming kumuha ng isang kasambahay, taga Cavite rin. Tantiya ko ay hindi hihigit sa 20 ang edad ng dalagita, makinis ang kayumangging balat, malumanay ang boses, mahinhin ang mga galaw at higit sa lahat ay mas malinis sa pangangatawan, tatlong beses o higit pa kung maligo sa isang araw.
Ang pangunahing dahilan ng biglang paglaki ng kabuhayan ay dahil sa walang kumpetensya ang  aming mga kalakal, kontrolado ang presyo, higit sa kalahati ang tubo, mas mura ang mga katutubong sangkap.Pero ay hindi maiwasang may nais malaman ang dahilan sa likod ng paglaki ng isang kalakalan. “Binigyan po ako ng isang daang peseta ni Ginoong Lee Xiao Dee para sabihin ko sa kanya ang lihim sa pag-gawa ngmga binibenta mong pagkain Senyorita!” Sumbong ni Mariana, aming kasambahay, habang nag-aalmusal kami ni Senyora Limor. “ Mandurugas ng makabagong kaalaman ang tsinong iyon, hindi lang magnanakaw ay ugat pa ng kurapsyon, sana ay hindi ito matututunan ng mga katutubo. Nagbigay ka ban g impormasyong kapalit ay salapi?” Tanong ng Senyora, boses ay malamig, may ikinukubli, dahil may mahabang karanasan sa pangangalakal ay hindi makikita ang bakas ng galit sa mukha, sa larangang ito ay mas makapangyarihan ang takbo ng utak kaysa init ng emosyon.” Walang impormasyon po akong naibigay sa kanya, isinauli ko rin ang salaping kanyang gantimpala sana.” Mga kataga niya ay nababahiran ng katapatan, ayaw magtaksil, sana nga ay hindi malulusaw ang kagandahang asal ng mga katutubo sa pangil ng mga dragon ng mga tsinong naniniwalang kataksilan ay tamang gawin kung ang kapalit ay pilak, mga panibagong hudas sa kolonya ng Espanya, nilalapastangan ang batas ng katapatan.
Batid ko ang katapatan ni Mariana sa sarili at sa amin sa gitna ng malawakang pag-aaklas ng mga tsinong mangangalakal, kinikiliti ang mga kamalayan ng mga tauhang katutubo laban sa aming mga banyagang kastila, binubuwag ang namulatan nilang sistema, madugong binubura at saka ay papalitan ng sibilisasyong kolonyal, ang mga balahibo ng mga batas ay dayuhan sa kanila. Pero ay mas nanaisin ng mga katutubo ang mapasa-ilalim sa isang kristiyanong pamahalaan kaysa mga tsinong walang kinikilalang Diyos ng pag-ibig, mga naniniwalang pagmahal sa kapuwa ay karupukan, ang mas nakaka-lungkot ay kung mapasa-ilalim sa pamahalaan ng mga piratang moro, walang tigil sa pandudukot, hahalaying muna ang mga kababaihan bago ibibenta.
Naging panatag ang aming loob sa kanya, ginagalang at tinuturing bilang bahagi naming, dahil sa tiwala ay nagkaroon ako ng panahong tunguhin ang simbahan sa Tipolo. Batay sa aking mga naririnig mula sa mga mandirigmang kastila ay naroroon ang Milagrosong imahe ng Birhen Maria,mismong inukit ni Ama. Kung sakaling matagpuan ko ang imahe ay hudyat na nalalapit na ang katapusan ng aking misyon, ang matagpuan si Papa.
Lubak-lubak ang kalsadang makipot mula Cavite la punta hanggang sa barrio ng Tipolo dulot ng arawang buhos ng ulan. Para sa tulad kong taga Sevilla ay luntiang paraiso ang tumabad sa aking mga mata, berdeng-berde ang mga kabundukan, mabango ang halimuyak ng mga halaman at napakalinis ng tubig sa ilog. Ang mas nakakpukaw ng interes ay ang kubong maliit, yari sa kawayan at binubungan ng kogon, tiyak ang mga nakatira sa bahay na iyon ay mga yaong masayahin sapagkat sila ay kuntento, hindi nagdurusa sa pang-aalipin ng sobrang kasakiman sa mga material na bagay.
Naupo ako sa isang mahabang upuang yari sa kayumangging mahogany sa loob ng simbahan, hinintay si Padre Juan de Salazar, taga-pangasiwa ng simbahan ng Tipolo, ang imahe ng milagrosong Birhen Maria, kulay kayumanggi ay nasa likod ng dambana, hindi ako nagtaka sa naging kulay ng imahe, sa wari ko ay mabisa ito para madaling mahatak ang mga kayumangging indyo sa pananampalatayang katoliko.
“Magandang araw sa iyo binibini! Ano po ang maipaglingkod ko sa iyo? Bati ng pari, medyo mas maputla ang kulay kaysa karaniwang karaniwan kastila, marahil ay nagmula sa lahing Basque kung hindi ako nagkakamali, lumapit sa akin,nagbigay ng galang.
“ Magandan araw din po sa inyo! Napunta ako rito upang hanapin ang aking amang si Ginoong Paulito Gabrielle de Castellano.” Naging mababa ang tining ng aking boses sa pagbati, magalang subalit ay direkta. Marang tumayo at kinamayan siya.
Pinagmasdan ang aking hitsura. “ Ikaw pala ang Unica-Hija ng dakilang konkistador, hawig mo ang pananalita, pungay ng kaluluwa at pagmumukha ng iyong ama. Magiting siya, nawa ay lalong maipalagananp sa buong kapuluan ang Pag-Ibig ng mesaya para sa kaligtasan ng mga makasalanang kaluluwa. Milagroso ang mga kamay ng iyong ama, ang imaheng inukit niya, nasa likod ng dambana, nagligtas ang sa mga pasaherong lulan ng Galleon ng El Amirante, kasama ang iyong ama at si Gobernador-Heneral Juan nino de Tabora. Batay sa mga tripulante, nasaksihan nila ang Birhen Maria sa pag - apula ng apoy kaya ay nagkulay kayumanggi ang kanyang nasunog na balat. Nagbuhos ang langit ng hindi inaasahang malakas na ulan, tuluyang nailigtas ang Galleon sa lagablab ng apoy, ngayon ang banal na imahe ay naging Nuestra Senyora de la Paz y Buenviaje ang patron ng mga manlalakbay.”
Mabang paliwanag, suot   ang selyo ng mga Jesuita, lalong pinatingkad ang katotohanan ng kanyang mga kataga.
“ Sa loob ng mahabang taong pagha-hanap sa aking ama ay laging katuwang ko ang kabiguan, nais ko siyang makita, matagpuan, mayakap at mahalikan ang kanyang mga pisngi.”
Wika ng aking saloobin, ngunit ay ikinubli ang katotohanang hindi nasaksihan ni ama ang aking kauna-unahang araw sa lupa.
“ Tulad ng iyong dakilang abuelo ay isa ring mandirigma ang iyong ama, matagumpay napasailalim ang mga kapuluan sa pamamahala ng banal na Iglesia Katolika. Kasagsagan ng panlulusob at pandudugas ng mga piratang moro laban sa mga kristiyano, nag-pasya ang Gobernador-Heneral magpadala ng mga sundalong kastila at mga pintados sa pamumuno ng iyong ama patungong Jolo para tuluyang masugpo ang karumal-dumal na pamimirata ng mga moro.” Sabi niya, napakrus, kaharap ang sagradong imahe ng Birhen Maria. “ Simula noon ay hindi na muling dumalaw sa milagrosong imaheng mismong inukit ng kanyang mga kamay, batay sa mga kilala ko sa pamahalaan ay nabigyang tahas mag-hanap ng istratehikong lugar sa bayan ng Jambanga para mag-tatag ng Forte para mailigtas ang mga kristiyano laban sa mga walang pusong pirata.” Patuloy niya, nagbuntong hininga.” Sa kasalukuyan ay bumubuo ng mga mandirigmang magigiting si Gobernador-Heneral Juan Cerezo de Salamanca sa pamunuan ni Kapitan Juan de Chavez para mapanatili ang kapayapaan sa Ciudad de Zamboanga at para na rin sa mga kaligtasan ng mga trabahanteng nagta-tatag ng Forte, tutulungan kitang makalahok sa makasaysayang ekspidisyong ito, marahil doon ay matatagpuan mo ang iyong ama.” Kanyang pananalig, tapat sa mga salita at alam ko iyon.
“ Salamat po Padre, maraming! Maraming salamat po!” Aking wika, tuwa sa aking kalooban ay hindi lubos masukat ng aking damdamin. Agad ay niyakap ko ng mahigpit at mahigpit at hinalikan sa mag-kabilang pisngi.
“ Walang ano man hija!”
Ngumiti sa nakitang reaksiyon ng aking mga matang uma-apaw sa sobrang kaligayahan.

Nadatnan kong namumula ang kulay ng aninong iginuhit ng dapit-hapon sa ding-ding ng aming inu-upahang bahay. Mula sa harding may dambuhalang punuan ng caimito ay langhap ang sarap ng pescaito frito, aking itinuro kay Mariana, tanggalan muna ng mga buto ang malaking isda, hiwain ng tig-iisang pulgada, hugasan ng maigi, pagkatapos ay ilub-lob sa tinimplang salsa ng kalahating basong suka, isang kutsaritang asukal, kalahating kutsaritang asin, isang kutsarang paminta, dalawang pirasong dinikdik na bawang at hiniwang isang pirasong sibuyas. Sa isang hiwalay na platong malalim ay ang binateng itlog, hinaluan ng harina at buto ng pamintang dinikdik at isa-isang balutan ang nakamarinadang isda bago iprito sa kumukulong mantika sa loob malaking kawali.

“ Magandang gabi po senyorita!” Bati ni Mariana pagkatapos mailapag ang mga pagkaing panghapunan sa hapag ng mesa.
“ Magandang gabi din sa iyo!” Ganti ko, mainit ang pag-galang, habang ako ay nakaupo sa isang silyang yari sa narra.
“ Mahusay ang pagka-gawa mo pescaito frito, mas magaling pa yata kaysa mga kastila. Magandang gabi sa inyong dalawa!”  Bati ni Senyora, ikinararangal ang gawa ng kasam-bahay, batid niya ang malikhaing talino ng mga katutubong mabigyan lang ng batayan ay lilikha ng higit pang mas maganda kaysa itinuro. Marahang tinungo ang silyang kaharap ako, kanyang ilong ay hindi mapakali sa sarap ng naamoy.
“ Sinunog ng mga sundalong kastila ang panaderia ni Lee Xiao Dee kanina sa Parian!” Maikling balita ni Mariana, nakatayo sa aming harapan, may mangha sa nagtaasang mga kilay.
“ Ahhhhhhh! Sa anong kadahilanan kung bakit nila sinunog ang panaderia at kabuhayan ng pobreng tsino?” Tanong kong nagkukunwari dahil batid kong si Senyora Limor ang nasa likod ng naganap, bago ako umalis kanina patungong tipolo ay nagbabalang huwag kong ikabibigla ang hakbanging kanyang gagawin para sa kapakanan ng aming pangangalakal. Sa ikli ng aming pamamalagi sa Cavite la punta ay  madalian niyang nilikha ang mapakinabangang ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaang kolonyal, iyan ay hindi ko masyadong maintindihan, marahil ay may angking karisma ang Senyora, tanging siya lamang ang nakaka-alam. Labag man sa aking kalooban ang naging hatol ni Senyora at mga sundalong kastila laban sa tsino ay sang-ayon ako sa naging parusa dahil sa lantarang pambabastos niya sa aming kasam-bahay at ang pagtuturo ng pagnanakaw sa inosenteng kamalayang kapalit ay salapi.
“ Ayon sa usapang kalye, hindi raw marunong magbayad ng serbisyo ang tsino sa kanyang mga trabahante at ayaw ring magbayad ng buwis sa Gobernador. Ang mas nakakabahala ay ang pakikipag-sabuwatan niya sa mga piratang moro upang lansagin ang kolonyalistang pamahalaan ng mga kastila.”
Sagot ni Mariana, kasabay sa aming pag-hahapunan, kinis ng kanyang kayumangging balat ay lalong pinatingkad ng sinag mula sa mga katutubong lamparang pinaligiran ang silid-kainan. Limang talampakan at dalwang pulgada ang taas, halata sa mga mata ang pagbibigay ng kahalagahan ng karangalan, hindi man matangos ang ilong ay proporsyonado sa hugis ng labi at pigura ng mukha, ibig sabihin ay kagandahan.
Ayon sa kanayang salaysay noon sa harap naming ni Senyora Limor, tatlong araw pagka-tapos matanggap bilang aming katiwala, ang kanyang ina ay namatay sa kulam noong ikalimampung ani sa isang isla sa panay . isang gabi pagkatapos makapag-inom ng tubig mula sa balon ay magdamagan ring nagtatae at nag-susuka, dahil malayo ang bahay ng manggagamot at lalo pang pinakupad ang aming paglalakad ay nalagutan ang ina bago narating ang bahay ng albularyo. Batid kong hindi kulam ang ikinamatay ng kanyang ina kung hindi ay isang sakit na tutuklasin pa lamang.
Ang mas masaklap ay ang mismong ama ang napag-bintangang mangkukulam dahil siya ang nag-hukay at gumawa ng balong kumitil pa ng maraming buhay. Dahil sa trahedyang yaon ay napilitan silang lumuwas mula sa kanilang nayon patungo rito sa Cavite la punta. Dito ay naging mahusay na mangga-gawa ang kanyang ama sa pagawaan ng mga Galleon. Kung husay at tibay ang pagbabatayan ay walang hihigit pa sa mga Galleon na nilikha mula sa Las Islas Felipinas dahil ang mga kamay ng mga indyo ay may angking hindi mapapantayang husay at galing.

Ang kasikipang nagdulot ng paghihirap sa aming   kalooban ay mas lalong tumindi ng dumaong ang sinasakyan naming Galleon sa daungan ng isla ng Santissima Nombre de Jesus, - Ayon sa kasaysayang kastila ay sa mismong islang ito napaslang ang dakilang konkistador  na si Fernando magallanes – nagsakay pa ng isang libong katutubong pintados, karagdagang mandirigma at mangga-gawa para mas madali at mas matibay ang pag-tatag ng Forte. Ang aming kahirapan at  lungkot  sa pagtawid ay napawi, sasabihin kong nabura ng mga ideyalistang hangarin ng kasama naming pari –Padre Melchor de Vera – isang paring Jesuita, itinilaga ni Haring Philip IV upang mag-disenyo ng isang matibay na Forte, habang-buhay ay maitarak sa kamalayan ang dakilang sibilisasyong kastila sa Ciudad de Zamboanga.
“  Magandang araw sa inyong lahat, sa ngalan ng banal korona ng Espanya, kung ating maita-taguyod ang adhikaing mailigtas ang Zamboanga laban sa mga piratang moro. Ipinapangako kong magtatagumpay din tayong magtatag ng isang kristiyanong siyudad na mayroong sibilisadong lipunan, mga batas ay maitaguyod ang kapakanan ng karamihan, magpapa-halaga sa karapatang pan-tao ng bawat nilalang. Isang siyudad ng wikang Chavacano, kakaiba sa lahat ng mga wika sa buong mundo. Darating din ang panahon, dadakilain ng sumusunod na mga henerasyon ang ginawa nating simulain ngayong araw sa lupain ng Zamboanga.”
Nakaka-kumbinsing talumpati ni Kapitan Juan de Chavez, punong-puno ng kaluluwa at mga pangarap sa harap naming bago lumapag an gaming mga paa sa luntiang dalampasigan ng Zamboanga, Abril 16, 1635. Nabigyan kami ng lakas ng loob at pagkaka-isang magtatag ng isang siyudad ayon sa kristiyanong moralidad kung saan ang lipunan ay huhubugin ng paniniwalang pagbabanat ng buto ay instrument tungo sa kaunlaran.
 Mainit ang sikat ng umaga ngunit ay pinapawi ng sariwang hanging mula sa gubat ang mahapding sinag, dumidikit sa aming mga balat habang naglalakad sa kalsadang buhangin patungo sa pook na itinatag ng mga naunang kastilang konkistador. Ang higit na nakakapawi ng hapdi ng araw at pagod ay ang pagiging saksi sa kaganapang binubuo ng kolonyalismo ang isang bansang may kapuluang watak-watak. Ang mga itinatag na mga Forte ay lubid para pag-iisahin ang mga nagkalat na iba’t – ibang wika at lahi sa ilalim ng sibilisasyong kastila. Naisipan kong hindi nga pala laging madilim ang kulay ng kolonyalismo, bagkus ay may mahalaga ring itong kontribusyon, bukod sa naibahaging kalendaryong Gregoryan na natutong magpahalaga ng oras at panahon ang mga indiyo ay natuto ring magkaroon ng galang at pagmamahal sa tinubuang lupa, ang nasyonalismong aming itinuro at ituturo pa na magiging dahilan ng aming pagbagsak at kapahamakan sa bandang huli.

“ Diyos ko!”
Malakas na malakas ang aking pagka-bigkas na ikinagulat ng aking mga kasamahan, biglaang napahinto sila sa paglalakad, kaagad nag matyag baka may mga kaaway. Lingid sa kanilang kaalaman ay ang hindi maintindihan ng isipan ang nakikita ng aking mga mata, para bang isang lumang panaginip, nanumbalik ng mas matamis. Sa sobrang tuwa ay hindi naging hadlang ang aking inasal, mali man sa paningin ng mga konserbatibong kastila ay tama para sa aking pusong inulila ng kay tagal. Nag-sitinginan ang aking mga kasamahan sa akin, nalilito sa biglang pag-taas ng aking boses kahit wala namang nagbabantang mga kaaway.
Sampung metro man ang kanyang layo sa akin, nahahalata ko sa kanyang mga mata at biglang pamumula ng mukha ang matinding pananabik sa akin. Tulala at hindi rin lubos makapaniwala sa nakikita, dahan-dahang lumapit sa akin, nagyakapan kami sa harap ng madla, dinadama ang init ng aming mga katawang pinaghiwalay at pinag-malupitan ng kapalaran. Unti-unting naintindihan ng aking mga kasamahan ang wagas naming pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana.
“ Salamat sa Diyos! Buong magdamag ay wala akong inaasam-asam kung hindi ay makapiling ka. Hindi ko inaasahang sa dulo ng mundong ito ay muli tayong magkita, sa susunod na buwan sana ay luluwas ako patungong Sevilla para pakasalan ka, sa aking piling ay wala kang mararamdamang pagdurusa sa kahirapan, kirot ng pagtataksil at lungkot ng pag-iisa, habang-buhay, ang pinakamaligayang nilalang ay ikaw, iyan ay ang aking pangako.”
Bulong ng kanyang bibig, bawat katagang dumadapo sa aking tenga ay tinig ng kanyang pusong walang ibang minamahal kung hindi ay ako. Mahigpit ang yakap ng kanyang mga braso sa akin, nais ibilanggo ang aking kaluluwa sa hawla ng tunay na pagmamahalan.
Nangangalakal siya noon ng mga rekados sa Ternate, isa sa mga isla ng Maluku, kasagsagan din ng matinding hidwaan ng Espanya at ng Dutch. Narining ang balitang nangangailangan ng karagdagang mandirigma ang Gobernador ng Las Islas Felipinas para burahin ang pamimirata ng mga moro, balakid sa pangangalakal at kaunlaran ng kahariang kastila. Dahil isa rin siyang mangangalak ay naisipang lumahok para itaguyod ang kapakanan ng kanilang uri. Sumamang nag-layag mula Ternate kasama ang mahigit limampung mandirigmang kastila. Sinalubong sila ng kapuwa mandirigmang kastilang lulan ang Galleon mula Cavite la punta ng marating nila ang karagatan ng Jolo.
Sa lilim ng panguluhan ni Kapitan Paulito Gabrielle de Castellano ay nasugpo ang mga piratang moro, kuta nila ay pinulbos ng mga kanyon at pinagtataga ng mga espada ng mga konkistador, ayon sa salaysay ni Tinyente Carlos de Valladolid, mayroong mahabang karanasang digmaan sa Chile, ang mga piratang moro ay hindi katulad ng mga mandirigmang Araucania, mababagsik, lumalaban ng harapan. Ang mga piratang moro ay lumalaban ng talikuran, naghihintay ng pagkakataong humina o habang natutulog ang mga kaaway at saka ay lulusob ng hindi namamalayan. Karuwagan kung tawagin ngunit ay napaka-epektibong taktika, pero ito ay waalang karangalan sapagkat ang tagumpay ay mas matamis kung ikaw ay lumalabang kaharap ay si kamatayan. Marahil talagang pirata sila, karamihan sa mga kaaway ay mga mahihinang babae, sadya nila sa pakikipagdigma ay hindi karangalan kung hindi ay salapi.
“Ako man ay nagtataka, naghihinala, hindi ko maintindihan, sa malayong lupalop lang pala ng mundong ito ay muli tayong magka-tagpo. Aaminin ko, sa tuwing wala ka sa aking tabi ay nagmimistulang purgatoryo ang aking buhay, laging pinanabikan ang mga maigiliw mong kataga ang katapatan ng iyong hangarin, handa na rin akong pakasalan ka.”
Sabi ko, alam niyang bawat titik ng aking salita ay isinulat ng pintig ng aking pusong walang ibang hinahanap kung hindi ay ang kanyang tunay na pagka-tao.
“ Handa ka na ngayong pakasalan ako samantala ay kung ilang beses mo tinaggihan ang aking mga alok, minsan ay naisip kong walang katuturan ang inilalaan kong pag-ibig sa iyo.”
Muling sabi, kumalas sa pagya-yakap, tila ay nagtaka sa narinig sa kahandaan kong pakasalan siya. Tuwa ay halata sa kaniyang mga mata.
“ Dati iyon noong hindi ko pa kayang iwang mag-isa ang aking abuela, ang aking buhay, pero ay pumanaw na siya!”
Balita ko, napansing pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata, alam niyang mahal na mahal din siya ng aking abuela, kanyang kinagigiliwan ang aking abuela dahil sa mga katagang hinubog ng karanasan.
Nagbubulong-bulungan ang iba naming kasamahan at ang iba naman ay napangiti sa nakita, at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Lumapit si Senyora Limor sa amin ni Juan Miguel . “ Pangalan niya ay Senyora Limor Eitan!”  Pagpapakilala ko, nilapitan at kinamayan. “ Magandang umaga po Senyora Limor, Juan Miguel de Figueroa ang tawag nila sa akin.” Kanyang pagpapa-kilala sa sarili. “ Magandang umaga din sa iyo hijo, isang mandirigmang magiting pala ang magiging kabiyak ng aking kaibigang pinagkaka-tiwalaan.”  Ngumiti si Senyora pagkatapos mag-salita at napangiti rin kami. Dahil sa sobrang pananabik ay hindi ko na nakuha pang ipakilala si Mariana, binibitbit ang “Banga”, habang karaga ng mga katutubong subanen an gaming kagamitan.
Nahahalata kong hindi mapakali ang mga galaw ni Juan Miguel ng marating namin ang tutuluyang bahay, balisa rin ang ikot ng mga mata.
Hinayaan naming maka-pasok sa loob si Senyora Limor at Mariana, inayos ang mga dalang kagamitan, nagpaiwang kami sa harding pantay-pantay ang pagka-gupit ng mga berdeng halaman, naupo kami sa mahabang upuang nasa ilalim ng malaking punuang mahogany. Tanaw ang luntiang karagatan ng Zamboanga, dinuduyan ng sariwang hanging ang bawat hibla ng aming buhok, ang kogonang kumakapal ay nagsimula na ring mag-sayawan.
“May problema ba?”
Tanong ko, paniningin niya ay sinisisid ang mga ala-ala sa karagatan, isipan ay naglalakbay sa kalawakan.Tumango-tango siya, walang imik, at muling pumatak ang mga luha.
“ Juan ! Ano ano nangyayari sa iyo? Magsalita ka nga.”
Tanong ko, naguguluhan, hindi matukoy ang kahulugan ng mga luha ng aking kaharap, at niyakap ako ng mahigpit. “ Ipangako mong hindi ka mabibigla sa aking sasabihin.” Nagsalita, pumapatak pa rin ang mga luha. Kaba sa aking dibdib ay gumagapang, tila ay mga dagang may dalang kilabot.
“ Wala kaming nalalaman tungkol sa kagubatan, kabundukan at kalaparan ng marating naming ang dalampasigan ng Jolo. Bago nilusob ang kuta ng mga pirata ay nagpulong muna ang mga opisyal ng aming sandatahang lakas, nahirang ako, si Tinyente Federico Lacastarria at ang isang katutubong subaneng marunong mag-wikang Joloano, pero ay iginiit ni Kapitan , sa halip si Tinyente ang makasama ko sa napaka-delikado at sensitibong tahas ay siya na lamang dahil sa may karanasan siya tungkol sa kaugaliang Joloano. Bago pasukin ang gubat para malaman ang posisyon ng mga kaaway ay nagbilin muna kay Kapitan-Heneral, kung sa loob ng tatlong oras ay hindi pa kami nakaka-balik, ibig sabihin ay nabihag kami, kung ito ay mangyayari man,hiling niyang huwag kami tutubusin ng salapi kung hindi ay ng isang digmaan, madugong digmaang habang-buhay ay maging bahagi ng kanilang mga bangungot.
Dumating ang mapag-hamong dagok sa aking buhay, nabihag ako ng mga pirata ng matunton ko ang kanilang kuta. Ang pagkakamaling bumaliktad sa aking mundo, puso ko ay walang ibang isinisigaw kung hindi ay paghihiganti, hindi ko inasahan, ang aming kapangahasan ay kanilang pinaghandaan. Naglatag ng kasunduan si Kapitan, pero ay hindi pumayag ang mga pirata, nagbantang pugutan ako ng ulo at hiwa-hiwain ang aking katawan kapag hindi natubos ng salapi.
Muli ay naglatag ng kasunduang taktikal si Kapitan,hiniling niya ang aking kalayaan na ang kapalit ay siya dahil sa makabuluhan ang kanyang posisyon sa aming sandatahang lakas, ibig sabihin ay mas mataas ang salaping katumbas. Pumayag ang mga piratang moro, bukod sa katumbas ng salapi ay may makukuha silang mahalagang impormasyon mula sa kapitan, at iyon ay ang kanilang pagkakamali, paslangin man nila ng sampung beses si Kapitan ay manantiling lihim ang nalalaman hanggang sa hukay.

“ Salamat Senyor, sana ay hinayaan mo na lamang akong mamatay at mag-alay ng buhay para sa kadakilaan ng Espanya, higit kang kailangan ng Korona kaysa sa akin,bukod sa mababa ang antas sa sandatahang lakas ay maikli rin ang karanasan sa digmaan!” Hiling ko sa kanya, lumuluha ang aking mga mata, subalit ay hindi siya pumayag. “ Hijo, ako ay tumatanda na, batid ko ang iyong pagmamahal sa aking kaisa-isang anak, kahit na anong mangyari ay babalikan mo siya at hindi pababayaan, sa aking puso ay lagi kitang tinuturing na isang anak. Ang malalim na dahilan kung bakit nais ko ako ang iyong makasama sa tahas na ito ay para lagi kang ipagtanggol, buhay man ang kapalit. Kung ikakasal man kayo, alalahanin mong ako ay laging nasa inyong tabi habang naglalakad patungo sa sagradong dambana.”
Mga kataga niyang walang bakas ng takot, bawat tuldok ng mga pangungusap ay naroroon ang kadakilaan at ang kaluluwa ng isang bayaning sadyang nilikha ng Diyos para sa kadakilaan ng Pag-Ibig. Agad akong napalaya, hudyat ng madugong digmaan, kapalit ng aming tagumpay laban sa mga piratang moro ay ang mahalagang buhay ni Kapitan Paulito Gabrielle de Castellano. Manantili siyang naka-ukit sa aking kaluluwa, utang ko ang lahat sa kanya at ang kabayaran ay mamahalin ka ng higit pa sa aking sarili at habang-buhay ay itataguyod ko ang sinimulang adhikain ni Kapitan, sa mga pahina ng kasaysayan, siya ay magiging imortal. “
Bigla ay nagdilim ang aking paningin, para akong himatayin sa sobrang kirot, sakit na dulot sa aking puso ay napakahapdi, hindi ko maintindihan ang nagdedeliriyo kong isipan, kamalayan ko ay nababaliw. Ibig kong pumuglas sa yakap ng Juan Miguel para mag-wala, isigaw ang matinding kaparusahang walang katarungan. Lalong niyang hinigpitan ang yakap, wala akong nagawa kung hindi ay himikbi sa kanyang dibdib hanggang tuluyang malunod ang damdamin sa pagluluksa.
Nagtagumpay ang mga kolonyalistang burahin ang banta ng mga piratang moro sa katahimikan ng Ciudad de Zamboanga. June 25,1635, dalawang araw pagkatapos mabasbasan ng sagradong pagdarasal, mga banal na kataga at banal na tubig ni Padre Melchor de Vera ang Forte de Real Fuerza de San jose ay ikinasal kami ng aking pinakamamahal, Juan Miguel de Figueroa. Kami ang kauna-unahang mga kastilang ikinasal sa lupain ng Ciudad de Zamboanga. Sa harap ng sagradong dambana ng kapilya ay nagpalitan kami ng mga sumpaang matatamis, tanging kamatayan lamang ang makapag-hiwalay.
Ang tunay na pag-ibig pala ay parang isang kuwentong kay tamis basahin,hindi man sadyang hanapin ay kusang kakatok sa pintuan ng iyong puso, ang hatid ay samyo ng bulaklak na laging mong hahanap-hanapin, ang hiwagang dala nito, tanging Panginoon lamang ang nakaka-alam.
Salamat sa karunungan ni Senyora Limor tungkol sa arkitekturang gotiko, sa mga malikhaing kamay ng mga pintados at mga katutubong subanen, malaki ang kanilang nai-ambag sa pagpapatayo ng Mansion de la familia Figueroa, sa likod nito ay isinilang ang mga bagong kataga sa  Wikang Chavacano.